Inday TrendingInday Trending
Ang Aking Apat na Pag-ibig

Ang Aking Apat na Pag-ibig

Si Diana Genrosa, lumaki sa isang marangyang pamilya. Nag-iisang anak ng mga negosyanteng sina Mr. Pablo Generoso at Mrs. Lucita Generoso. Lumaki si Diana na sagana sa lahat ng bagay. Lahat na material na bagay na kanyang gusto ay agad niyang nakukuha.

Ngunit may isang bagay siya na hindi niya makuha, ito ay ang pag-aruga at pagkalinga ng kanyang mga magulang. Naiintindihan ni Diana na abala ang kanyang mga magulang sa kanilang negosyo, at kaya sila nagsisikap ng maigi ay dahil mahal na mahal nila ang anak kaya ginagawa nilang lahat maibigay lang ang lahat ng pangangailangan nito.

Pero sa paglipas ng panahon ay unti-unting naghanap ng kalinga si Diana. At una niya itong naramdaman sa una niyang nobyo na si Ramon. Nagkakilala ang dalawa dahil magkaklase sile kolehiyong pinapasukan. Magandang dalaga si Diana kaya marming lalaki ang nahuhumaling dito.

Para kay Diana, si Ramon ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na kanyang hinahanap. Lagi siya nitong inaalagaan at lagi silang magkasama. Dahil madalas na wala ang mga magulang ni Diana ay laging nagpupunta doon si Ramon.

Sabik sa pagmamahal at atensyon si Diana. Nasa kolehiyo pa lamang siya ng naisuko niya na ang kanyang bataan sa kanyang kasintahan.

“Babe, parang ang sarap humiga at magpahinga ngayon,” paglalambing na sinabi ni Ramon.

“Ano ka ba babe! Nanjan sila yaya. Baka mahuli nila tayo,” kinikilig na sagot ni Diana.

“Sige na babe! Isa lang naman eh,” pagpipilit ni Ramon,

Nagpatuloy na ganito ang relasyon ni Diana at Ramon. Nang sa huling taon niya sa kolehiyo ay nabuntis siya ni Ramon. Agad niya itong kinausap tungkol sa dinadala niya ngunit hindi niya ito pinanindigan. Dahil mayaman din ang pamilya ni Ramon, pinalipat ito agad ng eskwelahan sa ibang bansa upang makatakas siya sa responsibilidad na dala ng pagbubuntis ni Diana.

Masama man ang loob ng mga magulang nito, ay tuluyan na rin nilang tinanggap na sila ay magkaka-apo na. Tulad ni Diana, hindi din nagkulang sa financial na suporta at material ng regalo ang mga magulang ni Diana sa apo.

Masakit man para kay Diana na iniwan siya ni Ramon at hindi pinanindigan ay kailangan na ipagpatuloy niya ang buhay. Naging katuwang niya ang mga kasambuhay nang isilang niya ang una niyang anak. Ngunit dahil nasa murang edad pa lamang noon si Diana ay madalas na iniiwan niya ang kanyang anak sa mga kasambahay, upang makasama sa gimik ng mga kaibigan. Inom dito, inom doon. Labas dito, Labas doon. Nagpatuloy mamuhay si Diana na para siya pa rin ay isang dalaga.

Hanggang sa pangalawang pagkakataon ay nabuntis na naman siya ng isang kaibigan na nakilala sa gimikan. Dahil sa inuman lang nakilala ni Diana ay lalaking nakabuntis sa kanya ay hindi na niya ito nakilala pang muli.

Masakit man siya kanya ngunit pilit niyang pinanindigan na ipagbutis ang bata sa kanyang tiyan. Ni hindi man sumagi sa isip nito na ipalaglag ang bata.

Sa pagkakataon na ito ay nagalit na ang mga magulang ni Diana. At upang maiwasan na mangyari na ito, si Diana ay inatasan na ng kanyang mga magulang na magtrabaho sa kanilang kumpanya. Lalo na at lumalaki na ang mga anak nito.

Naging masikap si Diana magtrabaho, ginamit niya ang kanyang dalawang anak bilang inspirasyon upang magbago. Ayawna rin kasi nitong umibig pang muli, kaya naging abala na lang siya sa pagiging empleyado ng kanyang mga magulang at ina ng kanyang dalawang anak.

Lumipas ang ilang taon, lumapit na naman ang pag-ibig kay Diana. Noong una ay iniiwasan pa niya ito, kaso naisip niya ang kanyang mga anak na naghahanap na ng isang ama.

Hindi rin siya sigurado sa pag-ibig na lumapit sa kanya dahil para sa mata ng iba, ito ay hindi magiging tama lalo na at ang lalaking ito ay ang kanilang drayber na si Lino.

Si Lino ay ilang dekada ng nagta-trabaho sa kanila. Alam din nito ang masakit na istorya sa pag-ibig ni Diana. At sa tagal na panahon na sila ay magkasama bilang kanyang sariling drayber, nauwi ang dalawa sa pa-iibigan.

