Binubulabog ng Ungol ng Isang Babae ang Dalaga; May Lihim Pala Siyang Matutuklasan

Bagong lipat lang si Shaira sa inuupahang apartment. Kahit medyo malaki ang nakuha niyang mauupahan, mababa naman ang renta, bayad sa tubig at kuryente. Malugod naman siyang inasikaso ng may-ari ng apartment na si Manang Tasing.

“O, hija. Nagustuhan mo ba rito? Murang-mura na ito ha, hindi ka na lugi,” wika ng matandang babae.

“Okay na po sa akin ito, manang. Mag-isa lang naman po akong titira rito. Ang mahalaga lang naman po ay may kuryente at tubig,” aniya.

Mag-a-alas nuwebe na ng gabi ay nakaramdam nang tawag ng pangangailangan si Shaira.

“Ano ba ito, kung kailan nasa kasarapan ako ng tulog bigla naman akong naihi,” inis niyang sabi sa sarili.

Pagkatapos niyang gumamit ng palikuran ay may nakatawag sa kaniyang pansin.

“Huh, ano kaya iyon?”

Biglang may narinig siyang umuungol sa kalapit niyang kwarto.

Advertisement

Dahil nabigla sa narinig ay dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang tainga sa dingding sa may kusina. Hindi nga siya nagkamali sa narinig niya. Dinig na dinig niya ang ungol ng isang babae.

“Grabe naman kung maka-ungol ang babaeng iyon. ‘Di kaya may ginagawa sila ng dyowa niya o asawa?” napapangiti niyang sabi sa isip.

Binalewala niya iyon at ipinagpatuloy ang pagtulog.

Kinaumagahan ay naikuwento niya kay Manang Tasing ang tungkol sa narinig niya nang nagdaang gabi.

“Ano kamo may babaeng umuungo lsa bakanteng kuwarto sa itaas?” gulat na tanong ng matanda.

“Opo, Manang. Siguro po ay mag-asawa o magkasintahan ang nangungupahan sa kalapit kong kwarto kaya panay ang ungol,” natatawa niyang turan.

“Imposibleng magkaroon ng babae roon dahil matagal nang walang nangungupahan sa kwartong iyon. Mag-iisang taon na nang umalis ang huling nangupahan doon kaya walang tao roon!” gulat na hayag ng matandang babae.

“Ano po? Hindi po ako nagkakamali, narinig ko talaga na mayroong umuungol doon,” giit niya.

Advertisement

“Baka naman nananaginip ka lang, hija? Walang tao sa kwartong iyon.”

Para mawala ang agam-agam ay pinuntahan nila ang nasabing kwarto na kalapit ng kwarto niya sa ikaanim na palapag. Nang buksan nila ang pinto ay wala naman silang tao sa loob.

“O, wala namang ibang tao rito. Walang sinumang makakapasok dito,” sabi ng matanda.

Biglang nakaramdam ng takot si Shaira. Hindi siya maaaring magkamali, may narinig talaga siyang ungol nang gabing iyon.

Nang sumapit ang alas dose ng gabi ay narinig na naman niya ang mga pag-ungol sa kabilang kwarto. Kung dati ay mahina ngayon ay unti-unti na iyong lumalakas.

“Nakupo, ayan na naman ang ungol ng babae at lumalakas pa!” kinakabahan niyang sabi sa sarili.

Muli niyang idinikit ang tainga sa dingding at dinig na dinig niya ang malakas na ungol ng babae. Kahit natatakot ay maingat na lumabas ng kaniyang kwarto si Shaira at pinuntahan si Manang Tasing.

“Manang, Manang Tasing!” sigaw niya sa labas ng kwarto ng matanda sa unang palapag.

Advertisement

“Ano ka ba naman, hija. Bakit mo ako ginising sa pagtulog ko?” sabi nito habang naghihikab.

“Manang, sumama po kayo sa akin sa itaas. Naririnig ko na naman po ang ungol ng babae sa bakanteng kuwarto,” takot na wika ng dalaga.

“Ano? Sandali, hintayin mo ako at may kukunin lang ako,” sagot ni Manang Tasing

Sa pagbalik ng matanda ay may dala itong flashlight at kahoy na pamalo at magkasama nilang pinuntahan ang bakanteng kwarto sa ikaanim na palapag. Nang nasa labas na sila ng kwarto ay nagulat si Manang Tasing dahil dinig na dinig rin niya ang malakas na ungol ng isang babae sa loob ng kwarto.

“Diyos ko! Oo nga at ang lakas ng ungol! Sino kaya ang nasa loob?” kinakabahang wika ng matanda sabay hawak nang mahigpit sa kahoy na pamalo.

“Manang, natatakot po ako!” ani Shaira habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Manang Tasing.

“Huwag kang matakot, hija,” anito.

Dahan-dahan nilang binuksan ang pinto ng kwarto at kinapa ng matanda ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pinto at nang bumukas iyon ay laking gulat nila sa kanilang nakita.

Advertisement

“F-Filemon?!” sigaw ni Manang Tasing.

“Eeee! Filemon, a-ang asawa mo!” sigaw ng babae na biglang napatayo sa kinahihigaang sahig at tinakpan ng pinulot na damit ang kah*baran.

Kahit si Shaira ay nagulat sa kaniyang nakita. Ang asawa ni Manang Tasing na si Mang Filemon ay wala ring saplot sa katawan kasama ang isang babae sa loob ng bakanteng kwarto at may ginagawang kababalaghan.

“Mga hay*p kayo! Ang akala namin ay may kababalaghang nangyayari rito, iyon pala ay kabab*yan niyo ang matutuklasan namin! Ikaw, wal*ng hiya kong asawa, kaya pala palagi kang nagpapaalam sa akin gabi-gabi na makikipag-inuman kuno iyon pala ay iba ang pinupulutan mong hinay*pak ka! At ikaw naman, babae ka, hindi ka na nakuntento sa mga parukyano mo sa club pati asawa kong uugod-ugod na ay pinatos mo pa?” galit na singhal ni Manang Tasing.

Napag-alam nila na sa kwartong iyon dinadala ni Mang Filemon ang kapitbahay nilang prost*tute na si Madel at doon gumagawa ng kakaibang milagro ang dalawa. Walang habas na ipinalo ni Manang Tasing sa hubad na katawan ng mister ang hawak na kahoy sa sobrang galit.

“Aruy, aruy, tama na, Tasing at baka mabalian ako ng buto!”

“Talagang babaliin ko ang mga buto mong many*kis ka. Ang tanda mo na mahilig ka pa! Pagkatapos ko sa iyo ay ang babaeng malandi na ‘yan ang isusunod ko!”

“Huwag po, maawa ka sa akin Manang Tasing. Gusto ko pa pong makatikim ng kuwan ng lalaki…este ng pag-ibig ng isang lalaki!” hiyaw naman ni Madel.

Advertisement

Natawa na lang si Shaira sa mga nangyayari. Nang dahil sa ungol na naririnig niya tuwing gabi ay nahuli tuloy sa akto ni Manang Tasing ang pambababae ng mahilig na mister.