Sa Dami ng Manliligaw ng Babae, Itong Walang Kwentang Lalaki Pa ang Kaniyang Napili; Nakakakilabot Pala ang Dahilan

Sa Dami ng Manliligaw ng Babae, Itong Walang Kwentang Lalaki Pa ang Kaniyang Napili; Nakakakilabot Pala ang Dahilan

FamilyHeartbreakingStories

Balagbagan na naman ang maririnig mula sa apartment na tinutuluyan nila Erika na nagmumurahan at [email protected] sa loob. Gabi-gabi na lamang ay ganito ang ganap sa kanila. Hindi na nga sila nawawala sa chismisan ng mga tao sa paligid nila. Tanong ng mga ito, bakit sa lalaking iyon pa nagpakasal si Erika gayong marami itong manliligaw noon.

Mga mayayaman, gwapo, ‘yong iba pa nga ay may dalang tsokolate’t rosas, nakasasakyan pa kung manligaw! ‘Di tulad kay Lito na kaniyang pinili. Walang tinapos, walang permanenteng trabaho, at higit sa lahat ay mabisyo! Walang utak nga raw kung tawagin ng mga tao si Erika. Katwiran nila, hindi na uso ang puro na lang pag-ibig dahil hindi ka mabubuhay kung puro pagmamahal lang. Kailangan pa rin higit sa lahat ang mayroong permanente at magandang trabaho, iyong kayang bumuhay ng pamilya.

Mayroon nang anak sina Erika at Lito. Dalawang taon na ito ngunit ubod nang payat ng bata. Pilit naman siyang pinapalaki nang maayos ng kaniyang ina kahit na parating uuwi ng lasing ang ama. Wala na rin magawa si Erika dahil nakulong na siya sa buhay na ganito. Kahit na gustuhin niyang bumalik sa nakaraan, hindi na kaya pa. Ang kaya na lang niyang gawin, tiisin at magpakatatag para sa kaniyang anak.

Isang umaga, isang sigaw mula kay Aling Rosa ang narinig ni Erika. Kahit na kaaway niya ang matandang iyon ay hindi siya nagdalawang-isip na rumesponde. Nakita niyang nakabulagta ito sa lapag kaya agad niyang isinugod sa ospital. Dinala niya ang kaniyang anak dahil walang maiiwan sa matanda para magbantay. Wala na kasi itong mga anak, lahat ay nasa ibang bansa na. Ito rin ang namamahala at may-ari ng mga paupahan kabilang na kung saan sila nakatira.

Nang imulat ni Aling Rosa ang kaniyang mata, nakita niya na naroon si Erika na natutulog sa kaniyang tabi. Naantig ang matanda sa ginawa nito para sa kaniya. Kahit na puro pagtatalak at pagkakalat ng kwento tungkol dito ang ginawa niya ay tinulungan pa rin siya nito. Hindi niya mailabas kung gaano siya nagpapasalamat dahil kung hindi siya tinulungan, marahil ay binawian na siya ng buhay.

Maya maya lamang, nagising na si Erika at agad na tinanong si Aling Rosa kung may masakit at may kailangan ito. Nagulat na lamang ang matanda dahil alalang-alala ito sa kaniya. Sinagot naman niya na ayos na ang kaniyang kalagayan. Ilang minuto lamang, para bang natauhan si Erika na galit nga pala ang matanda sa kaniya dahil ‘di pa sila nakakabayad. Kaya naman agad siyang umalis at nagpaalam kay Aling Rosa.

Ilang araw lang ang lumipas, nakauwi na rin si Aling Rosa sa bahay. Kung dati ay palagi niyang sinisiraan si Erika, nag-iba na ang pakikitungo niya rito. Sinasaway na niya ang mga chismosa na naninira kay Erika. Kung minsan din ay binibigyan niya ito ng mga ulam na niluluto niya. Dito nag-umpisa ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa.

Isang tanghali, inimbitahan ni Aling Rosa si Erika na sa kanila na mananghalian dahil kaarawan naman niya. Wala naman kasi siyang mga kaibigan o pamilya na maiimbita kaya tinanggap na rin ni Erika ang paanyaya ng matanda. Nakita ni Erika na maraming iniluto si Aling Rosa. Agad silang kumain at nagkwentuhan na parang mag-ina.

“Patawad, Erika. Hindi pa ako humihingi ng tawad sayo… sa lahat ng paninira at pamamahiya ko sa’yo…” mahinang wika ng matanda kay Erika.

Bilang pagtanggap ng paumanhin ng matanda, ngumiti si Erika at niyakap nang mahigpit si Aling Rosa. Nagpasiya silang kalimutan na ang lahat ng samaan ng loob. Sinabihan din ng matanda na hatiin na sa kalahati ang renta ng kanilang bahay bilang pagbawi niya. Dito na naitanong ni Aling Rosa si Erika bakit nga ba pinili ni Erika si Lito na halos wala namang pakinabang.

Naluha si Aling Rosa matapos marinig kwento ni Erika. Pinilit pala silang ipakasal ng mga magulang ni Erika dahil [email protected] lamang siya ni Lito at nagbunga ito. Wala siyang ibang nagawa kundi harapin na lamang ang desisyon na hindi naman siya ang nagpasya.

Awang-awa ang matanda sa sinapit ni Erika. Sa likod pala ng mga paninira sa babae ay ang masaklap na pinagdaanan nito. Dito naisip ni Aling Rosa na suportahan ang nais ni Erika na hiwalayan na si Lito. Hindi lamang niya kasi ito magawa dahil hindi pa siya makapagtrabaho upang sustentuhan ang anak. Laking tuwa ni Erika sa paanyaya ng matanda sa kaniya na maging tagapagbantay niya. Bilang kapalit, libre na ang bahay at magkakaroon pa siya ng sweldo.

Dumating ang susunod na araw na tuluyan na ngang pinalayas ni Erika si Lito. Sa wakas, nagkaroon na siya ng lakas ng loob upang gawin ang matagal na niyang hinihiling. Laking pasalamat niya na dumating si Aling Rosa sa kaniyang buhay na itinuturing na rin niyang tunay na ina. Naging payapa na ang buhay ni Erika matapos ang desisyon na kaniyang ginawa. Marami man ang nasira sa kaniyang buhay ngunit alam niyang hindi pa huli ang lahat para makabawi sa anak niya pati na sa kaniyang sarili.

More Stories