Inday TrendingInday Trending
Nagtataka na ang Kumare ng Babae Dahil Hindi Niya Pinupukpok sa Pag-aaral ang Kanyang Anak, Nakakagulat ang Kanyang Dahilan

Nagtataka na ang Kumare ng Babae Dahil Hindi Niya Pinupukpok sa Pag-aaral ang Kanyang Anak, Nakakagulat ang Kanyang Dahilan

Simula nang magkaanak si Hilda ay tumigil na siya sa trabaho, nais niya kasing maalagaan ang kanyang mag-ama. Maganda naman ang kinikita ng kanyang mister sa pinapasukan nitong opisina kaya buhay na buhay na sila. Kahit na kaya naman nilang pag aralin ang bata sa private school ay pinili nilang mag asawa na ipasok ito sa public, nais kasi nilang matuto itong makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao, mahirap at mayaman. Bukod doon, grade 3 palang naman ang kanilang anak na si Sophia kaya imbes na ibayad sa private ay iipunin na lang nila iyon para may pang matrikula ito ng college, hindi naman kasi masasabi kung ano ang mangyari sa hinaharap. Mabuti na iyong may tabi silang pera para sa pag aaral ng bata sakaling humina na ang kita nila pagdating ng panahon. “Hilda, umattend ka ba ng meeting ng mga magulang?” tanong ni Dina sa kanya, kapwa niya nanay ng estudyante. Narito sila ngayon sa waiting shed sa tapat ng eskwelahan at naghihintay na mag uwian ang mga bata. “Ahh oo, bigayan na raw ng card. Tsaka ang sabi ni Ma’am ay ihanda daw ang mga bata, kasi may darating na elimination round. Ang mananalo raw ay isasali sa spelling contest at ilalaban sa ibang school.” sabi niya. “Talaga ba? Dapat pala mamaya ay i-review ko na si CJ ko. Tama na muna ang laro, aral pala kami mamaya. Ikaw ba, tinutukan mo na si Sophia mo?” sabi nito sa kanya. Napangiti lang naman si Hilda. “Hindi pa nga eh, pero tatanungin ko pa siya mamaya kung ano’ng gusto niya.” simpleng sagot niya lang. Nagtaka naman si Dina, halos lahat ng nanay kasi aligaga kapag nalamang may contest para sa mga bata pero bukod tanging kakaiba si Hilda na tila walang pakialam, ayaw ba nitong manalo ang anak? Hindi na siya nakapagtanong dahil nag-ring na ang bell ng eskwelahan at lumabas na ang nagtatakbuhang mga bata. Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay muling ipinatawag ng guro ang mga magulang. Sasabihin na raw kasi nito kung sino ang mga napiling bata na lumahok sa contest. Magkasabay na pumunta si Dina at Hilda. “CJ Ibias, Sophia Martin, Claire Rapsing..” sabi ng guro, at patuloy pa ito sa pagbasa ng pangalan ng mga bata kahit medyo nahihirapan na ito dahil malabo na ang mata. May edad na ang guro, sa katunayan ay ito pa ang nagturo kay Hilda noong estudyante pa lang siya. “Yun! Pasok ka anak! Ang galing mo, sabi sayo pag walang laro ay makakapasok ka!” sabi ni Dina sa anak, wala namang reaksyon ang batang lalaki. Habang si Hilda, kandong ang anak na ngiting-ngiti, hinalikan niya ito sa pisngi at binulungan,”Congratulations,” “Naku, si Sophia pasok rin. Manang mana sa mama niya, matalino iyang si Hilda noong estudyante ko palang eh. Sa katunayan siya nga ang laging isinasali sa contest noon at nananalo,” pagmamalaki ng matandang guro, nagulat naman si Dina. Kung palaging sumasali si Hilda sa mga contest, bakit parang di ito masyadong seryoso na gumaya rito ang anak? Bakit di nito i-push pa lalo ang bata? Noon din ay di niya napigilang magtanong.”Hilds, nasali ka rin pala dati no. Pero bakit kahapon sabi mo tatanungin mo muna si Sophia, ayaw mo ba na kagaya mo sya?” sabi niya. Napangiti naman si Hilda. “Syempre proud ako sa kanya. Nag aaral naman ang anak ko, at nakuha ko na lahat ng medalyang yan kasi pinupukpok ako ng nanay ko noon na sumali at manalo, pero alam mo ba ang kapalit? Di ako masaya. Di ko na-enjoy ang kabataan ko, di ako nakapaglaro para lang sa medal. Aanhin ko iyan kung hindi naman masaya ang anak ko. Basta nag aaral siya,ayos na sa akin yun. Kaya lagi ko munang tinatanong si Sophia kung gusto niyang sumali, dahil ayokong sasali siya para sa akin, dapat sasali siya kasi masaya siya. Congratulations anak..” sabi niya sabay yakap ulit sa anak. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement