Inday Trending

Inday Trending

Akala ng mga Nanay na Ito ay Magiging Magbalae na Sila Ngunit Matutuklasan Nilang Ibang Relasyon Pala ang Nabuo ng Kanilang mga Anak, Ano Kaya ito?

Akala ng mga Nanay na Ito ay Magiging Magbalae na Sila Ngunit Matutuklasan Nilang Ibang Relasyon Pala ang Nabuo ng Kanilang mga Anak, Ano Kaya ito?
FamilyFunStories

Bata pa lamang ang kanilang mga anak ay magbalae na ang tawagan nila Aling Elma at Aling Nori. Simula kasi noong naging magkasosyo sila sa negosyong babuyan at gulayan na pwesto sa talipapa ay naging matalik na ring magkaibigan ang mga ito. Halos magka-edad rin ang kanilang mga bunsong anak at napakalapit nito sa isat-isa.

“Alam mo balae, nakikinita ko na talagang magkakatuluyan ang mga anak natin,” wika ni Aling Elma habang parehas na pinapanood ang kanilang mga anak na sabay na naliligo sa dagat.

Image courtesy of www.google.com

“Oo nga e, kita mo kahit bata pa ay may kilig factor na sa kanila. Pogi at maganda tapos magbestfriend pa ang mga ina, kaya perfect!” masayang pahayag naman ni Aling Nori.

Image courtesy of www.google.com

“Joy, paglaki kaya natin ganito pa rin kaya tayo?” tanong ni Rexnil, ang anak ni Aling Elma.

“Syempre hindi na, hindi na tayo pwedeng maligo ng nakahubad kasi malaki na tayo katulad nila mama at papa,” tumawatang sagot ni Joy sa lalaki at lalo pa silang naglaro ng tubig dagat.

Image courtesy of www.google.com

Parehas na nasa grade 3 na ang dalawa at magsasampung taong gulang na rin. Nakalakihan na nila ang pagkakasundo sa kanila ng kanilang mga magulang kaya naman nasanay na lang rin silang laging magkasama.

“Oh hawak kamay na, tapos tingin kay mama!” sigaw ni Aling Nori sa mga bata sabay kuha ng litrato sa mga ito.

Lumipas pa ang maraming taon at ngayon ay magtatapos na ng elementarya ang dalawa.

“Uy Rexnil, may gf kana pala e, si Joy,” wika ni Maben isa sa mga kaklase ng batang lalaki.

“Hindi, lagi lang kaming inaasar ng iba nating kaklase pero hindi ko iyon gf,” tanggi naman ni Rexnil sa kaklase.

“E bakit lagi kayong magkasama tapos lagi pa kayong magkahawak kamay, minsan din naka-akbay ka pa sa kaniya. Kalat na nga dito sa school na kayo na daw at ipapakasal na rin kayo ng mga nanay niyo!” dagdag pa ng lalaki.

Natawa si Rexnil sa narinig. “Hindi nga, maniwala ka! Magkaibigan lang kami,” aniya.

Sabay na nagmartsa ang dalawa sa entablado, nagpakuha ng litrato at sabay ring pumasok sa high school at kolehiyo. Ngayon na nagdalaga at nagbinata na ang dalawa ay hindi pa rin nagbago ang turing nila sa isat-isa kaya labis na natutuwa ang kanilang mga magulang.

Gusto na ngang paghandaan ng kanilang mga nanay ang magiging kasal ng mga ito para naman maranasan na rin nila ang magka-apo, parehas kasing mga only child ang anak kaya’t sobrang excited na ang dalawang nanay.

“Mga anak, pagkatapos niyo ng kolehiyo eh pwede na nating ayusin ang magiging kasal niyo!” masiglang pahayag ni Aling Elma sa dalawa habang ito ay nagmemeryenda ng pizza.

Image courtesy of www.google.com

Halos mabulunan ang dalawang bata sa narinig mula sa ale.

“Kasal? Anong kasal?” mabilis na bulyaw ni Rexnil sa kaniyang ina.

“E di ba’t gusto niyo naman ang isat-isa at hindi naman kami hadlang doon dahil iyon naman talaga ang plano namin ng balae kong si Nori. Kaya nga kami na ang mag-aasikaso sa kasal niyo para naman magka-apo na kami! Isa pa malalaki na rin kayo, malapit na kayong magtapos ng kolehiyo,”paliwanag ng ale.

Parehas na nagtawanan ang dalawang bata. “Alam din naman naming lumalim na ang pagtingin niyo sa isat-isa. Mula nang bata pa kayo ay ganyan na kayo ka-sweet kahit pa nga ngayong may mga isip na kayo e ganyan pa rin kayo,” dagdag pang muli ng ale.

Sakto namang dumating si Aling Nori na may dalang softdrinks at agad na nakisawsaw sa usapan saka sinalin ang inumin sa baso.

Image courtesy of www.google.com

“Oo nga naman Rexnil, anak. Hindi niyo na kailangan pang ilihim sa amin dahil kahit wala kaming naririnig sa inyo ay halata namang kayo rin ang magkakatuluyan! Di ba, Joy?” sambit pa ng ale.

“Teka nga, mama! Teka lang talaga, ako na mauuna!” tumatawang sagot ni Joy.

“Akala namin ni Rexnil e biruan niyo lang iyang pagiging magbalae niyo, yun pala seryoso ‘yan? Tsaka hindi kami magpapakasal ni Rexnil kasi hindi naman namin type ang isat-isa!” bulalas ng dalaga sabay lagok sa kaniyang inumin.

“E bakit ang sweet, sweet nyo? Parati kayong sabay na pumasok, parehas kayo ng kursong kinuha at wala naman kayong mga pinapakilalang mga nobyo at nobya!” wika naman ni Aling Elma.

“E kasi nga nasanay na kami sa pagpapalaki niyo sa amin. Ang buong akala namin, ang gusto niyo ay ituring naming magkapatid ang isat-isa dahil parehas kaming mga only child, hindi naman namin inaasahang mag-asawa pala ang gusto niyo!” saad naman ni Rexnil.

“Magkapatid lang ang turing namin sa isat-isa, mama! Hindi mag-jowa! At hindi kailanman hihigit pa doon dahil mas masaya ang magkaroon ng kapatid kaysa sa karelasyong pwede kang iwan kahit kailan,” dagdag pa ng binata sabay yakap niya kay Joy.

Image courtesy of www.google.com

“Huwag kayong mag-alala, ‘yong apo at mga asawa namin ay darating rin sa tamang panahon. Pero ngayon, mas importante sa amin ang matupad ang mga pangarap namin!” wika naman ni Joy.

Hindi man natupad ang pangarap na maging magbalae ng dalawang ito ay masayan naman nilang nalaman na ganoon pala ang turing ng kanilang mga anak sa isat-isa. Kaya naman tinigilan na nila ang pagtawag ng balae at sinuportahan na lang ang mga anak.

Ngayong nakapagtapos na ng kolehiyo ang mga ito ay parehas naman silang nagtratrabaho ngunit magkaiba ang kanilang opisina at lahat ng mga pumoporma kay Joy ay nauunang kilatisin ni Rexnil at ganoon rin si Joy sa lalaki. Hindi man pag-ibig bilang mag-asawa ang nabuo sa dalawa ay labis pa rin nilang ipinagpapasalamat ang nangyari dahil doon nakakita sila ng taong magiging kasangga nila maliban sa kanilang mga magulang.

More Stories