Inday TrendingInday Trending
Mahilig sa Mapang-akit na Selfie ang Dalagita at Ipinadadala Ito sa Kaniyang Nobyo; Paano Kaya Siya Mapapahamak sa Gawaing Ito?

Mahilig sa Mapang-akit na Selfie ang Dalagita at Ipinadadala Ito sa Kaniyang Nobyo; Paano Kaya Siya Mapapahamak sa Gawaing Ito?

“Hoy Rowena! Anong ginagawa mo?! Tigilan mo nga iyan!”

Sinaway ni Aling Criselda ang kaniyang dalagitang anak na si Rowena sa pagse-selfie nito na halos luwa na ang dibdib sa suot na damit, at napakaiksing shorts na nagbabantad sa makinis at mapuputi nitong mga hita. Pulang-pula rin ang mga labi nito dahil sa lipstick.

“‘Nay naman eh! Panira ng trip! Nagse-selfie lang naman!” nakangusong sabi ni Rowena na 16 na taong gulang. Kahit na bata pa lamang, malaking bulas si Rowena kaya napagkakamalang dalagang-dalaga na. Bukod dito, may kalakihan din ang kaniyang mga dibdib.

“Selfie, selfie! Wala kang ginawa kundi magselfie nang magselfie! Huwag kang magkakamaling i-post iyan sa social media mo ha? Diyos ko naman Rowena, kung gusto mong igalang ka ng lahat, lalo na ang mga lalaki, matuto ka namang igalang ang sarili mo,” pangaral ni Aling Criselda sa kaniyang anak.

“‘Nay, anong petsa na? Makabago na po ang panahon ngayon. Saka may kalayaan naman po ang mga babae para magdamit nang naaayon sa gusto nila. Sila na nga lang ang nakikitingin eh!” katwiran ni Rowena.

“Rowena anak, nariyan na tayo, wala nga iyan sa damit na isinusuot, pero siyempre, hindi mo naman hawak ang pag-iisip ng lahat ng tao. Lalo na ang mga b@stos at mapagsamantala. Kaya dapat, bago pa mangyari ang mga malalang bagay, pakaingatan mo na o iwasan. Hindi talaga maganda sa tingin ko eh,” giit ni Aling Criselda.

“Huwag po kayong mag-alala, ‘Nay, hindi ko naman po inilalagay sa social media ko, kahit na tingnan pa ninyo,” pangako ni Rowena.

Tama naman siya. Hindi nga niya inilalagay sa social media, subalit ipinadadala naman niya sa kaniyang kasintahan na si Alexis, kaedad niya rin, na nakilala niya rin online. Guwapo ito. Lagi itong humihingi sa kaniya ng seksing mga larawan.

“Ganda talaga ng babe ko!” papuri ni Alexis sa kasintahan, matapos nitong ipadala ang kaniyang selfie kanina.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Rowena habang magkausap sila sa video call.

“Oo naman. Pero may mas gusto ako eh… sana mapagbigyan mo na ako…” maya-maya ay naging malambing na ang boses ni Alexis.

“Ano naman?” kunwa’y tanong ni Rowena subalit mukhang alam na niya ang nais sabihin ng kasintahan. Ngumuso ang nobyo at itinuro ang kaniyang dibdib.

“‘Di ba matagal na akong humihirit sa iyo na makita ko na iyan…”

“Hay naku, ayoko talaga eh!” sabi ni Rowena. Gusto ni Alexis na hub@rin na niya ang kaniyang mga saplot at ipakita rito ang lahat.

“Ipapakita ko rin naman yung sa akin eh…”

“Ayoko nga! Ayoko talaga. Kung hindi makikipaghiwalay ako sa iyo. Bin@b@stos mo na ako eh,” saad ni Rowena sa kaniyang nobyo.

“Bakit, hindi ka pa ba b@stos sa mga ipinapadala mo sa aking selfie?” maya-maya ay sabi ni Alexis.

“Hoy hindi ‘no? Tigilan mo nga ako!” sabi ni Rowena.

“Sige ka… kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, ilalabas ko sa social media ang mga kuha mong larawan na pinapadala sa akin… na-save ko na rito sa gallery ng cellphone ko kaya mapapahiya ka sa lahat!” bigla ay nagbago ang hitsura ni Alexis.

Dahil sa takot ni Rowena sa banta ng nobyo, pinagbigyan niya ito. Tuwang-tuwa naman si Alexis. Ang hindi alam ni Rowena, nirecord pala niya ito. Sa mga sumunod na araw, iba na ang hinihingi nito.

“Makipagkita ka na sa akin at magpunta rito sa bahay, kung hindi ipapakalat ko ang mga larawan at videos mo sa social media! Ipapadala ko sa mga kaibigan mo,” banta ni Alexis. Napaiyak naman si Rowena. Pumayag siya sa gustong mangyari ng nobyo. Hindi nalingid kay Aling Criselda ang pag-iyak ng anak. Sa kauusisa, ipinagtapat ni Rowena ang kaniyang suliranin.

“Sinasabi ko na sa iyo bata ka eh. Ang tigas kasi ng ulo mo. Huwag kang mag-aalala, magpapatulong tayo sa Tito Jose mo,” saad ni Aling Criselda. Si Tito Jose nag kaniyang ninong na isang pulis.

Kaya naman, sa araw na itinakda ni Alexis, nakipagkita si Rowena sa mismong tirahan nito, gaya ng usapan nila. Nakaantabay ang kapulisan sa kaniya. At bago pa man maisakatuparan ni Alexis ang kaniyang plano, nasakote na siya ng mga pulis, sa pangunguna ni Tito Jose.

Nakumpiska ang kaniyang cellphone, gayundin ang laptop, na naglalaman ng napakaraming kuha ng mga hub@d na larawan ng babae, hindi lamang kay Rowena, kundi sa mga babaeng naloloko nito. Nagsinungaling din si Alexis sa kaniyang tunay na edad; hindi siya tinedyer, kaya maaari siyang makulong.

Sising-sisi naman si Rowena sa mga nangyari. Hindi na niya uulitin ang kaniyang mga pagkakamali. Makikinig na siya sa kaniyang ina.

Advertisement