Gumagawa ng Kababalaghan ang Magkasintahan sa Opisina Kaya Naman Labis na Kahihiyan ang Inabot ng Dalawa nang Mahuli Sila
“Good job kayong lahat ngayon! Maganda ang pasok ng sales at ang mga tawag nating lahat ay walang pending! Magaling guys!” saad ng manager na si Zar sa kaniyang mga empleyado.
Halos limang taon na rin siyang nagtratrabaho sa opisina at aminado ang lahat na magaling itong humawak ng tao kaya nga mabilis lamang ang pagkakapromote sa kaniya.
Sa opisina na rin niya nakilala ang babaeng bumihag sa kaniyang atay, utak, puso at buong pagkatao. Baliw na baliw siya kay Janeth kahit nga bago pa lamang ito sa opisina. Napakalakas kasi ng dating ng babae, bukod sa lumuluwang dibdib nito palagi, ay napakaseksi rin ng pangangatawan ng babae kaya naman masayang-masaya si Zar na napasakanya ito sa ilang linggong ligawan lamang.
” Miss Janeth, OT tayo mamaya ha. May aasikasuhin lang tayo sa mga claims ng kliyente mo,” saad ni Zar sa babae noong dumaan sa kaniyang mesa.
“Sige ho sir, kakain lang muna ako ng early dinner tapos babalik din ho kaagad ako ng 6 pm,” baling naman ng dalaga.
Alam nilang parehas na maraming mata ang nakatingin sa kanila sa opisina kaya naman pinipilit pa rin nilang maging propesyonal.
Tuwing pagsapit ng alas singko ng hapon ay nagsisipag-uwian na ang marami sa empleyado at iilan na lamang ang natitira para mag-overtime.
“Miss Janeth, pwede na ho ba kitang tawaging babe?” tanong ni Zar sa babae sabay dikit ng kaniyang mukha.
“Pasimple ka na naman dung!” sagot naman ni Janeth at parehas silang nagtawanan. Aminado ang dalawa na sinasadya nila ang pag-oovertime para dagdag sweldo na ay nagkakaroon pa sila lalo ng oras sa isat-isa.
“Monthsary natin ngayon, baka naman pwede mo na akong bigyan ng kahit isang kiss lang, babe,” saad ni Zar.
Inilibot muna ni Janeth ang mata para tignan kung wala na ba talagang tao sa paligid. Dahil manager si Zar ay mayroon itong sariling kwarto at ang pinakagusto pa ng dalawa ay walang CCTV sa kanilang opisina.
Ngumuso si Janeth at kaagad na hinalikan ito ng lalaki, nagharutan na ang dalawa hangang sa sinarado na ni Zar ang pintuan ng kaniyang opisina at pinatay ang ilaw.
“Oh my God, sir! Baka mareport tayo!” saad ni Janeth na nakasandal sa pintuan at tinawanan lamang siya ng lalaki dahil alam niyang nang-aasar na naman ang nobya. Doon na nga nangyari ang dapat ay sa bahay ginagawa.
Sa unang subok ng dalawa ay medyo takot pa silang gawin iyon sa opisina ngunit sa katagalan ay nasanay na sila at alam na nila ang taktika. Kaya naman ginagawa na nila ito kahit pa nga tuwing lunch break at mabilisan lamang. Dala na rin siguro ng katuwaan na para bang nakikipaglaro sila kay Satanas sa tuwing palihim na ginagawa iyon.
Mainit at maingay na ang usap-usapan na may nagaganap na hindi tama sa opisina ng lalaki ngunit dahil ayaw nilang mangialam at baka mapagbuntongan ng galit ay hinayaan na lamang ng ilan ito, ngunit may isang naglakas ng loob na itama ang mga gawain ng dalawa.
“Pero ma’am, promise kasi. Nakita ko po talaga sila noong pagbaba ko ng elevator. Bago po naisara ni Sir Zar ang pinto ay naghahalikan na ho sila tapos nagpatay pa ng ilaw. Ayoko na hong isipin kung ano’ng nangyari kasunod, pero bahala na po kayo. Tsaka kumakalat na rin ho kasi ang chismis, medyo magulo na ho sila sa opisina. Magaling pa rin naman ho si Sir Zar bilang isang manager pero sa tingin ko po ay dapat pa ring sumusunod tayo sa kinauukulan,” wika ni Kim sa HR nila.
Kaya naman noong may nagsumbong sa HR ay doon na nagkalakas ng loob na imbestigahan ang dalawa.
Isang araw ay nag-overtime muli ang magkasintahan at hindi nila alam na binabantayan sila ng HR kung totoo nga ang sabi-sabi. Pagpasok ng dalawa sa opisina ng lalaki at pagkapatay ng ilaw ay agad na kinatok sila ng babae.
“Buksan niyo itong pinto o ngayon pa lang sesesantihin ko kayo,” matapang na wika ni Grace.
Agad-agad na binuksan ni Zar ang pinto at namumula ito sa hiya. Habang si Janeth naman ay inaayos ang butones ng kaniyang damit.
“Zar, hindi ko akalain na masisira ka lang ng tawag ng laman at dito mo pa talaga sa opisina ginawa. Sobra akong nalulungkot pero tama ang naririnig ko at may pruweba na ako kaya naman pwede ko na kayong tanggalin kaagad dahil labag ito sa pamamalakad ng kumpanya. Isa pa’y nakakahiya! sigaw ni Grace sa dalawa.
“Hindi ko pinagbabawalan na mag-ibigan kayo pero dito, trabaho. Sana alam mo yun, sana natututunan niyong paghiwalayin ang trabaho sa personal na bagay,” dagdag pa ng babae at tumagal ng halos isang oras ang sermon niya.
Kinaumaganhan ay hindi na pumasok pa si Janeth sa opisina dahil mas pinili ng kumpanya na maiwan si Zar at bigyan ito ng pagkakataon na labis namang ipinagpapasalamat ng lalaki.
Lumipas ang anin na taon at ngayon ay mag-asawa na ang dalawa at natutunan nilang panatilihin ang pagiging propesyonal sa trabaho dahil mayroon na silang bubong na uuwian para gawin ang nais nilang gawin.