Hindi Alam ng Ina ang Lihim na Relasyon ng Dalawa Niyang Anak, Isang Pangyayari ang Magbubunyag sa Sikreto ng Magkapatid

Matagal nang iniwan si Carmen ng kanyang asawa na sumama sa ibang lalaki. Ang kasama niya ay ang kanyang dalawang anak na sina Dino at Hera. Ang tanging ikinabubuhay nilang mag-iina ay ang pagtitinda ni Carmen ng mga bulaklak sa Dangwa.

“Hera, masahehin mo nga ako, ang sakit ng katawan ko!” sabi ni Dino sa kapatid.

“Ano ka ba, kuya kita mong maglalaba pa ako, e!”

“Sige na, minsan lang ako maglambing sa iyo, e,” sabay haplos sa pisngi ng kapatid.

“Sige na nga, kundi lang kita labs, naku!” wika ni Hera.

Habang minamasahe ng dalaga ang kapatid sa likod nito ay kung saan-saan dumadako ang kamay nito hanggang sa mapunta iyon sa puwetang bahagi ng binata at minasahe iyon. Gustung-gusto naman ni Dino ang ginagawa sa kanya ng kapatid.

Ang totoo ay may lihim na relasyon ang dalawa na hindi alam ng kanilang ina.

Nasa kalagitnaan ng pagmamasahe si Hera nang marinig ang boses ng ina.

Advertisement

“Dino, Hera, tulungan niyo nga ako dito sa labas!”

Huminto sa ginagawa si Hera. Nagbihis naman agad si Dino at nagmamadaling nilabas ang ina.

“O, ano’t pawis na pawis kayong dalawa? Ano bang ginagawa niyo?”

“A, e naglinis po ako ng bahay,” palusot ni Dino.

“Ako po, inay maglalaba sana kaso tinawag niyo kami,” wika ni Hera.

“Tulungan niyo muna ako sa mga dala kong mga bulaklak. Dineliber iyan ng supplier ko na ititinda ko sa Dangwa.”

“Opo, inay. Iyan lang naman pala, e!” sabi ng binata.

Nang makapasok na sa loob ng bahay si Carmen ay nagsensyasan pa ang magkapatid at nagbulungan.

Advertisement

“Ituloy mo mamaya, ha?” sabay halik sa pisngi ng kapatid.

“Oo nga, sige na buhatin mo na iyang timbang may lamang mga bulaklak at ipasok mo sa loob. Pagagalitan ka ni inay kapag hindi ka sumunod!”

Hindi naman inaasahan ng mag-iina na may darating sa kanilang buhay.

“Tao po, tao po!” malakas na sigaw ng kumakatok sa pinto.

Agad na binuksan ni Carmen ang pinto para silipin kung sino ang nasa labas ng kanilang bahay.

Nagulat siya nang makita kung sino iyon.

“Iking?” gulat na sabi ng babae.

“Ate, kumusta ka na?” masayang bati ng kapatid na binabae ni Carmen.

Advertisement

“Ito mahirap pa rin! O, bakit ka naparito?”

“Pumunta ako dito sa Maynila para maghanap ng trabaho. Baka naman puwedeng makitira muna ako sa iyo?”

“Oo naman! Ano pa at naging magkapatid tayo? Halika tuloy ka!”

Pinatuloy ni Carmen sa bahay ang kapatid at ipinakilala sa mga anak niya.

“Dino, Hera, ang Tito Iking niyo!”

“Tito, e bakit nakadamit pambabae ka?” natatawang tanong ni Hera.

“Oo nga, e di dapat tita ang itatawag namin sa iyo,” gatong pa ni Dino.

“Hoy, igalang niyo ang tito niyo, ha! Huwag kayong pilosopo,” saway ng ina.

Advertisement

“Tawagin niyo na lang ako kung saan kayo komportable, walang problema iyon sa akin,” sabi ni Iking.

“Ayun naman pala, e. Tawagin ka na lang naming tito-tita,” sabay nagtawanan ulit ang magkapatid.

Habang naghuhugas ng pinggan si Iking ay napansin niyang pumasok sa banyo si Hera na sinundan naman ni Dino. Laking pagtataka ni Iking dahil nagkandado pa ng pinto sa banyo ang magkapatid. Sa una ay hindi niya iyon pinansin dahil alam niyang magkadugo ang dalawa at walang gagawing anuman ngunit habang lumilipas ang araw at tumatagal ang pananatili niya sa bahay ng kapatid ay nagsimula na siyang maghinala.

Isang araw ay hindi sinasadyang makita ni Iking na naghahalikan ang magkapatid. Nanindig ang kanyang balahibo dahil hindi niya akalaing magagawa ito ng kanyang mga pamangkin. Nang araw ding iyon ay kinausap niya ang kapatid.

“Ate, wala ka bang napapansin sa mga anak mo?” tanong nito.

“Bakit, may kalokohan na naman bang ginawa ang dalawang iyon?” balik nitong tanong.

“May kakaiba sa kanila, e…”

“Ano naman iyon?”

Advertisement

“Basta ate, bantayan mo ang mga anak mo.”

Ang hindi alam ni Iking ay narinig ng magkapatid ang sinabi niya kay Carmen.

“Mukhang mabubuko pa tayo ng epal na ‘to, a!” wika ni Dino.

“Dapat na mapalayas natin ang epal na salot na iyan!” gatol ni Hera.

Mabilis na nakaisip ng plano ang dalawa.