Di naglaon ay nagbunga din ang pagmamahalan nilang dalawa, At sa pagkakataon na ito ay hindi naging sang-ayon ang magulang ni Diana sa relasyon nila ni Lino.

“Diana! Itigil mo na ‘yang kahibangan mo!” galit na sigaw ng ina ni Diana

“Ma! Mahal ko po si Lino at tanggap niya po ang aking mga anak,” iyak na sagot ni Diana

“Ikaw Diana! Hindi ka na natuto! Paulit-ulit mo kaming pinapahiya sa tao! Pang-ilang anak mo na yan, sa pang-ilan na lalake?! Tapos sa driver pa talaga natin?! May natitira ka pa bang kahihiyan?!” sigaw ng ama ni Diana na galit na galit.

“Patawarin niyo ako Ma at Papa. Mahal na mahal ko po talag si Lino. Itutuloy ko po itong pagbubuntis ko at magsa-sama po kaming dalawa ni Lino,” sagot ni Diana.

“Bahala ka Diana! Malaki ka na! Kung pipiliin mo ‘yang lalaki na yan, wala ka ng bahay na tutuluyan. Lumayas ka mismo ngayon kung siya ang pinipili mo,” wika ng kanyang ama na sobra ang galit kay Diana.

Hindi nila lubos maisip na ganito ang kakahantungan ng kanilang anak, matapos nilang maibigay lahat ng pangangailangan nito.

Matapos ang gabi na iyon, ay umalis na nga si Diana sa kanila, kasa-kasama ang dalawa nitong anak. Sila ay dinala ni Lino sa kanilang lugar. Dahil may kaunting naipundar ay may sariling itong tirahan, at katabi nito ay ang bahay ng kanyang magulang.

“Diana, pasensya ka na at ito lang ang bahay ko,” wika ni Lino.

“Ayos lang, basta magkakasama tayo at ng mga bata,” sagot ni Diana habang hawak ang dalawang anak.

“Mamahalin ko kayo na parang tunay na akin, tulad ng pagmamahal na ibibigay sa inyong bunsong kapatid,” sabi ni Lino habang haplos-haplos ang tiyan ni Diana na nagdadalang-tao.

Lumipas ang ilang taon, nag-aral na ang dalawang anak ni Diana. Magdadalawang-taon gulang na din ng bunso nito. Si Lino lang ang tanging nagta-trabaho sa kanila dahil kailangan maiwan si Diana para maalagaan ang bata. Minsan man ay kinakapos ngunit pinagkakasya ni Diana ang kinikita ng asawa para sa pang-araw araw.

Para sa kanya ang napakaswerte niya na pinili niya si Lino dahil kahit na ganoon siya at ang naging nakaraan niya ay tinanggap at minahal pa rin siya nito.

Pero habang tumatagal ay unti -unti niyang nararamdaman lao na hindi siya tanggap ng pamilya ni Lino.

“Anak. Itigil mo na yang kalokohan mo. Pagod na pagod ka sa pagta-trabaho dahil may tatlong anak ka na binubuhay eh isa lang naman ang totong sayo,” galit na sabi ng nanay ni Lino.

Rinig ni Diana ang usapan ng nila dahil isang dingding lamang ang pagitan ng kanilang bahay.

“Nay, hinay hinay lang po sa pagsasalita at baka marinig kayo ni Diana,” mahinhin na sabi ni Lino

“Hay nako! Wala akong pakialam kung marinig niya ako! Dapat nga siyang mahiya at ang kapal naman ng mukha niyang ipa-ako ayo yung mga anak niya,” sigaw pa rin ng kanyang ina.

“Nay, mahal ko po si Diana. Siya po ang gusto ko, at kaya ko pong mahalin maging ang nakaraan niya,” sagot naman ni Lino na palabas na ng bahay at palipat na sa kabilang bahay.

“Ang sakin ang naman anak, nakikita ko ang pagod mo. Anak, bata ka pa, makakahanap ka pa ng babae na walang sabit,” sabi ng ina, habang pinipigilan ang anak na umalis.

Nung oras na iyon ay agad ng nagtungo si Diana sa kailang kwarto para hindi malamn ni Lino ang pag-uusap nila. Nang makauwi na si Lino at tumabi ito sa kanya, agad niya itong kinamusta.

“Mahal, pagod ka na ba? Gusto mo ba humanap din ako ng mapagkakakitaan para matulungan kita sa paghhanap buhay?” malambing na tinanong ni Diana si Lino.

“Wag na mahal. Hinding-hindi ako mapapagod para sa inyo,” sagot ni Lino na agad din nakatulog dahil sa pagod sa trabaho.

Sa pagdaan ng araw ay napansin niya na lumalayo na sa kanya ang loob ng asawa. Madalas ay gabing-gabi na din itong umuwi sa trabaho. Nagpatuloy na ganoon ang laging nangyayari sa loob ng maraming buwan, hanggang sa naabutan niya ang asawa na umuwi isang gabi na may kasamang babae, ngunit sa bahay ng magulang niya ito dinala.

Hindi agad nakakilos si Diana sa gulat, nais niya sanang lapitan ang asawa at tanungin kung sino ito. Ngunit dahil ayaw niyang mag-iskandalo ay tahimik itong naglakad at sumilip sa bintana upang maki-usyoso.

“O Lino, buti naipasyal mo uli itong nobyo mo?” tanong ng kapatid niyang lalaki.

“Aba, kaganda naman niya talaga at tila lumalaki ang tiyan mo iha,” bati naman ng ina nito.

Nang mga sandaling iyon, biglang bumuhos ang mga luha sa mata ni Diana. Tila may tumutusok sa kanyang puso dahil sa sakit nito. Ngunit mas lalo siyang nanghina nang narinig niya ang sinabi ni Lino.

“Oo ma, kaya nga kami naparito ay para ibalita na nagdadalang tao na ito,” nakangiting sabi nito na tila ba ay wala sa isip niya na may asawa na siya at anak.

Labis na nasaktan si Diana. Walang humpay ang pagtulo ng kanyang luha. Lalo na ng mapagtanto niya na suportado ng pamilya nito ang pagkakaraon nito ng babae kahit na may kinakasama na ito.

Umuwi sa kanilang bahay si Diana. Kulang na lang ay gumapang siya pauwi dahil nanghina siya sa kanyang nalaman. Kaya pala matagal ng paulit ulit na gabing-gabi umuwi si Lino at dahil kasama nito ang babae nito at madalas ay sa kabilang bahay pa niya ito pinapatuloy.

Hindi matanggap ni Diana ang pangloloko na ginawa sa kanya ni Lino. Marahil ng dahil sa pagbubuyo ng mga kamag-anak nito na maghanap ng walang sabit at tuluyan niya na itong sinunod,

Sa sobrang sama ng loob ni Diana ay agad itong nag alsa-balutan. Dinala ang mga damit na kaya niyang dalhin. Habang karga ang bunsong anak, at nakahawak sa kanyang saya ang dalawa pang anak ay umalis ang mga ito habang nagkakasiyahan ang lahat sa kabilang bahay.

Sumakay si Diana ng tricycle at naghanap ng masaksakyan pauwi sa kanyang mga magulang.

“Ma, Pa. Hindi ko alam kung matatanggap niyo pa ko at ang mga anak ko pag umuwi ako. Pero kayo lang ang totoong meron ako,” paiyak na sinabi ni Diana habang nasa biyahe pauwi sa kanila.

Nang makarating ay kinakabahan na nagdoorbell si Diana.

“Sino po iyan?” tanong ng kasambahay habang binubuksan ang pinto.

“Ma’am Diana?!” sigaw na sabi ng kasambahay na gulat na gulat at tuwang-tuwa kaya agad itong pumasok sa loob at tinawag ang mga amo.

Pumasok na si Diana at ang kanyang mga anak sa loob ng gate, at sabay din ang paglabas ng kanyang mga magulang sa pinto galing sa loob ng bahay.

“Anak!” sigaw ni ina ni Diana sabay takbo para sila ay yakapin.

“Diana!” sabay na sigaw ng ama ni Diana na yumakap din kasunod ng kanyang asawa.

“Ma, Pa. Patawarin niyo po kasi umalis ako. Patawarin niyo po ako kasi pauli-ulit akong nagkakamali at mas pinili ang pagmamahal ng iba kaysa sa pagmamahal niyo,” humahagugol nitong sabi.

“Anak, kami ang patawarin mo. Huli na ang lahat ng malaman namin na nagkulang kami sa iyo anak. Akala namin na ang material na bagay na naibibigay namin sayo ay sapat na para maramdaman mo na mahal ka namin, pero mali iyon nak. Nakalimutan namin pano iparamdam sayo mismo ang tunay naming pagmamahal kaya patawarin mo kami anak,” sa ng kanyang ama na noon ay buhat buhat na ang pangalawang apo.

Pumasok na sa loob ang mag-anak at doon itunuloy ang kwentuhan at iyakan.

“Anak, magsimula ka ng bago. Magsimula ka ng bago para sa mga anak mo. At pangako anak, nandito na kami palagi para iparamdam sayo at sa aming mga apo ang pagmamahal at pag-aalaga namin,” sabi ng kanyang ina.

“Oo anak, simulan mo sa pagmamahal ulit sa sarili mo anak. Isipin mo ulit ang iyong sarili, mahalin mo uit ang iyong sarili para darating ang araw na hindi mo na kakailangain ang pagmamahal ng iba para maramdaman mo na kamahal-mahal ka anak,” wika naman ng kanyang ama.

At nagsimula nga ng panibagong buhay si Diana. Mula kay Ramon na una niyang minahal, sa lalaking nakilala niya lamang, at kay Lino na sinubukan siyang tanggapin, natutunana niyang sarili naman niya ang kanyang mahalin. At mula sa sa tatlong anak niya, na bunga ng mali niyang pag-ibig, nagbunga naman ang pag-ibig niya sa kanyang sarili ng isang napalaking pagmamahal, ay iyon ay ang pagmamahal ng isang ina.

Advertisement