Inday Trending

Inday Trending

Inaway ng Misis na Ito si Mister Dahil Tinutulungan Pa Rin ng Lalaki ang Pamilya Niya, Mali nga ba ang Ganitong Gawain?

Inaway ng Misis na Ito si Mister Dahil Tinutulungan Pa Rin ng Lalaki ang Pamilya Niya, Mali nga ba ang Ganitong Gawain?
FamilyLoveStories

Sa edad na 22 anyos ay kinasal na si Margot sa kaniyang nobyong si Robbie na 26 anyos noong June 2014. Ngayon nga ay maglilimang taon na silang mag-asawa.

Image courtesy of www.google.com

“Mahal, pwede bang sa Boracay naman tayo ngayon magcelebrate ng anniversary natin?” malambing na tanong ni Margot sa kanyang asawa na nakapangalumbaba.

Image courtesy of www.google.com

“Kung may piso fare sana e mas maganda at makakatipid tayo. Alam mo namang marami tayong gastos ngayon ‘di ba?” baling sa kaniya ng asawa habang nagbibilang ito ng pera.

Image courtesy of www.google.com

“Mahal, ang piso fare e one year before bago ang araw ng mismong alis, e isang buwan na lang ay anniversary na natin. Pwede bang patusin na muna natin yung mga 5,000?” saad naman ni Margot.

“Mahal, ang laki noon. Baka makarating nga tayo ng Boracay pero hindi naman natin ma-enjoy yung stay natin doon. Mahal ang cost of living, mahal ang night life pero mas mahal naman kita kaya pwede bang next time na lang ang Boracay?” wika ni Robbie sa kaniyang misis sabay yakap dito.

“Hay naku, kung may trabaho lang ako baka ako pa ang nang libre sa’yo,” sambit ng babae labas na lang ng kanilang kwarto sa sobrang inis. Mula nang nagpakasal ang dalawa ay nawalan na ng trabaho ang babae dahil mas pinili niyang maging taong bahay na pinagbigyan naman ni Robbie kahit pa nga isang maliit na restawran lang ang kaniyang pinagkakakitaan.

Ilang araw pa ang lumipas ngunit hindi makakita ng magandang mapagbabakasyunan si Margot dahil gusto talaga nitong sa boracay magpunta, napurnada kasi ang una nilang booking dati dahil sa pagbubuntis niya. Kaya ngayong tatlong taon na ang anak nila ay gusto na talaga niyang matuloy ito.

“Ganun ho ba? Sige ho magpapadala na lang ako bukas, ‘wag niyo hong kakalimutan ang gamot ninyo,” saad ni Robbie sa telepono habang kausap ang kaniyang ama habang nakaharap sa TV nilang sira na.

Image courtesy of www.google.com

“Oh ano? Magpapadala ka na naman ng pera sa tatay kasi wala nang gamot para sa diabetes niya?” tanong ni Margot na narinig ang kaniyang asawa.

“Oo mahal, hindi raw kasi makakapagpadala si bunso dahil marami siyang ginastos ngayong buwan,” saad naman ng lalaki.

“Oh maraming ginastos yung kapatid mo? Saan? Kaka-tour? Mabuti pa nga yung kapatid mo e, kung saan saan nakakapunta, e tayo? Halos makuba ka na kakatrabaho pero hindi mo mapagbigyan yung bakasyon na hinihingi ko, kaya hindi mo mapagbigyan ang hiling kong boracay dahil nakabudget yung pera mo sa pamilya mo!” sigaw ng babae sabay tayo at humarap ito sa kaniyang mister.

“Tapos sa susunod na buwan, tatawag naman yung isang kapatid mo. Manghihingi ng pambayad ng kuryente sa iyo, tapos bibigyan mo ng pera yung nanay mo kasi wala na siyang trabaho at hihingi na naman ng kung ano-ano yung mother-in-law ko,” dagdag pa ng babae.

“Kung makapagsalita ka naman sa pamilya ko, masakit yung mga binibitiwan mo Margot,” seryosong baling ng lalaki.

