Inday TrendingInday Trending
Hindi Naniniwala sa Diyos ang Milyonaryong Mag-asawa Hanggang sa Sila Mismo ang Nakasaksi ng Himala Mula sa Langit

Hindi Naniniwala sa Diyos ang Milyonaryong Mag-asawa Hanggang sa Sila Mismo ang Nakasaksi ng Himala Mula sa Langit

Tuwang tuwa ang mag-asawang sila Barry at Karen sa nalaman. Matapos ang pitong taong paghihintay ng magandang balita, ipinaalam ng kanilang doktor na si Karen ay nagdadalang tao. Sa sobrang tuwa ay ipinamalita nila agad ito sa kanilang mga magulang. Pinayuhan naman sila ng mga ito na mag-ingat at alagaang mabuti ang bata sa sinapupunan ni Karen.

Dumaan ang bawat buwan, ingat na ingat si Karen sa sarili at sa dinadalang sanggol. Ultimo sa pagkain nito’y puro masusustansiyang mga pagkain lamang. Bilang kayang-kaya naman ng asawang si Barry ang gastos, wala nang ibang iniisip si Karen kung hindi ang sarili at ang batang dinadala.

Lahat ng payo ng doktor na makakabuti sa bata ay kanilang sinusunod. Ika nga ni Barry, walang kapalit na halaga ang kasiyahang dulot ng batang ito sa kanila. Hindi pa man ito isinisilang ay di matatawarang ligaya ang hatid nito sa pag-iisip pa lamang sa kaniya.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat at isinilang na ni Karen ang sanggol. Isa itong malusog na batang lalake na pinangalanan nilang Christopher. Malusog naman daw ito sabi ng doktor kaya’t matapos lamang ang dalawang araw ay nakalabas na ang mag-ina sa ospital.

Nais ng kanilang mga magulang na pabinyagan na ang sanggol ngunit hindi naniniwala sa mga ganitong bagay ang mag-asawa.

“Anak namin ito, kami ang masusunod kung palakihin namin siya na base lamang ang aming paniniwala sa Siyensya. Kung mapatunayan niyang may Diyos pagtanda niya, hindi namin siya pipigilan. Pero huwag ninyo kaming asahan na magturo sa kaniya ng mga ganyang klaseng kalokohan.” giit ni Barry.

Nalungkot ng husto ang kanilang mga magulang ngunit walang magawa ang mga ito.

Nagsimulang mag-aral si Christopher at talaga namang napakaraming medalya at awards ang natatanggap nito taon-taon. Proud na proud at napakasaya naman ng mag-asawa pati ang mga lolo’t lola ng bata.

Isang araw habang nasa piano lesson ay dumaing ang pitong taong gulang na si Christopher sa kaniyang Mommy. Napakasakit daw ng ulo nito at gusto nang umuwi. Hindi pa man nakakaalis sa eskuwelahan ay bigla nang hinimatay ang bata. Agad naman itong isinugod sa ospital, doon napag-alaman na may namumuo na palang dugo sa utak ng bata. Kailangan niyang maoperahan kung hindi ito maagapan ay puputok ang kaniyang ugat at maari itong maging sanhi ng pagkamatay ng bata.

Hindi mapakali ang buong pamilya, nagpasya silang dalhin sa Singapore ang bata at doon ipagamot. Dumaan sa operasyon si Christopher ngunit hindi na ito nagkaroon pa ng malay. Makalipas ang isang taon, wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ng bata. Ito ay nasa comatose stage na. Tila mga aparato na lamang ang bumubuhay dito.

Dinala sa Amerika ang bata sakay ng isang pribadong eroplano habang nakakabit rito ang mga aparato upang mapa eksamin ulit ngunit ayon sa mga banyagang doktor ay may limang porsyento na lamang na ito’y magising at pinayuhan silang mag-usap-usap na upang hindi na mahirapan ang bata. “Mercy killing” ang tawag dito.

