Kunsumido ang Gwapong Pulis sa Dalagang Pabalik-balik sa Presinto, Ngunit Inis Nga Lang ba Talaga ang Nararamdaman o Iba na?

Kunsumido ang Gwapong Pulis sa Dalagang Pabalik-balik sa Presinto, Ngunit Inis Nga Lang ba Talaga ang Nararamdaman o Iba na?

FunLoveStories

“Pangalan, edad, at address?” nakakunot ang noong tanong ni Jack sa dalagang nasa harap niya. 

“Sus! Ilang beses na ko dito sa presinto niyo hindi mo pa rin ako kilala? Asar ha,” masungit na sabi naman ni Kate sa gwapong pulis. 

Seryosong titig lang ang sagot ni Jack sa dalaga. Bigla namang may isang lalaking umakbay kay Kate – si Martin, kasamahan ni Jack sa trabaho.

“Uy Kate! Parang madalas ka atang bumisita ngayon ah? Miss mo ko ‘no? Hayaan mo, kapag ako sinagot mo na, ‘di mo na kailangan mamirata at magpabalik-balik dito. Ano game?” Malanding sabi ni Martin.

Halata naman ang pagbabago sa timpla ni Jake at saka pinalis ang braso ni Martin mula sa balikat ni Kate.

“Huwag ka ngang istorbo, at ikaw sagutin mo na lang ang tanong ko,” tila naiinis na ito.

Inirapan na lang ni Kate si Martin atsaka sinagot ang tanong ni Jake. Ayaw na ayaw ng dalaga na magmakaawa ngunit nang mga oras na iyon ay kung magmumulta siya ay doon ang lahat ng punta ng kita niya.

“Eh… ano. Hmm. Pwede mo bang palagpasin na lang ‘to? Pramis ‘di ko na talaga uulitin,” pagmamakaawa naman ni Kate kay Jake.

“Ang batas ay batas miss, hindi mo ako madadaan sa mga pa-cute mo,” masungit na sabi naman ng binata.

Pa-cute? Hindi naman siya nagpapacute, nakikiusap lang siya. Ngunit tila bato si Jake na hindi nagpatinag kaya sa huli ay kinailangan pa rin magmulta ng dalaga.

Bagsak ang balikat na umuwi si Kate dahil wala na naman siyang kita. Buti na lang at kahit papaano ay nakapag-uwi siya ng pansit. Hindi iyon ginalaw ng gwapong pulis at iniwan sa desk nito. Buti na lang ay ibinigay na lang ni Martin sa kaniya.

Kinabukasan ay maagang bumangon si Kate upang maghanap ng mapagkakakitaan.

Saktong linggo kaya madaming tao, nagpalinga-linga muna si Kate bago ilabas ang mga tindang piniratang CDs, susubukan niya pang ibenta iyon at mas maging maingat na lang, kaysa naman walang makain ang mga kapatid niya. Pero bago niya magawa iyon ay may komosyong naganap. May lalaking tumatakbo at natamaan pa siya kaya siya natumba at tumilapon ang mga tinda. Nakita niya pa kung paano natapak-tapakan at nadurog ang mga CDs.

Naiiyak na lang na napaupo siya at napatingin doon. Nagulat siya nang may lalaking tumigil sa harap niya – si Jake.

Hinawakan siya nito sa braso, napasinghap siya at nakitang may galos siya sa may siko. 

Walang sabi-sabing hinila siya nito sa kotse nito. Kumuha ng first-aid kit doon at tahimik na ginamot ang sugat niya. Halos ‘di niya rin maramdaman ang hapdi dahil mas nanlulumo siya sa nangyari sa paninda.

Hindi niya namalayan na naluha na pala siya. Mukhang nataranta naman si Jake at di malaman ang gagawin.

“Pasensya na, miss. At bakit nagtitinda ka pa rin? Tiyak mahuhuli ka din naman namin sa ginagawa mo,” napatigil ito nang lalo siyang umiyak.

“Ah ano, ahm. Kung gusto mo– ano, m-magtrabaho?” nahihiyang tanong ni Jake. Napatigil naman si Kate sa sinabi nito.

“Ano kasi, kailangan din namin ng makakatulong sa presinto. Simple lang, tagalinis, timpla ng kape..” nag-aalangan na sabi nito ng makita ang bigla niyang pagtulala.

“Seryoso?” nang nahihiyang yumuko lang ang binata ay tuluyang napangiti si Kate.

“Naku! Mabait ka naman pala eh! Tara na sa presinto,” lihim namang napangiti si Jake sa sinabi nito.

Simula nga noon ay nagsimulang nagtrabaho sa presinto ang dalaga. Pinagsipagan nito, nakatulong pa na halos kasundo nito ang lahat ng pulis doon. Maliban lang kay Jake na simula nang ipasok siya sa trabaho ay ‘di na siya muling kinausap. 

Isang araw ay hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Isang lalaking inaresto nila ang nanlaban at nakaagaw ng baril ng isang pulis at nag-amok doon. Bago ito makontrol ng mga pulis ay may umalingawngaw na putok ng baril sa presinto. Nagkagulo ngunit nagupo naman ng mga pulis ang kriminal. Akala nila ay ligtas na ang lahat nang hanapin ng mata ni Jake si Kate at nakitang duguan ang braso nito. Nasambot niya ito bago pa ito matumba.

Nagising ang dalaga dahil sa nakakakiliting bagay na tumatama sa braso niya. Pagdilat niya ay nakita niyang buhok pala iyon ng isang tao. Bigla itong nagising dahil sa paggalaw niya.

“Kate? Kate, anong masakit? Saglit tatawag ako ng doktor–” pinutol niya ang sinasabi ng binata nang mukhang mas ito pa ang unang mahihintay kaysa sa kaniya. Sakto naman nagsipasok ang tatlong kapatid ni Kate. Menor de edad pa ang mga ito, ngunit nang iwan sila ng ina at mam*tay ang ama, si Kate na ang nagpalaki sa mga ito. Kaya ganun na lamang ang paghagulgol ng nga ito nang malamang nabaril sa balikat ang ate.

Inalo naman ni Kate ang mga ito.

“Salamat sa pagbabantay sa’kin,” sabi ni Kate.

“Ate, magpasalamat po kayo kay Kuya Jake. Hindi niya iniwan ang tabi niyo ni minsan. Crush ka raw niya, ate!” Tuwang-tuwang sabi ni Mikoy, ang bunso.

Huli na bago pa mabusalan ni Jake ang bibig ng excited na bata kaya’t tumalikod na lang ito.

Pinalabas ni Kate ang mga kapatid at doon masinsinang kinausap si Jake. Labis na nag-alala ang binata kaya’t nagpasya itong magtapat na ng pag-ibig sa dalaga. 

“Nakita ko ang determinasyon mong bumangon para sa mga kapatid mo. Alam ko parang ewan, pero natutuwa akong makita ka sa presinto.” Nang samaan ito ng tingin ni Kate ay bigla namang nagpaliwanag ang binata. Walang ano-anong tinanggap ni Kate ang pag-ibig nito. Nagpasya siyang maghanap ng ibang legal na trabaho. Nabuhay ng masaya ang magnobyo, at napalapit sila sa pamilya ng isa’t isa. Simula noon ay pabalik-balik pa rin si Kate sa presinto, ngunit hindi dahil sa anong kri*men, kung hindi para bisitahin ang binatang nagnakaw sa kaniyang puso.

More Stories