“Sabi ng lahat suwerte daw ako sa’yo dahil napakabait mo, napakaresponsable ng asawa ko. Naiintindihan kong ikaw ang kuya at ikaw lang ang lalaki sa pamilya nyo pero may pamilya ka na rin naman Robbie, kailan ba matatapos ang pagiging anak mo sa pamilya mo?” tumaas ang boses ng babae.

“Alam kong hiwalay na ang tatay at nanay mo kaya ikaw na lang ang inaasahan ng pamilya mo, pero may pamilya na rin sila pero naka-asa pa rin sa’yo? Yung bunso niyong kapatid, nasubukan mo bang pagsabihan yun o hingan man lang sa mga gastusin niyo doon sa bahay niyo sa probinsya? ‘Di ba wala, kasi lahat ikaw, ikaw ikaw ikaw,” galit na sambit ni Margot sa kaniyang mister habang dinuduro niya ito.

Image courtesy of www.google.com

“Ano bang gusto mo? Na kalimutan ko sila dahil nandito ka na? Hindi matatapos ang responsibilidad ko sa pagiging anak at kuya dahil habang buhay yun. Isa pa, ako, tayo ang mas nakakaluwag kaya tayo ang nagbibigay,” sumagot rin ng pagalit si Robbie.

“Pero may hanganan ang lahat Robbie, ang sasakyan nga may preno ikaw pa ba na tao? Kailan ka huling nagbakasyon? Kailan ka huling nagpahinga? Wala, dahil dalawa ang pamilyang binubuhay mo. Hindi matututo ang mga kapatid mo na tumayo sa sarili nilang paa kung hindi mo sila hihindian kahit minsan, kahit minsan lang. Naiintindihan ko na hindi mo sila pwedeng talikuran pero pwede kang makihati sa mga gastusin dahil hindi pwedeng ikaw lang parati!” lumuluhang sigaw ni Margot sa kaniyang asawa.

Sandaling natahimik ang dalawa at biglang lumapit ang babae sa kaniyang mister, “ Hindi ko sinabing pagdamutan natin sila, patawarin mo ako sa mga sinabi ko pero sana naiintidihan mo ako. Sana makita mo yung punto ko,” bulong nito sa kaniyang mister.

Hindi sumagot si Robbie sa kaniyang misis at nag-isip itong mabuti sa ikinagagalit ng babae. Napagtanto niyang may punto rin naman ito dahil kahit may pamilya na ang isa niyang kapatid ay siya pa rin ang nagbabayad ng pang kuryente nila at kung minsan ay pangkain din kahit pa nga may trabaho naman ito at ang asawang lalaki.

Hindi rin niya napagsasabihan ang bunsong kapatid sa kakagimik at kakatour nito na kung minsan ay humihingi pa rin sa kaniya at hindi natutulungan sa gastusin lalo na sa kanilang tatay na may diabetes.

At heto siya, hindi makahindi sa kaniyang pamilya at dahil sa sobrang pagmamahal niya ay nakalimutan na rin niyang patayuin ang mga ito sa sarili nilang paa. Kaya naman kinaumagahan ay kinausap niya kaagad ang asawa.

“Mahal, i-book mo na yung Boracay. Sige na tumuloy na tayo,” wika ng lalaki.

“Hindi na mahal, tama ka rin naman na hindi wais ang presyo ng Bora dapat talaga nag abang ako ng piso fare kung gusto ko doon. Kaya naman mag-Batangas na lang tayo, mas malapit at maganda rin ang mga dagat,” magiliw na sagot ng babae at niyakap ang kaniyang asawa.

“Mahal kita at mahal ko ang pamilya mo kaya sana huwag kang magtanim ng sama ng loob sa akin ha,” bulong pa nito.

“Tama ka naman mahal, oras na para turuan ko rin silang tumayo sa sarili nilang paa,” baling ng lalaki at nagyakap ang dalawa.

Image courtesy of www.google.com

At simula nga noon ay kinausap niyang mabuti ang dalawang kapatid na matutong magtipid dahil hindi na niya sasagutin ang lahat ng gusto nila. Tutulong pa rin naman ang lalaki ngunit hindi sa puntong siya na ang aako sa lahat.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

More Stories