Inday TrendingInday Trending
Kapalit ng Mataas na Grade ay Naningil ng Pera ang Teacher, Supalpal Siya nang Mismong Principal ang Makahuli sa Kanya

Kapalit ng Mataas na Grade ay Naningil ng Pera ang Teacher, Supalpal Siya nang Mismong Principal ang Makahuli sa Kanya

Matagal nang guro si Mrs. Delgado sa 4th year high school students. Sa lower section siya nagtuturo, sa mga estudyanteng nangangailangan ng mas matinding atensyon upang matuto. Dahil doon ay hindi sineseryoso ni Mrs. Delgado ang kanyang trabaho, katwiran nya, magtuturo pa eh bobo rin naman ang mga estudyante nya.

“Ma’am, may question po ako tungkol doon sa lesson natin kanina. Ano nga ho ulit ang ibig sabihin ng isosceles triangle? Pasensya na, di ko po kasi nakopya yung nasa blackboard.” sabi ng isa sa mga estudyante nya.

“Ayan ang libro, hanapin mo dyan,” tinatamad na sabi nya. Abala sya sa paglalaro sa kanyang cellphone. Inutusan nya muna ang mga bata na magbasa basa, wala kasi syang ganang magturo ngayon.

“Ma’am nakita ko na po. Pwede po bang paki-explain po ulit sa akin? Baka kasi mapasama sa test eh hindi ko po alam.” honest naman ang bata. Iritableng napasulyap sya sa dalagita.

“Erika, Erika tama? Paganyan ganyan kapa, bagsak ka rin naman. Class! Quiet nga! Pag ganitong may ginagawa ako wag kayong tanung nang tanong ha? Bakit, high section ba kayo? Nagfi-feeling lang?” mataray na sabi nya. Pa-biro ang pagkasabi noon pero syempre ay masakit para sa mga bata.

Pag nakaharap naman ang principal ay ibang iba si Mrs. Delgado, isa siyang huwarang guro. Masipag magturo at masigasig sumagot sa tanong ng mga estudyante. Sobrang pasikat nya, walang alam ang principal na lahat iyon ay pakitang tao lamang.

Pagkatapos ng 1st grading ay isang estudyanteng transfer mula sa ibang eskwelahan ang napabilang sa klase nya. Irita rito si Mrs. Delgado dahil masyadong matanong ang binatilyong si Jec.

“Ma’am, kung sakali po ba may easier solution po, kasi long method po yang nakasulat sa board. Baka may shortcut po to get the answer sa equation,” sabi ng binata. Napairap si Mrs. Delgado.

“Wala, yan na yun.” sabi nya kahit meron pa naman talaga. Ano ba ang pinatutunayan ng binatilyong ito? Galing galingan pa, hindi naman ito makakapunta sa section na ito kung hindi rin ito bobo. Baka nga latak lang ito sa ibang eskwelahan.

Malapit nang matapos ang second grading pero dahil bihira lamang magturo si Mrs. Delgado at hindi rin nagpapa-test ay hirap na hirap siyang mag compute sa gradong ibibigay sa mga estudyante, kaya isang ideya ang naisip niya.

“Class, get 1/4 sheet of paper,” utos nya sa mga bata, tumalima naman ang mga ito at nag abang ng susunod niyang sasabihin.

“Okay, ganito sulat nyo dyan yung gusto nyong grade tapos tupiin nyo, ipitan nyo ng twenty pesos.”

Lahat ng bata ay sumunod pwera lang kay Jec, takang taka ang mukha nito at tinitignan siya nang mataman. “Yes Jec? Ayaw mo ba? You can right 95 and I’ll give you 95,” sa halip na magsalita ay lumabas ang binatilyo.

Maya maya pa, pinatawag si Mrs. Delgado as principal’s office. Taas noo pa siyang naglakad papunta roon. Tiyak niyang isinumbong siya ng estudyante pero di sya kinakabahan, madali lang naman paniwalain ang principal na gawa gawa lang ito ng pasaway na binatilyo.

Pagpasok niya sa opisina ay seryoso ang mukha ng may edad na principal. Inunahan na ito ni Mrs.Delgado.

“I can explain ma’am, si Jec po ay sobrang pasaway. Bastos yan pag nagkaklase ako at hindi nakikinig. Dahil pinalabas ko sya kanina sa classroom, nagbanta siya na magsusumbong sa inyo at sisiraan ako. Pasensya na kayo sa abala, alam nyo naman ang mga batang.. mahina ang ulo.” pabulong niya pang sinabi ang huling mga salita.

Tumangu-tango ang principal, may inilabas ito mula sa drawer nito.”Ito ang report card ni Jec noong high school, matataas lahat ang grades nya, katunayan ay valedictorian siyang gumraduate,” simpleng sabi nito.

“G-gumraduate? Ibig sabihin ho..”

“Oo, hindi siya talaga high school. 1st year college na siya at nagsasagawa ng research tungkol sa pagtuturo, sa klase mo sya nag oobserve, at obviously marami syang natuklasan.” Inilabas pa nito ang mga litratong kuha ni Jec habang nagse-cellphone siya at natutulog.

Pahiyang pahiya si Mrs. Delgado at di na siya nakasagot pa. Lumabas nalang siya ng opisina. Kinabukasan ay nagpa-meeting siya sa magulang ng mga bata at inamin ang kanyang kasalanan, humingi siya ng tawad at nangakong di na uulit pa.

Buti nalang at mabait ang principal, binigyan pa siya ng pagkakataon.

Pinagbuti na ni Mrs. Delgado ang pagtuturo at nakatanggap siya ng alok na tutukan ang mga bata sa higher section pero tinanggihan niya iyon, mas nais niyang manatili kung saan siya kailangan.

Advertisement