Inday TrendingInday Trending
Babaeng Nilayasan ang Kanyang Mister Dahil Ayaw Umalis sa Bahay ng Ina, Sino ang Pipiliin ng Mister sa Huli?

Babaeng Nilayasan ang Kanyang Mister Dahil Ayaw Umalis sa Bahay ng Ina, Sino ang Pipiliin ng Mister sa Huli?

“Pwede na ba tayong bumukod?” pag-aya ni Liezel sa kanyang asawa.

“Hindi nga pwede. Alam mo namang wala tayong pera pang-upa, ‘di ba?! Isa pa, ano bang problema dito sa bahay ni mama? Eh lahat naman nakukuha mo,” pagtatakang tanong ni Jason.

“Pasensya na, alam ko naman yun. Pero kasi minsan kung ano na yung gusto ng nanay mo para kay Joy, yun ang na susunod eh. Paano naman yung gusto ko bilang nanay?” ani Liezel.

“Eh gusto mo lang naman yun, hindi mo naman mabibili o mabibigay sa anak mo. Saan ka kukuha ng pera?” sagot ni Jason.

Alam ni Liezel na kapag nagsalita na ang kanyang mister ng ganoon ay wala na talaga siyang laban. Bilang housewife na walang trabaho, sweldo lamang ng kanyang mister ang bumubuhay sa kanilang mag-ina.

Mapalad rin siya dahil ang kanyang byenan ay handa silang tulungan lalo na sa mga gastusin.

Ang problema lamang ni Liezel ay nawawalan na siya ng boses pagdating sa kanyang anak na si Joy.

Lahat ng kailangan ng kanilang anak ay binibigay ng byenan niya. Gatas, diaper, damit, pang-aral? Byenan niya ang nag babayad ng lahat. Kaya naman pag may gustong gawin ang byenan niya sa kanyang apo, ay hindi makapagsalita si Liezel.

Dahilan niya’y nirerespeto niya ang kanyang byenan.

“Aalis kami mamaya ni Joy, bihisan mo siya ng maayos ha,” pagmamalditang sabi ng kanyang byenan.

“Ah sige ho, ‘nay. Saan po pala kayo pupunta?” nakangiting sagot ni Liezel.

“Pupunta kami sa mga kumare ko doon sa kabilang barangay,” sagot ng byenan.

“Ah ganon ho ba? Mga anong oras po kaya kayo makakauwi kas-“ bago pa man matapos ang sasabihin ni Liezel ay nakasinghal na agad ang kanyang byenan.

“Pakialam mo ba kung anong oras kami uuwi? Tingin mo ba ‘di ko aalagaan yang apo ko?!” sigaw niya.

“Ay hindi naman po. Eh yung mga assign-” muli nanamang naputol ang kanyang sasabihin.

“Oh, hindi naman pala eh. Ano pang sinasabi mo d’yan?!” sagot ng byenan.

“Yung mga assignment niya ho sana, tatapusin kasi namin,” magalang na sagot ni Liezel.

“Pwede ba Liezel?! Matalino yang apo ko ‘no! Madali na lang yan sa kanya pag-uwi namin. Bihisan mo na siya,” sagot ng byenan.

Hindi na sumagot pa si Liezel dahil ayaw na niyang lumala ang usapan at makipagtalo sa byenan.

Ngunit napakasakit na nito para sa kanya. Sa araw-araw na ata na ginawa ng Diyos ay ganon ang trato sa kanya ng biyenan niya.

Araw-araw din siyang nagmamakaawa sa kanyang asawa na sana’y makabukod na sila. Ngunit galit lamang din ang sagot ni Jason sa kanya.

“Please naman Liezel, kung wala kang bagong sasabihin, ‘wag ka na lang magsalita,” laging sagot ng kanyang asawa.

Dumating sa puntong punong-puno na ng galit ang puso ni Liezel kaya naman ginawan na niya ito ng paraan.

Pasikreto siyang nagsimula ng isang online shop. Nagsimula siyang mag benta-benta ng mga damit na ukay-ukay.

Nang kanyang napansin na lumalaki ang kanyang kinikita, dinagdagan niya ang kanyang mga binebenta.

Nagdagdag pa siya ng mas marami pang damit at iba pang mga gamit.

Kalahati sa kanyang kinikita ay pinapaikot niya, at ang kalahati naman ay nilalagay niya sa kanyang ipon.

Makalipas ang ilang buwan, nag karoon na ng sapat na ipon si Liezel para sila’y makapagrenta ng maayos na bahay at makabukod na sa byenan.

“Hon, may good news ako sa’yo!” masayang pagbalita ni Liezel sa asawa.

“Oh ano na naman ‘yon?” iritableng sagot ni Jason.

At nilabas ng kanyang misis ang isang kahon na naglalaman ng pera.

“Eto! Naipon ko lahat ng ito para makabukod na tayo!” nakangiting sambit ni Liezel.

“At saan mo naman nakuha yan?” galit pang sagot ni Jason.

At doon ikinuwento ni Liezel kung papaano niya nalikom ang lahat ng kanyang inipon. Ngunit imbis na ikatuwa ng asawa ay sobra-sobra pa ang kanyang galit.

“Bakit ka naglilihim sa akin?! Bakit hindi mo sinasabi? Ano pang hindi mo sinasabi?” sigaw ng kanyang asawa na halos saktan na niya si Liezel.

Walang nagawa si Liezel kundi maiyak dahil kinuha lahat ni Jason ang kanyang pera.

Ngunit dahil ma paraan ang misis, nakaipon pa siyang muli mula sa perang pinangpaikot niya sa negosyo.

At nang siya’y makalikom muli ng sapat na halaga, inaantay niyang maiwan silang dalawang mag-ina at doon sila’y nag madaling nagimpake.

Doon nagkaroon ng lakas ng loob si Liezel para makaalis na sa kanyang biyenan at sa asawa niyang mas mahal pa ang kanyang nanay kaysa sa kanya.

Ilang buwan ang lumipas at natunton ni Jason ang kanyang mag-ina.

“Sa wakas, dito ko lang pala kayo makikita,” nakangiting sambit ni Jason.

“Hindi- hindi na kami sasama sa’yo at sa nanay mo,” sagot ni Liezel habang hawak ng mahigpit ang anak.

“Hindi ko kayo aayaing bumalik sa bahay ng nanay ko, pero magmamakaawa ako sa’yo na sana tanggapin mo akong sumama sa inyo ng anak ko,” naiiyak na sagot ni Jason.

Siya’y humingi ng kapatawaran sa kanyang asawa. Nagsisi si Jason dahil humantong pa sa malalang sitwasyon ang kanilang pamilya. Na kung sana ay matagal na silang bumukod, sana’y hindi na sila nag-away pang mag-asawa. Naisip rin ni Jason kung paano niya mas pinanigan ang kanyang nanay kaysa sa babaeng pinili niyang pakasalan.

Napatawad rin naman ni Liezel ang kanyang mister. At mula noon, mas naging payapa na ang kanilang pamilya nang silang tatlo na lamang ang magkakasama.

Naintindihan din naman ng ina ni Jason ang naging desisyon ng kanyang anak na humiwalay na ng tahanan. Kinalaunan ay nagkaayos din sila ni Liezel, at paminsan-minsa’y bumibisita na lamang sa bahay ng anak upang madalaw ang kanyang apo.

Advertisement