Inday TrendingInday Trending
Iniwan ng Babae ang Nobyo Para Ipaako sa Mayamang Lalaki ang Ipinagbubuntis Niya, Nang Mabuking ang Sikreto ay Naging Impyerno ang Buhay Niya

Iniwan ng Babae ang Nobyo Para Ipaako sa Mayamang Lalaki ang Ipinagbubuntis Niya, Nang Mabuking ang Sikreto ay Naging Impyerno ang Buhay Niya

First year college pa lamang ay malapit nang magkaibigan sina Aika at Janice. Astang lalake si Aika habang napakahinhin naman ni Janice ngunit dahil pareho silang weirdo’y lubos silang nagkasundo.

Sa sobrang close ng dalawa’y napapagkamalan pa silang magsyotang tomboy kahit ang totoo’y pareho silang may nobyo.

Nang makatapos ng kolehiyo’y agad pumasok ang dalawa sa iisang kumpanya. Halos sabay din silang nabuntis ng hindi pa ikinakasal.

Nagkataon ding parehong possessive ang kanilang mga nobyo. Halos pagselosan pa ng mga ito ang pagiging close ng dalawa.

Nang magpasyang huminto sa pagtratrabaho si Janice ay patuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa. Halos oras-oras ay nagtatawagan ang magkaibigan, kung hindi naman puwedeng gumamit ng cellphone sa trabaho’y sa Facebook sila nag-uusap.

Nang magkaroon ng pangalawang anak si Janice ay tila nawalan na ito ng oras kay Aika kaya’t naging malapit naman si Aika sa mga kaopisinang lalake na siyang nakakasundo nito dahil sa pagiging maingay at astang maton nito.

Selos na selos ang nobyo ni Aika na si Chris sa mga kaibigang lalake ng nobya kaya’t humingi ito ng payo kay Janice.

“Hatinggabi na palagi kung umuwi iyang kaibigan mo. Ang mga kainuman pa’y mga lalake. Wala talagang respeto sa akin ‘yang si Aika.” Malungkot na saad ni Chris.

Palibhasa’y hayskul pa lamang ay mag-on na sila ni Aika kaya tila nanlalamig na ito sa nobyo. Dagdag mo pang kakaunti lang ang kabigan ni Chris at ang mundo nito’y halos umiikot na lamang kay Aika.

“Janice, huwag ka na lamang makialam. Tutal ay wala ka na rin namang masyadong alam sa buhay ko. Intindihin mo ang sarili mo. Hindi ka ba nagsasawa sa araw-araw na apat na sulok lamang ng bahay niyo ang nakikita mo? Lumabas ka’t makipag-kaibigan.” Saad ni Aika sa kaibigan.

Hindi na lamang umimik si Janice. Napagtanto din nitong hindi nga dapat ito nakikialam sa pakikipag-relasyon ng kaibigan.

“Ang lupit niyang si Aika, ano? Tatlong lalake ang pinagsasabay-sabay.” wika ng kaopisina nitong si Cheryl.

“May nabalitaan pa nga ako na pagkatapos ng inuman ay pinagsabay niyan ang dalawang lalake.” Gatong naman ng baklang kaopisina nitong si Miyo.

Di nagtagal ay talamak na sa opisina ang ginagawang pakikipagtalik ni Aika sa iba’t-ibang mga lalakeng kaopisina. Naging biruan pa ng mga kalalakihan ang hugis ng katawan ni Aika pati kung anong mga posisyon ang ginagawa nila tuwing nakikipagtalik dito. Ang tawag nila dito ay hipon sapagkat sadyang nakakahumaling ang korte ng katawan nito at napakakinis pa ng balat ngunit ang mukha raw nito ay patapon sapagkat hindi ito kagandahan.

“Walangya ka! Parang wala kang anak! Hayop! Para kang asong kung kani-kanino na lamang pumapatol!” Saad ng panganay na kapatid nitong si Karen.

“Si Janice ang nagsumbong sa iyo, ano? Palibhasa’y ang boring ng buhay! Nakakaawa!” Galit na galit na saad ni Aika.

“Hindi siya ang nagkuwento sa akin! Nabalitaan ko iyan ng makasakay ko sa jeep ang dati kong kaklaseng si Cheryl. Tampulan ka na nga daw ng chismis sa opisina ninyo! Mahiya ka naman!” Wika ni Karen.

Hindi naman nakumbinsi si Aika at sinugod ang kaibigang si Janice.

“Bait-baitan ka na naman! Pumapel ka pa sa kapatid ko! Asikasuhin mo ang pamilya mo, huwag ako! Tignan mo sarili mo sa salamin, mukha kang losyang! Isa pa, may kinakasama na ako at ngayon ay limang buwan na akong buntis. Nakipaghiwalay na ako kay Chris! Huwag mo akong istressin, pag nalaglag itong dinadala ko ipapapatay ka ng nobyo ko. Wala kang ideya kung gaano siya kayaman. Hinding-hindi ako tutulad sa iyo na nagpapakalosyang sa dukha mong kinakasama!” Namumula si Aika sa galit.

Dahil natakot na mapahamak ang matalik na kaibigang nagdadalang tao ay nanahimik na lamang si Janice. Alalang-alala naman ito sa kalagayan ni Aika ngunit nagpasya itong hindi na lamang makikialam.

“Ang saya natin sa Bohol. Namili pa nga ng stuffed toy na tarsier si Ma’am Aika. Pero si Sir Jay-ar ang pinakasuwerte sa lahat! Ang laki ng nabingwit nitong tarsier!” Humahagalpak ang drayber na si Mang Rudy habang pasimpleng nilalait si Aika, ang ngayo’y kasintahan ng mayaman nilang boss na si Jay-ar. Palibhasa’y malaki ang mga mata ni Aika at napakaitim pa ng eyebags nito.