Doon napagtanto ng mag-asawa na tila katapusan na talaga ng mundo para sa kanila. Habang nag-uusap ang mag-asawa ay tila may isang puting paru-paro na dumapo sa kamay ni Karen. Halos masiraan na ng bait ang Ina, kinausap niya sa kanyang isip ang paru-paro. “Ikaw ba ‘yan, anak? Sabihin mo naman sa amin kung anong gagawin namin ni Daddy mo. Hindi yata namin kakayanin na mawala ka, anak. Kaytagal ka naming hinintay tapos ay mawawala ka din agad.” Nagulat si Karen ng lumipad ang paru-paro at dumapo sa isang pintuan.

Nagulat siya ng makitang pintuan pala ito ng chapel ng ospital. Nanginginig ang kamay ni Karen at binuksan ang pintuan, pumasok siya sa loob at doon parang may puwersang dumantay sa kaniyang balikat at bigla na lamang siyang napaluhod. Tuloy tuloy ang agos ng luha ni Karen habang nakapikit ang mga mata, idinikta bigla ng kaniyang puso na makipag-usap sa Panginoon. Doon siya’y nagmakaawa para sa buhay ng kanyang anak. Nakita naman ni Barry ang asawa at doon ay napahagulgol sa nasaksihan. Tinawag ni Karen ang asawa at niyayang manalangin ng sabay. Taimtim silang nagdasal.

Doon napagtanto ng mag-asawa na tila katapusan na talaga ng mundo para sa kanila. Habang nag-uusap ang mag-asawa ay tila may isang puting paru-paro na dumapo sa kamay ni Karen. Halos masiraan na ng bait ang Ina, kinausap niya sa kanyang isip ang paru-paro. “Ikaw ba ‘yan, anak? Sabihin mo naman sa amin kung anong gagawin namin ni Daddy mo. Hindi yata namin kakayanin na mawala ka, anak. Kaytagal ka naming hinintay tapos ay mawawala ka din agad.” Nagulat si Karen ng lumipad ang paru-paro at dumapo sa isang pintuan. Nagulat siya ng makitang pintuan pala ito ng chapel ng ospital. Nanginginig ang kamay ni Karen at binuksan ang pintuan, pumasok siya sa loob at doon parang may puwersang dumantay sa kaniyang balikat at bigla na lamang siyang napaluhod. Tuloy tuloy ang agos ng luha ni Karen habang nakapikit ang mga mata, idinikta bigla ng kaniyang puso na makipag-usap sa Panginoon. Doon siya’y nagmakaawa para sa buhay ng kanyang anak. Nakita naman ni Barry ang asawa at doon ay napahagulgol sa nasaksihan. Tinawag ni Karen ang asawa at niyayang manalangin ng sabay. Taimtim silang nagdasal.

Lumipas ang ilang linggo, hindi na inaasahan ng mag-asawa na magigising pa ang anak. Tila ipinaubaya na nila sa Diyos ang buhay ng anak at nagpasya na silang tanggalin na ang aparatong bumubuhay sa anak. Habang sila’y nananalangin kasama ng kanilang mga magulang sa loob ng kuwarto ng ospital, nanglaki ang ulo ng lahat ng biglang bumukas ang mata ni Christopher. “Jesus, you are my savior.” Ito ang katagang lumabas sa bibig ng bata pagkamulat ng mata. Napasugod ang lahat ng doktor sa kuwarto ng bata at sinabing isang himala ang nangyari.

Pagkaraan ng ilang buwan, namuhay na ulit ng normal ang kanilang buong pamilya. Isang bagay lamang ang nagbago, ito ay ang kanilang pananampalataya sa Panginoon. Nahikayat ng kanilang mga magulang si Karen at Barry na maging aktibo sa kanilang simbahan. Nakakagulat man ngunit lumaking wala nang karamdaman si Christopher. Tila sunod sunod naman ang nangyaring himala at nagkaroon pa ng dalawang anak ang mag-asawa. Naging napakamapagmahal na kuya ni Christopher.

Nakaranas ka na din ba ng isang himalang nakapagpabago ng iyong buhay? Ano ang masasabi mo sa kuwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement