Ipinahiya ng Dalaga ang Mas Batang Asawa ng Negosyanteng Ama; Magbabago ang Tingin Niya sa Babae nang Malaman Niya ang Katotohanan

Dalawang dekada na rin ang nakakalipas nang sumakabilang buhay ang misis ng limang pu’t anim na taong negosyanteng si Phil. Naiwan sa kaniyang pangangalaga ang kaisa-isa nilang anak na si Annika.

Nang magdalaga si Annika ay napili nitong mag-aral sa ibang bansa. Nangungulila man ay sinuportahan ito ng kaniyang ama dahil para na rin ito sa kaniyang magandang kinabukasan.

Ngunit labis ang sama ng loob ni Annika sa kaniyang ama nang malaman niyang magpapakasal na ito. Lalo pa niyang ikinagalit nang malaman niyang dalawang taon pa ang tanda niya sa kasintahan ng ama.

Naging dahilan ito upang agad na umuwi si Annika sa Pilipinas. Nais niyang harap-harapang kumprontahin ang ama.

“Dad, nahihibang na ka na ba? Ano na lang ang sasabihin sa atin ng mga tao? Saka ni hindi ko nga alam kung saan mo napulot ang babaeng iyan!” sambit ni Annika sa amang si Phil.

“Bakit, anak? Wala namang edad ang pag-ibig. Nagmamahalan kami ni Kristine. Matagal na rin namang wala ang mommy mo at tumatanda na ako. Kailangan ko rin ng magkakasama ko sa aking pagtanda,” tugon naman ng ama.

“Hindi ba kayo kinikilabutan sa sinasabi nyo? Halos ka edad ko lang ang babaeng iyan! Sigurado ako na pera lang ang habol nyan sa inyo!” saad pa ng dalaga.

“Hindi gano’n si Kristine kaya huwag mo siyang pagsasalitaan ng ganiyan. Maayos siyang babae at mabuti siyang tao. Ayan ang mga katangiang nagustuhan ko sa kaniya.

Advertisement

Anak, bakit hindi mo na lang tanggapin ang desisyon ko? Ayaw mo ba akong maging maligaya?” pahayag pa ni Phil.

Kahit labis ang pagtutol ni Annika ay wala na siyang nagawa pa sa tuluyang pag-iisang dibdib ng kaniyang ama at ng mas batang nobya nito.

Tulad ng inaasahan ay gumawa ng ingay ang kasalang ito. Nagulat kasi ang lahat ng kanilang kakilala at mga kamag-anak sa naging desisyon ni Phil.

Sa kabilang banda, kahit na nakikita ni Annika na lubos ang kaligayahan ng ama ay malaki pa rin ang pagdududa nito sa bago niyang madrasta. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang malaman ang pinagmulan nito.

Laking gulat niya nang malamang nakilala lamang pala ito ng kaniyang ama sa isang restawran. Isang waitress do’n si Kristine at simula nang makita ito ng kaniyang ama ay hindi na niya ito tinantanan pa.

Niligawan niya si Kristine at agad naman siyang sinagot nito.

Nang alamin pa ni Annika ang tirahan ng asawa ng ama’y lalong umigting ang kaniyang paghihinala na tanging pera lamang ang nais ng babae sa kanila. Nakatira lamang kasi ito sa isang maliit na barung-barong malapit sa isang estero at ang pagpapakasal nga naman sa kaniyang ama ay madaling solusyon ng pag-angat sa buhay ni Kristine.

Dahil dito ay agad niyang kinumpronta ang bagong asawa ng ama.

Advertisement

“Kung akala mo’y mabibilog mo rin ang ulo ko tulad ng ginawa mo sa daddy ko’y nagkakamali ka. Alam ko ang pinagmulan mo at alam ko kung ano ang nais mo sa daddy ko. Gagawin ko ang lahat upang ilabas ang baho mo!” saad ni Annika kay Kristine.

Imbis napatulan ay hindi na lamang ito pinansin pa ni Kristine.

“Nauunawaan ko na mahal mo ang daddy mo at ayaw mo siyang mapahamak. Mahal na mahal ko rin si Phil at mali ang lahat ng iniisip mo laban sa akin,” paliwanag pa ni Kristine.

Lumipas ang mga araw at patuloy ang hindi magandang pakitungo ni Annika sa kay Kristine. Hind siya huminto na kumbinsihin ang ama sa hindi magandang hangarin ng bago nitong asawa.

“Nararamdaman ko, dad, oportunista ang babaeng iyan. Darating ang araw, kapag nakuha na niy ang gusto niya sayo’y iiwan ka rin niya!” giit ni Annika kay Phil.

“Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin, anak. Mahal ko si Kristine at alam kong mahal niya ako,” saad pa ng ginoo.

Hanggang isang araw ay hindi sinasadyang nakita ni Annika na may kausap na lalaki itong si Kristine sa isang restawran. Magkahawak ang kanilang mga kamay at halata kay Kristine ang saya sa kaniyang mukha.

Dahil dito’y naisip niyang gumawa ng plano. Nalalapit na ang anibersaryo ng kaniyang ama at ni Kristine at magkakaroon ng isang salu-salo. Nais niyang doon ay isiwalat ang kaniyang nakita. Kinuhaan niya ng larawan si Kristine bilang ebidensya.

Advertisement

Nang dumating ang araw ng party ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga taong imbitado. Nakahanda na rin si Annika sa malaking pasabog na kaniyang gagawin.

“Mali ang kinalaban mo, Kristine. Ngayon ay malalaman ng lahat kung anong klase ka talagang tao. Sa gabing ito’y tuluyan ka nang hihiwalayan ng daddy ko!” bulong ni Annika sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang ama at asawa nito na malambing na nagsasayaw. 

Hanggang sa kinuha ni Annika ang atensyon ng lahat ng naroon. Sa isang projector ay ipinakita niya ang mga larawan ni Kristine. Laking gulat ng lahat sa kanilang napanood.

“Iyan ang totoong kulay ng babae sa inyong harapan. Kaya hindi ko lubos maisip kung ano ang ipinakain niya sa daddy ko para pakasalan siya. Ngayong alam mo na ang totoo na niloloko ka ng babaeng iyan, daddy, sa tingin ko ay dapat mo na siyang iwan at ibalak sa pusaling pinanggalingan nya! Hindi sya nababagay sa pamilyang ito!” mariing sambit n Annika.

Ngunit nagulat ang dalaga sa reaksyon ng kaniyang ama.

“Itigil mo na ang kalokohan na ito, Annika, at humingi ka ng tawag sa mga narito lalo na kay Kristine,” wika ni Phil.

“Pero bakit ako hihingi ng tawad sa oportunistang iyan?” galit na sigaw ng dalaga.

“Hindi mo naiintindihan ang lahat, Annika,” lumuluhang sambit ni Kristine kay Annika.

Advertisement

“Walang kailangang hindi maintindihan, Kristine. Kitang kita ko kung paano mo niloloko ang daddy ko!” giit pa ng dalaga.

“Mali ang akala mo, Kristine. Dahil ang lalaking kasama ko sa larawan ay kapatid ko,” pahayag ng batang madrasta.

“Kinukumbinsi ako ng kuya ko dahil ayaw niya ang naging desisyon ko. May sakit ang daddy mo at kailangan niyang maoperahan upang mapalitan ang kaniyang bato. Gusto kong ibigay ito sa kaniya ngunit mariin itong tinututulan ng kuya ko.

Siya na lang ang kasama ko sa buhay at hindi rin siya pabor sa pagpapakasal ko sa daddy mo dahil alam niyang masama ang iisipin sa amin ng mga tao. Pero maniwala ka, mahal na mahal ko si Phil,” hindi na naiwasan pa ni Kristine na ipagtapat ang lahat sa dalaga.

“P-paanong malubha na ang kalagayan ni daddy?’ nangangamabang tanong ni Annika.

“Matagal nang hindi maayos ang lagay ng mga bato ng daddy mo. Marami na rin siyang komplikasyon at tanging operasyon na lamang ang makakapagsalba ng kaniyang buhay. Ayaw na itong sabihin pa sa’yo ng daddy mo dahil ayaw niyang mag-alala ka. Saka, payag naman akong ibigay ang isang bato ko para madagdagan pa ang kaniyang buhay,” wika pa ni Kristine.

Sa puntong iyon ay naunawaan na ni Annika kung bakit gano’n na lamang kamahal ng kaniyang ama si Kristine. Tunay nga ang pagmamahal ng kaniyang madrasta sa kaniyang ama dahil kaya nitong isakripisyo ang sarili madugtungan lamang ang buhay ni Phil.

Lubos ang paghingi ng tawad ni Annika kay Kristine. Nang hingi din siya ng kapatawaran sa ama at sa lahat ng mga taong nasa pagdiriwang na iyon.

Advertisement

Dumating ang araw ng operasyon ni Phil at naging matagumpay naman ito. Laking pasasalamat ni Annika sapagkat nang dahil kay Kristine ay dugtungan ang buhay ng ama.

Simula noon ay naging maayos na ang trato ng dalaga sa kaniyang madrasta. Maluwag na niyang tinanggap ang relasyon ng ama kay Kristine.