Kinaumagahan ay nagulat si Iking nang tawagin siya ni Carmen sa galit na boses.

“Iking, Iking! Halika dito!”

“Ano ba iyon, kay aga-aga ang lakas ng boses mo, ate?”

Advertisement

“Bakit nasa busa ng shorts mo itong antigong singsing ng yumao nating ina?”

“Ate, wala akong alam diyan, hindi ko kinuha iyan,” pagtanggi niya.

“Buti pala at naisipan kong bisitahin ang mga labahin kundi ay hindi ko malalaman ang pagnanakaw mo.”

“Wala nga akong ninanakaw sa iyo. Hindi ko alam kung bakit nasa bulsa ng shorts ko ang singsing na sinasabi mo.”

“Ang ayoko sa lahat ay taong malikot ang kamay kaya ang mabuti pa ay umalis ka na sa bahay ko, Iking. Sa iba ka na lang makituloy o bumalik ka na lang sa probinsya.”

“Ate naman, paniwalaan mo naman ako!”

Nang mapansin ni Iking na nagtatawanan ag magkapatid sa isang sulok. Sa oras na iyon ay may hinala na siya kung sino ang naglagay ng antigong singsing sa bulsa ng shorts niya.

Dahil sarado ang isip ng kapatid ay minabuti niyang umalis sa poder nito at nakituloy na lang sa kakilala niya.

Advertisement

Isang gabi ay aksidenteng nahuli sina Dino at Hera ng nag-iikot na tanod habang sila’y naghahalikan sa gilid ng kalsada.

Agad silang dinampot at inuwi sa kanilang bahay.

“Kayo po ba ang ina ng dalawang ito?” tanong ng tanod.

“Opo, bakit, anong ginawa ng mga anak ko?”

Dahil napansin ng tanod na takot na takot ang dalawa at tila papaiyak na ang dalaga kaya naisipan nitong huwag nang isumbong ang nakita.

“A, e misis gabing-gabi na po kasi at nasa galaan pa ang mga anak niyo. Alam niyo naman na may curfew.”

“Pasensiya na, hayaan mo at pagsasabihan ko sila.”

Nang sumunod na gabi, akala ng magkapatid ay ligtas na sila ngunit muli silang hinarang ng tanod na nakahuli sa kanila at dinala sila sa bahay nila. Wala pa sa oras na iyon ang kanilang ina.

Advertisement

“Bakit po, anong gagawin niyo sa amin?” kinakabahang tanong ni Dino.

“Nabitin kasi ako sa ginagawa niyo kagabi kaya gusto kong ituloy niyo sa harap ko!” utos ng lalaki.

“Parang awa niyo na, huwag po!” pakiusap ni Hera.

Naglabas ng patalim ang tanod at itinutok sa magkapatid.

“Susunod ba kayo o dito ko na tatapusin ang mga buhay niyo?”

Nang biglang dumating si Iking at pinagpapalo ng nadampot na palo-palo ang lalaki ngunit dahil isa pa ring binabae ay madali siya nitong nagantihan. Pinagsusuntok siya ng lalaki at sinakal ng mahigpit sa leeg., buti na lang at dumating din si Carmen at nakitang sinasakal ng tanod ang kapatid. Dali-dali niyang dinampot ang kutsilyo at pinagsasaksak ng paulit-ulit ang tanod hanggang sa mawalan ng buhay.

“Diyos ko, napaslang ko siya!” hintakutang sabi ng babae.

“Hindi ate, hindi mo siya pinaslang,” wika ni Iking.

Advertisement

Ipinaalam nila ang nangyari sa pulisya. Laking gulat ni Carmen nang akuin ni Iking ang pagpaslang sa tanod.

“Iking, bakit mo inamin? Wala kang kasalanan, ako ang totoong may sala,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Carmen.

“Pst. Huwag kang maingay! Ayokong makulong ka, ate. Paano na ang mga anak mo kung makukulong ka ngayong mas kailangan nila ang gabay mo bilang ina.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Sa puntong iyon ay naroon din ang magkapatid at inamin sa ina ang totoong relasyon nila. Ipinagtapat din ng dalawa na sila ang may kagagawan ng paglalagay ng antigong singsing sa bulsa ng shorts ng kanilang tiyuhin.

Laking pagsisisi ni Carmen sa hindi niya pagtutok at paggabay sa mga anak. Gusto niyang magalit sa ginawa ng mga ito ngunit ano pa ang magagawa ng galit niya? Nangyari na ang nangyari.

“Patawarin niyo kami, inay. Hindi namin sinasadya ni kuya na may maramdaman sa isa’t isa,” sabi ni Hera.

“Sorry po, inay, hindi na namin uulitin!” wika naman ni Dino.

Advertisement

“Talagang hindi na, dahil kasalanan iyon sa Diyos. Magkapatid kayo at magkadugo kaya hindi nararapat!” aniya.

Nakulong si Iking sa kasalanang ginawa ngunit napawalang sala din matapos mapatunayang self defense lang ang nangyari. Humingi rin ng tawad si Carmen sa kapatid nang pagbintangan niya itong magnanakaw. Nagpasalamat din ito kay Iking sa ginawa nitong sakripisyo para sa kanya.

Mula noon ay pinutol na nina Dino at Hera kung anuman ang namamagitan sa kanila. Nagkaroon na rin ng panahon si Carmen sa mga anak at mas lalong tumibay ang relasyon nila ni Iking bilang magkapatid.