Inday TrendingInday Trending
Ipinagkakalat ng Lalaki ang Hubad na Litrato ng mga Babae Niya; Karma ang Inabot niya sa Huling Babaeng Biniktima

Ipinagkakalat ng Lalaki ang Hubad na Litrato ng mga Babae Niya; Karma ang Inabot niya sa Huling Babaeng Biniktima

Babaero, playboy, manggagamit at kung ano ano pa ang madalas na itawag kay Joel ng sinumang nakakakilala sa kaniya. Likas na sutil at pilyo man ay habulin pa rin ng mga kababaihan dahil sa galing niya sa pambobola.

“Sige na Charm, babe! Mag check-in na tayo, para naman may privacy tayo, kesa ganitong nakaupo lang tayo dito,” pagpupumilit niya sa babae.

“Ang kulit mo talaga, ayoko nga baka kung anong gawin mo sakin dun eh,” sagot naman nito.

“Wala akong gagawin, babe. Siyempre yayakapin lang kita tapos konting halik lang,” nakangiting sagot niya.

“Hay sige na nga, tutal kalahating taon naman na tayong lumalabas eh,” wika ng kinikilig na babae.

Sa tuwing makapagpapasok siya ng babae sa motel ay nag-uuwi siya ng tinatawag niyang souvenirs. Kinukuhaan niya ng litrato ang mga babae habang sila ay natutulog ng nakahubad, walang kamalay malay ang kaniyang mga nabibiktima sa ginagawa ni Chris. Nang sumunod na araw ay ipinagyabang niya sa mga kabarkada ang bago niyang mga litrato.

“Bro! Naikama ko na si Charm sa wakas!” pagmamayabang niya sa mga kaibigan.

“Grabe hard to get siya ah, sa kaniya ka lang natagalan ng ganyan. Asan na ebidensya? Labas mo na yan,” sagot ng isa.

Inilabas na nga ni Chris ang kaniyang cellphone na punong-puno ng litrato ng iba’t ibang kababaihan. Pinagpasapasahan ng kaniyang mga barkada ang cellphone upang matingnan ang itsura ng huli niyang nabiktima.

“Wow! Ibang klase talaga to si Chris! Matinik sa chicks!”

“Sabi ko naman sa inyo eh, ako pa ba?”

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay may isang magandang babae ang biglang lumapit upang magkisindi ng sigarilyo.

“Hi boys, may lighter ba kayo? Nawala kasi yung sa akin eh,” wika nito habang nakatitig kay Chris.

“Eto miss lighter, sa’yo na yan, pati ako pwedeng sa’yo na,” banat naman ni Chris sa babaeng kinikilig. Sabay tuksuhan naman ng kaniyang barkada.

Nang matapos ang gabing iyon sa bar ay nakita niyang naghihintay ng taxi ang babae sa labas. Nilapitan agad ito ni Chris upang makipagkilala.

“Hi, ikaw yung nanghiram ng lighter kanina ‘di ba?”

“Hi, oo eto pala sorry nakalimutan ko ibalik.”

“Hindi wag na, sayo na yan, saan ka umuuwi? Gusto mo sabay ka na sa kotse ko? Hatid na kita.”

Dahil nahihirapan na rin ang babae na makasakay ng taxi ay pumayag na itong magpahatid sa lalaki, nagkakilanlan ang dalawa at nagpakilala ito bilang si Fritzie.

“Thank you Chris ha! Good night.”

“Ah Fritzie, pwede ko bang makuha ang numero mo? Labas tayo minsan.”

Nagpalitan sila ng numero at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Madalas na sumasama si Fritzie sa mga lakad ni Chris at pagtagal ay nakilala niya na rin ang kaniyang mga kaibigan. Makalipas lang ang dalawang buwan ay niyaya na siya ni Chris na magmotel.

“Check-in tayo Fritz, medyo nahihilo na kasi ako eh, pangako matutulog lang ako tapos hahatid kita,” wika ni Chris.

“Sige ba, wala namang probelma sakin.”

Kinindatan ni Chris ang kaniyang barkada saka nagbigay ng hudyat sa mga kaibigan na tagumpay ang kaniyang plano. Umalis na nga ang dalawa at tuluyang pumasok sa isang motel. Pagdating doon ay kumuha si Fritzie ng dalawang basong tubig at iniabot ang isa kay Chris.

“Inom ka muna baka nauuhaw ka na,” wika niya.

“Salamat,” sagot ni Chris na unti unti ng humahawak sa bewang ng babae. Maya-maya pa’y hinalikan niya na si Fritzie na ginantihan naman nito ng isa pang halik. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paghahalikan ay nakaramdam ng totoong pagkahilo si Chris.

“Sandali, whoa, mukhang tinamaan ako sa mga alak kanina ah. Nahihilo ako.”

“Ganun ba, sige higa ka muna diyan, dito lang ako sa tabi mo.”

Hindi na napigilan ni Chris ang sarili at tuluyan ng nakatulog. Sa kaniyang pagkahimbing ay naisakatuparan ni Fritzie ang matagal niya ng pinaplano. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang tulog na si Chris.

“Ikaw naman ang pagpipyestahan ngayon,” bulong ng babae sa sarili.

Hinubad niya ang pantalon at panloob na kasuotan nito at tumambad sa kaniya ang maliit nitong pagkalalaki. Natatawa niyang kinuhaan ng litrato ang hubo’t hubad na si Chris, saka niya inayos ang kaniyang gamit at sarili at iniwan ang lalaki.

Nang magising si Chris ay puno na ng mensahe ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang mga kaibigan.

“Bro! Ang liit naman pala ng junjun mo!

“Lakas ng loob mong mambabae, kakarampot naman yang bala mo.”

“Chris, liit!”

Kasunod ng mga mensahe ay nakita niya ang litratong ipinadala ni Fritzie sa kaniya kalakip ang paliwanag kung bakit niya ginawa iyon.

“Dear Chris, I’m sure nagtataka ka kung bakit ko ipinagkalat ang ‘maliit’ mong sikreto. Ako nga pala si Fritzie De Guzman, ang kapatid ni Farrah De Guzman na binaboy mo noon. Naalala mo ba ang ate ko? Labis na kahihiyan ang inabot niya dahil ipinagkalat mo ang litrato niya habang natutulog na nakahubad. Kumusta? Masarap ba sa pakiramdam? P.S. Oo pinainom kita ng pampatulog.”

Labis labis na kahihiyan ang inabot ni Chris, maging ang kaniyang mga kaibigan ay pinagtatawanan na ang kaniyang maliit na pag-aari. Dahil sa kahihiyan ay lumipat na siya sa malayong tirahan at hindi na muli pang nagpakita sa kanila. Isang malaking karma ang inabot niya dahil wala siyang respeto sa kababaihan. Magmula noon ay hindi na kailan man inulit ni Chris ang pambababoy sa mga babaeng nakakasama niya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement