Inday TrendingInday Trending
Tiniis ng Dalaga ang Kanyang Ina Hanggang sa Mabawian Ito ng Buhay, Isang Katotohananan ang Wawasak sa Kanya Tungkol Dito

Tiniis ng Dalaga ang Kanyang Ina Hanggang sa Mabawian Ito ng Buhay, Isang Katotohananan ang Wawasak sa Kanya Tungkol Dito

Nag-iisang anak lamang si Kyla, mayaman ang kanyang mommy at daddy kaya lahat ay kayang ibigay ng mga ito sa kanya. Sa pagitan ng dalawa ay mas malapit si Kyla sa kanyang ama, ang mommy niya kasi ay hands on sa opisina noon at ang tatay niya naman ay may negosyo, mas kontrolado ng lalaki ang oras nito kaya mas madalas na bakante ito para makasama siya.

Nagbago ang lahat nang pumanaw ang tatay ni Kyla, labing siyam na taong gulang siya noon. Ngayon ay 21 years old na siya, pero di pa rin nawawala ang sakit. Sumusubok naman ang kanyang ina na kunin ang loob ng dalaga pero sadyang mailap ito, ayaw siyang papasukin sa puso nito.

Ewan ba ni Kyla, basta malayo ang loob niya sa ina. Inis siya rito, sinisisi niya ito sa pagkawala ng daddy niya. Sana, ito nalang ang nawala at hindi ang kanyang ama.

“Baby, ipinagluto kita ng longganisa,” masayang sabi ng ginang isang umaga. Talagang sinabihan nito ang mga kasambahay na ito ang magluluto ng paborito niyang longganisang Imus.

“Ayoko nyan, nagsasawa na ko dyan,” malamig niya lamang na sagot.

“Sayang naman anak, pagsaluhan na natin habang mainit. Tamang-tama ito sa sinangag na niluto ko rin. Tara na! Ano ang kape mo, may gatas o wala?” nakangiti pa rin ang ginang, umaasang pagbibigyan ng anak.

“Mommy didn’t you hear me? Sabi ko, ayoko. A-Y-O-K-O. Why are you still here anyway? Di ba dapat nasa opisina ka?” mataray na sagot niya.

“N-nag..nag resign na kasi ako anak,” sabi nito, hinihintay ang magiging reaction niya.

Pero walang bakas ng pagkatuwa sa mukha ng dalaga, lalo lang itong nainis. “Ibig sabihin, I’ll get to see you everyday in this freaking house? Oh my God,” sabi niya at umirap pa bago tumalikod na.

Napabuntong hininga na lamang ang ginang, habang naaawa rito ang mga kasambahay na nakarinig.

Isang hapon ay pababa na ng hagdan si Kyla pero napabalik siya nang ilang baitang nang mapansing may kausap na lalaki ang kanyang ina sa salas. Naka-pormal na damit ang lalaki at halos kaedad lang ito ng ginang.

“Naiintindihan ko, pero pwede bang lihim nalang muna nating dalawa ito kay Kyla? Hindi pa ako handang magtapat sa kanya. You see, fresh pa sa kanya ang pagkamatay ng daddy nya,” sabi ng ginang.

“Makakaasa ka Janet.” sabi naman ng lalaki at tumayo na. Saglit nitong niyakap ang mommy niya at tinapik ang balikat bago lumabas na.

Nagpupuyos ang dibdib ni Kyla, ang kakapal ng mukha! At talagang dito pa naglalandian sa bahay ng daddy niya! Mga walang respeto! Ang tangang nanay niya, ni hindi man lang naisip na nasa itaas lang siya at anytime ay maaari siyang bumaba at mahuli ang mga ito!

“Who is he?” matalim niyang tanong sa nanay niya.

Nagulat naman ang ginang nang makita siya. “Andyan ka na pala, do you want to eat meryenda?”

“I said who is he?!” tumataas na ang kanyang boses kaya huminga muna ng malalim ang kanyang ina bago sumagot.

“A friend,” sabi nito.

“A friend my ass. Wag mo kong lokohin ma, wag nyong binababoy ang bahay ni Daddy.” sabi niya at umakyat na ulit sa taas.

Simula noon ay lagi niya nang nakikita ang lalaki, na ayon sa mga katulong ang pangalan ay Bert. Pero hindi tulad noon na sa salas nag-uusap ang mga ito, ngayon ay sa opisina na ng daddy niya sa bahay. Sinusubukan niyang makinig at hinuhuli ang mga ito sa akto pero nabibigo siya, magaling magtago ang kanyang ina.

Isang gabi ay umuwi si Kyla na lasing, inihatid pa siya sa gate ng lalaking nakilala niya lamang sa bar kanina.

“Lika na..” malanding sabi niya sa lalaki at pilit na hinihila ang kwelyo ng damit nito. Naghahalikan sila at nais niyang ipasok ito sa kanyang kwarto.

“Are you sure? May tao yata, sabi ko kasi sayo magcheck in nalang tayo sa hotel, or sa place ko nalang,” lasing rin na sabi ng lalaki, ni hindi pa nito naila-lock ang pinto ng kotse nito.

“My mom’s there. She wouldn’t care, tara na-“

Nagsasalita pa si Kyla nang may biglang humila sa kanya, ganoon nalang ang galit niya nang makita ang kanyang ina. Sinabihan rin nito ang lalaki na umuwi nalang.

“Fcking btch, istorbo,” sabi ng lalaki habang sumasakay sa kotse nito. Nagdirty finger pa ito sa nanay niya.

“Palagi ka nalang lasing, sinisira mo ba talaga ang buhay mo? Irespeto mo naman ang sarili mo Kyla Jane!” galit na sabi ng ale, bagamat mas lamang ang pag-aalala sa nararamdaman nito.

“WOW! Ay wait lang, wow!” sabi niya at pumalakpak pa.”I-respeto raw, sino kaya sa aming dalawa ang nagdadala ng lalaki dito sa bahay at doon pa nakikipagdalihan sa opisina mismo ng daddy ko? Sino kaya?”

Naguguluhan ang ginang, “Ano’ng sinasabi mo?”

Umismid si Kyla at tumawa, nawawala ang kalasingan niya dahil sa galit niya sa kanyang ina.”Alam mo wag mo nang i-deny, yang Bert na yan, bagong lalaki mo yan! Hindi ka makatiis ng kati mo nung nawala si daddy kaya pinapakamot mo sa iba! Ano, ang lagay ikaw lang ikaw ang pwedeng magdala ng lalaki sa bahay natin? Solo landi ka?”

Hindi man sinasadya ay nasampal siya ng kanyang ina habang tumutulo ang luha nito. “Hindi mo alam ang sinasabi mo,” sabi lang nito at tumalikod na.

Napagpasyahan naman ni Kyla na umalis na doon at makitira sa mga kaibigan. Tiniis niya ang nanay niya.

Nagpapadala ang ginang sa kanya pero hindi niya tinatanggap iyon. Hinahanap rin siya nito pero tinaguan niya, ilang araw..linggo, buwan hanggang sa naging taon na.

Ang huling nakarating na balita sa kanya ay pumanaw na raw ang babae. Kahit sa burol at libing nito ay nagmatigas siyang wag pumunta.

Nagulat pa siya nang isang gabi ay may kumatok sa kanyang apartment.

“Bert?” sabi niya, ito ang lalaki ng nanay niya noon. Hindi ito nag iisa, may kasama itong may edad na ring babae.

“Pwede bang pumasok?” sabi nito.

Tatanggi sana siya, pero may kutob siyang importante ang sasabihin nito kaya tumabi na rin sya at sinenyasan ang mga ito na tumuloy.

“Isang buwan na mula nang mawala ang mommy mo, sa tingin ko ay it is about time na asikasuhin natin ito,” sabi nito sa kanya at sinimulan nang ilatag ang mga papeles na dala nito sa ibabaw ng maliit niyang mesa.

“Honey, do you need a pen?” sabi naman ng may edad na babae sa tabi nito.

“Honey? May girlfriend kana ulit?” di mapigilang tanong niya.

“Anong ibig mong sabihin? 18 years na kaming married nitong misis ko, friends kami ng mom at dad mo. Ako ang personal attorney nila,” pakilala ni Bert sa sarili.

Unti-unti namang kinakabahan si Kyla, ibig sabihin ay wala itong relasyon at ang mommy nya!

“2 years ago ay natuklasan ng mommy mo na may cancer siya, siguro natatandaan mo, madalas ako sa inyo noon. Inihahabilin ka kasi niya sa akin, ang kapakanan mo agad ang naisip ng mommy mo. Bukod sa i-train kita dahil ikaw ang magmamana ng negosyo ng daddy mo, sayo rin mapupunta ang lahat ng yaman. Iyon ang dahilan bakit nagtatagal kami ng mommy mo noon sa opisina, gumagawa kami ng last will and testament. Medyo nagkaaberya pa noon kasi natuklasan naming nagnanakaw ang treasurer ng business ng daddy mo.

Lahat iyon ay binawi ng mommy mo para buong buo na maibigay ang mana mo,” sabi ni Bert.

Tuloy tuloy ang agos ng luha ni Kyla, all this time inakala niyang naglalandi ang nanay niya.

Nagsalita ang kasama nitong babae, “Alam mo, your mom was a fighter. Ang ibinigay na taning sa kanya ng doctor noon ay 3 months na lang. Pero tumagal pa siya ng dalawang taon, at alam naming lahat kung bakit. Hinihintay ka kasi niyang umuwi Kyla..”

Doon napahagulgol ang dalaga, lahat ng galit niya ay natunaw. Napalitan iyon ng pagsisisi at pangungulila. Masyado siyang naging malupit sa kanyang ina.

Kinabukasan ay binisita niya ang puntod nito, nahimas niya ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan nito.

Napakarami niyang sinayang na panahon. Sana ay nakasama niya pa ito nang matagal, sana nakahingi siya ng tawad. Sana naiparamdam niya na mahal niya rin ito kapantay ng pagmamahal niya sa kanyang daddy. Sana nakapagpasalamat man lang siya sa kanyang buhay. Napakalungkot ng dalaga, dahil alam niya, hanggang sana na lang siya.

Advertisement