Tinalikuran ng Lalaki ang Panginoon nang Manalo Ito sa Lotto; Isang Pagsubok ang Nagtulak sa Kanyang Magbalik-Loob
Simula noong kinasal si Macario ay isa lamang ang tangi niyang hiling tuwing nagsisimba ang buo niyang pamilya. Ang tulungan siya ng Maykapal na magampanan niya ang kaniyang tungkulin bilang padre de pamilya. At higit pa ang ipinagkaloob sa kaniya nang manalo siya ng isang bilyon sa lotto. Nasiguro na niyang magiging masagana ang pamumuhay ng kaniyang pamilya.
“Kumuha ka ng maraming litrato at i-video mo na rin para kahit papaano parang nandoon na rin ako pag pinanood ko ang pagtatanghal ng anak natin pagkauwi ko mula sa business meeting ko sa China.” Bilin ni Macario sa kaniyang asawa bago ito umalis papuntang airport.
Matapos manalo ng lotto si Macario ay nagtayo ito ng sarili niyang kompanya. Patuloy ang paglago nito at namamayagpag na rin kahit sa ibang bansa. Pero ang kapalit ng paglago ng kaniyang kompanya ay ang kakulangan niya ng oras para sa kaniyang pamilya.
Palagi siyang lumalabas ng bansa para pumunta sa kaniyang mga business meeting. Ilang mahahalagang okasyon na ng kaniyang pamilya ang hindi niya nadadaluhan sa sobra niyang abala sa kaniyang kompanya.
Alam ni Macario na malaki na ang pagkukulang niya sa kaniyang pamilya dahil masyado siyang abala sa trabaho. Para makabawi siya sa mga ito ay dinadaan niya sa lingguhang pagreregalo ng mga mamahaling bagay. Madami din siyang inuuwing mga pasalubong galing sa mga bansa kaniyang napupuntahan. “Bumili ako ng maraming tsokolate para sa aking mga munting prinsipe at prinsesa. Alam kong paborito niyo ang mga iyan.” Masayang sambit ni Macario sa kaniyang mga anak nang makauwi siya mula sa kaniyang business trip sa Japan.
“Bumili ako ng maraming tsokolate para sa aking mga munting prinsipe at prinsesa. Alam kong paborito niyo ang mga iyan.” Masayang sambit ni Macario sa kaniyang mga anak nang makauwi siya mula sa kaniyang business trip sa Japan.
“Hindi sila pwedeng kumain ng tsokolate, allergic sila diyan. Nakalimutan mo na ba?” Paalala sa kaniya ng kaniyang asawa.
Hindi lang sa pamilya nawalan ng panahon si Macario. Kung noon ay regular siyang nagsisimba para ipagdasal ang kaniyang mga kahilingan, ngayong wala na siyang mahihiling pa ay wala ng dahilan para magsimba pa siya. Hindi na siya sumasama sa kaniyang pamilya pag nagsisimba ang mga ito tuwing linggo. Sa halip ay inilalaan niya ang araw na iyon para makihalubilo sa mga kasyoso niya sa negosyo. Ni ang magdasal ay hindi na rin niya ginagawa. “Ipagdasal niyo na lang ako sa simbahan. May party na gaganapin sa kompanya para sa pag-welcome ng mga bagong investors. Hindi ako pwedeng mawala doon. Sumunod na lang kayo pagkatapos niyong magsimba.”
Ang pagtitipon para sa mga investors ay hindi natuloy. Nabulabog ang buong kompanya nang dumating ang mga pulis para arestuhin ang ilan sa mga kasyoso sa negosyo ni Macario dahil sangkot pala ang mga ito sa pagbebenta ng mga illegal na droga. Nalagay sa alanganin ang reputasyon ng kompanya. Marami sa mga investors ang binawi ang kanilang pinuhunan sa pag-aakalang illegal ang operasyon ng kompanya.
Ngunit hindi pala ang posibleng pagbagsak ng kompanya ang pinakamabigat na problema ni Macario dahil may mas matinding kalbaryo siyang pagdadaanan.
Hindi nakarating ang pamilya ni Macario sa kompanya dahil nabundol ng malaking trak ang sinasakyan nilang kotse. Kritikal ang lagay ng kaniyang asawa at mga anak at malaki ang posibilidad na bawian sila ng buhay sa tindi ng natamo nilang pinsala sa katawan. Sa isang iglap ang lahat ng mayroon si Macario ay nanganganib na mawala sa kaniya.
Sa unang pagkakataon simula nung nanalo siya sa lotto ay muling nagdasal si Macario sa kapilya ng ospital. “Patawad, Panginoon, dahil kinalimutan ko Kayo. Ipinagkaloob Niyo sa akin ang lahat ng yamang meron ako dahil hiniling ko sa Inyo na tulungan ako para maibigay ang pangangailangan ng aking pamilya. Higit pa sa aking inaasam ang ipinagkaloob Niyo. Pero imbes na magpasalamat sa biyayang Inyong binigay ay tinalikuran ko Kayo. Tatanggapin ko ang anumang kaparusahan igagawad Niyo. Bawiin Niyo ang lahat ng kayamanang meron ako. Pero nakikiusap ako sa Inyo, iligtas Niyo ang pamilya ko. Nagmamakaawa po ako sa Inyo.”
Muli ay dininig ng Maykapal ang dasal ni Macario. Nakaligtas ang buo niyang pamilya. Bagama’t nalagay sa alanganin ang kaniyang kompanya ay hindi naman ito tuluyang bumagsak.
Ang pangyayari ang nagtulak kay Macario na magbalik loob sa Maykapal. Maliban sa pagsisimba tuwing linggo ay naging mas aktibo na rin siya sa kanilang simbahan. Ang buo pamilya niya ay miyermbro ng koro ng simbahan. Nangunguna rin ang kaniyang pamilya sa pag-oorganisa ng mga proyektong pangkawanggawa sa kanilang lugar. Mas naging matatag ang pamilya ni Macario dahil ang Maykapal ang naging sentro ng kanilang buhay.