“Nagrereklamo nga sa akin ang mommy ni Jay-ar. Ni hindi raw makapaghugas ng plato si Aika. Akala mo kung sino. Samantalang ang ex ni sir na doktora’y pinaglilinis pa ng kuwarto si sir Jay-ar.” Wika ng mayordomang si Aling Sylvia.

“Tignan lang natin pag pinagsawaan na siya ni sir. Suwerte niya’t madali siyang mabuntis. Ang alam ko’y kaya naghiwalay si sir at si doktora ay dahil hindi sila magka-anak.” Saad ni Aling Beth, ang yayang nagpalaki kay Jay-ar.

Lumipas ang ilang taon at tila naging astang donya na talaga si Aika. Lagi niyang pangbungad ang lalakeng anak na si Franco. Magiliw ang lahat dito kaya’t alagang-alaga niya ito. Ang anak niya naman sa una na si Ice ay halos hindi na niya dinadalaw. Minsang kinuha niya ito kay Chris ay nalaglag pa ito sa hagdanan ng mall. Kaya’t hindi na siya pinagbigyan ni Chris nang sinabing ipapasyal nya ulit ang panganay.

Kung makapag-utos din ito sa mga kasambahay ay akala mo kung sino kaya’t habang tumatagal ay lumalaki ang inis ng mga magulang ni Jay-ar dito.

“Babe, hindi ako makakauwi ngayon. Nagyaya sila Benj mag-golf.” Saad ng kinakasamang si Jay-ar nang tawagan si Aika sa telepono.

“Okay lang, babe. Nasaan pala yung ATM mo? Magshopping na lang ako.” Sagot ni Aika.

Hindi nito alam na naririnig pala ng ina ni Jay-ar ang kaniyang sinasabi.

“Aika, baka naman minsan ay puwede mo munang alagaan ng buong araw si Franco? Tutal ay wala ka namang trabaho. Nagrereklamo na kasi si Aling Beth, hindi na rin siya bumabata. Tulungan mo siya kahit minsan.” Saad ni Donya Bettina.

“Ah, Tita. Sige po. Saka na lang ako aalis ng bahay.” Bakas sa mukha ni Aika na kaplastikan lamang ang mga ngiti.

Habang inaalagaan si Franco ay nanonood lamang ng telebisyon si Aika. Bilang isa’t kalahating taon na ang anak ay sadyang napakalikot nito.

Maya-maya’y may narinig ang lahat na malakas na galabog.

“Franco!!!” Sigaw ni Donya Bettina.

Nalaglag na ang bata sa hagdan! Nakalimutan palang isara ni Aika ang pintuan at nakalabas ito.

Nanigas si Aika nang makita ang anak na nakahiga sa sahig, duguan ang ulo nito.

“Ma’am kailangan pong masalinan ang bata ng dugo. Hindi po niya ka-match ang kaniyang ina. Sigurado naman pong magiging ka-match niya ang daddy nya. Kailangan pong pumunta ni sir dito sa lalong madaling panahon. Kailangan po talagang sa ama niya manggaling ang dugo upang maiwasang ma-allergy ang bata kung sa ibang tao tayo kukuha ng dugo. Napaka-kumplikado po talaga kapag bata ang nangangailangan ng dugo.” Pagpapaliwanag ng doktor kay Donya Bettina at Don Caloy.

Nanginginig si Aika sa sinabi ng doktor. Palibhasa’y ang totoo niyan ay hindi si Jay-ar ang tunay na ama ni Franco. Ang tunay na ama nito ay si Chris!

At nangyari na nga ang kinatatakutan niya.

“Ma’am kailangan po nating ulitin ang blood tests ninyo. Hindi po nag-match sa bata ang kay sir.” Saad ng nurse kay Aika.

Tila natigilan ang mayamang mag-asawa sa narinig. Pati si Jay-ar ay napa-isip na sa narinig.

Humahagulgol si Aika at tinawagan si Chris. “Parang awa mo na, pumunta ka dito sa ospital! Kailangan ng anak mo ang dugo mo! Ikaw ang tunay na ama ni Franco!”

Napanganga ang lahat sa narinig! Nagsisisigaw si Jay-ar sa lobby ng ospital na akala mo’y nasiraan na ng bait. Maya-maya’y nilapitan nito si Aika at sinampal.

“Hayop ka! Ipakukulong kita!” Sambit nito. Agad naman itong inawat ng mga magulang nito.

Maya-maya pa’y dumating na si Chris. At nagtugma nga ang dugo niya sa anak na si Franco. Halos hindi ito makalakad nang makita ang nakaratay na anak sa ospital.

“Aika, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit mo sinira ang buhay ko, ang buhay mo, ang buhay ng mga anak natin?” Humahagulgol na saad ni Chris.

Nang di nagtagal ay may dumating na mga pulis. Iniimbestigahan ng mga ito si Aika. Takot na takot ito at sinabing gusto niyang makausap ang kaibigang si Janice bago dumiretso sa presinto.

“Aika, bakit mo ginawa ito? Aika…..” Agad na niyakap ni Janice ang matalik na kaibigan. Awang-awa man ito dito’y kailangan nitong pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan.

Habang inaalalayan ng mga pulis ay sumigaw ang doktor, ligtas na daw si Franco.

“Hindi pa huli ang lahat, Aika. Pagbalik mo’y hihintayin kita, namin ng mga anak natin.” Saad ni Chris.

Nagmakaawa pa si Chris kay Jay-ar at sa mga magulang nito na huwag nang ipakulong si Aika ngunit hindi ito tumalab.

Tila wala talagang lihim na hindi nabubunyag! Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement