Sawang-sawa na ang Babaeng Ito na Sumagot sa Tanong na Kelan Siya Mag-aasawa, Kaya Nagpanggap na Lang Silang Magkasintahan ng Lalaking Nireto sa Kaniya. Saan Kaya Mauuwi ang  Pagkukunwari Nila?

Sawang-sawa na ang Babaeng Ito na Sumagot sa Tanong na Kelan Siya Mag-aasawa, Kaya Nagpanggap na Lang Silang Magkasintahan ng Lalaking Nireto sa Kaniya. Saan Kaya Mauuwi ang Pagkukunwari Nila?

FunLoveStories

Masaya sa buhay ang dalagang si Edna, bukod kasi sa napagtapos niya ng pag-aaral ang mga kapatid ay maisasama na niya ngayon ang kanyang magulang dito sa Maynila. Tapos na kasi ng dalagang bayaran ang kinuhang bahay sa PAG-IBIG ngunit may isang bagay pala siyang nakaligtaan at ito daw ay ang kaniyang edad.

Image courtesy ofwww.google.com

“Hala ate,seryoso ka? 30 anyos ka na? E pag pinagtabi tayo ay mas mukha pa akong matanda sa’yo,” wika ni Vivian ang bagong partner ng dalaga.

“Naku ikaw ha, binola mo pa ako. Wag kang mag-alala, mabait naman ako kaya di mo na ako kailangan pang utuin,” baling naman ni Edna.

Halos mag lilimang taon na rin siya sa pinapasukang trabaho, sekretarya siya ng presidente ng kumpanya at malaki ang sinasahod nito kaya nga nasuportahan niya ang kulang na pinansyal ng kanilang pamilya.

“Hindi nga ate, promise. Mukha ka lang 25 anyos, ang kinis ng balat mo at ang sexy mo pa po. Samantalang ako ay 22 anyos lang pero laging napagkakamalang 30 anyos na, hirap ng may anak na tatlo!” wika naman ni Vivian.

“Pero teka, bakit wala ka pang asawa?” dagdag na wika ng babae.

“Hay naku, kung gusto mong magtagal sa trabaho mo wag mo na akong tatanungin niyan!” saad naman ni Edna at natawa.

Sawang-sawa na kasi siya sa kakasagot sa tanong na kung kelan raw siya mag-aasawa. Halos lahat na lang yata ng nakakakilala sa kaniya ay hindi pangangamusta ang inuuna kundi ang pagtatanong kung kelan daw ba siya magsusuot ng bestidang puti at maglalakad sa simbahan.

“Matalino, maganda, successful, sexy. Shet naman girl, nasa ‘yo na ang lahat bakit ba ayaw mo pa ring magjowa?” tanong ni Vivian, ang matalik na kaibigan ng babae.

Image courtesy ofwww.google.com

“Alam mo panira ka rin talaga ng araw e, ano? Kakatanong lang sa akin niyan kanina noong bagong hire na partner ko, gusto ko nang sisantehin agad e. Hindi sa ayaw kong magjowa, wala lang talaga akong makita na maijojowa!” baling naman ng babae.

“Isa pa, lahat ng batchmates ko may asawa na, yung nandito naman sa office kung hindi mas bata sa akin ay may sabit na rin. Sa labas naman, baka makatagpo pa ako ng baliw o kung sino na di ko naman kilala kaya wala na lang. Shut-up na lang ako and I’m gonna enjoy this life!” wika pang muli ni Edna.

“E pano yan, magrereunion na naman tayo next month. For sure ma-iistress ka na naman dahil ikaw ang magiging topic at ‘yang pagiging matanda mong dalaga!” pahayag naman ni Vivian.

Kahit na nagka-edad na si Elaine ay mataas pa rin ang kaniyang pamantayan sa lalaki, hindi siya pumapatol sa mas bata sa kaniya, sa may asawa o may anak at lalong lalo na sa hindi niya kakilala. Meron din itong paniniwala na dapat ligawan muna siya sa loob ng anim na buwan ng lalaki bago niya ito sagutin upang makita niya kung bagay ba talaga sila.

“Kaya subukan mo na kasi yung pinsan ko, bata lang naman sa iyo ng dalawang taon. Kung hindi magwork e di let go. Kilala ko yun at matagal ka nang type ng tao,” dagdag pa ni Vivian sabay pakita sa litrato ng kaniyang pinsan.

Image courtesy ofwww.google.com

“Oh sige na, ibigay mo na ang number ko at mag papaka-ate na lang ako diyan sa pinsan mo!” sagot naman nito na nakataas ang kilay.

Binigay na nga ni Vivian ang numero ni Edna sa pinsan niyang si Leo. Ilang text ang ginawa ng lalaki ngunit hindi naman sumasagot si Edna, tamang smile at thank you lang ito parati.

“Sa wakas, nakita rin kita,” bulong ni Leo kay Edna, nagpunta kasi ito ng reunion dahil sinabi sa kaniya ni Vivian.

“Ako nga pala si Leo, yung pinsan ni Vivian. Pinapunta niya ako para maging date mo daw,” dagdag pa nito sabay abot ng kanyang kamay at inabot rin ni Edna ang kaniya.

Image courtesy ofwww.google.com

“Ah, ikaw pala. S’ya maupo ka diyan, kuwentuhan mo na lang ako tungkol sa buhay mo,” sagot ni Edna na halatang walang gana.

“Ganito na lang, para hindi ka na nila pag-usapan, bakit hindi tayo magpanggap na magkasintahan? Kahit ngayong gabi lang, sabi kasi sa akin ni Vivian ay magmumukmok ka lang katulad ng ginagawa mo ngayon dahil topic ka na naman ng lahat ng tao at umiiwas ka na sa tanong nila,” nakangiting saad ng lalaki.

“Naku! Yan talagang si Vivian kung ano-ano ang iniisip. Oh siya, dahil mukhang mapilit ka naman, sige kunwari tayo,” mabilis na pumayag ang dalaga.

Nagsayaw sila buong gabi at kapag may nagtanong ay agad nilang sinasabi na nobyo niya ang lalaki, biglang naging sweet ang tugtog at mabilis na kinuha ni Leo ang kamay ni Edna at inilagay ito sa kaniyang leeg saka niya dinala sa gitna ng dance floor,“Kalma ka lang, nakatingin silang lahat,” wika ng lalaki sabay marahan na hinawakan niya sa bewang si Edna at yumuko lang naman ang babae sa kaniyang balikat.

Image courtesy ofwww.google.com

Napalunok ng laway ang dalaga at alam niyang namula ang kaniyang pisngi, halos pitong taon na rin ang nakakalipas nang maramdaman niya ang ganoong kaba. Hinayaan niya lang na isayaw siya ni Leo at tinitigan niya sa mata ang binata, doon niya napagtantong gwapo pala ang lalaki at lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib.

“Hoy puso, mas bata siya sa’yo bakit ka ganyan kung tumibok?!” bulong ni Edna sa kaniyang isipan.

“Sana pagkatapos nito ay maging tayo talaga,” bulong ni Leo sa babae at mas lalo pang kinabahan si Edna at hindi na siya makatayo pa ng maayos. Kaya naman bumitaw siya at nagsabing kailangan niyang mag-banyo ngunit bago pa man nakalayo si Edna ay agad siyang hinatak ni Leo at bigla itong hinalikan, nanigas ang katawan ni Edna at sandali niyang dinama ang labi ng lalaki saka sinampal ng malakas sabay alis ng babae.

Image courtesy ofwww.google.com

Kinaumagahan ay tadtad ng text ang telepono ng dalaga galing sa kaibigang si Vivian at puro sorry ito.

Image courtesy ofwww.google.com

“Bakla, sorry na. Sinabi kasi sa’kin ni Leo kung anong kahunghangan ang ginagawa niya. Matagal ka na kasi talagang type nun girl, kaya ayun. Feeling daw niya kasi kailangan niyong magkiss para maramdaman mo rin raw yung chemistry na nananalaytay sa dugo niya. Sorry na,” wika ng babae na sinundo pa siya sa kaniyang bahay upang pumasok sa trabaho.

“Alam mo Vivian sa totoo lang, naramdaman ko yun. Pero wala kasi sa standards ko ang katulad ni Leo, natatakot ako,” wika pa ni Edna.

“Hala siya ohh! Kinikilig ako! Itapon mo na iyang standards mo ate girl! Kahit ngayon lang, hayaan mo lang na mag-enjoy ka sa company ni Leo, mabait naman yung tao at mapapangako ko iyon,” baling naman ni Vivian dito.

“Okay,” nakangiting sagot ni Edna. Ito ang kauna-unahang lalaking papatulan niya na wala sa kaniyang pamantayan at doon niya napagtantong mas masaya pala ang buhay kung hindi ito masyadong planado.

Sinagot niya kaagad si Leo at pinakilala sa magulang, wala pa yatang isang taon ay nagyaya nang magpakasal ang lalaki na agad namang tinanggap ni Edna, kahit siya ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari at tinawanan na lang ang kaniyang sarili dahil ngayon lang siya sumaya ng labis.

“Bakit kaya naging tayo?” tanong ni Edna sa lalaki.

“Kasi ikaw at ako, nakatadhan na tayo,” sagot naman ni Leo at pinagdikit ang kanilang palad.

“Sus, e wala ka naman sa standards ko. Pero bat ganun? Ayos lang pala kahit mas bata ka sa akin o hindi nasunod ang ibang gusto ko,” tumatawang wika ni Edna.

“Takot ka lang sumugal noon dahil iniisip mo na dahil naghintay ka na nang matagal e ayaw mo nang magkamali pa. Kaya tumaas ng tumaas ang standards mo para naman hindi ka masabihan ng masama ng mga tao, tama ba?” tanong ni Leo.

“Mmm, oo tama ka,” tumawa naman si Edna.

“Pero dahil naghintay ka ng matagal kaya biniyayaan ka ng Diyos. Ibinigay niya ako sa’yo!” wika naman ni Leo sabay dikit ng kanilang mga ilong.

Ngayon ay mag-asawa na ang dalawa at masayang nagsasama. Matagal man ang paghihintay ni Edna at hindi man ito pumasa sa mga itinakda niya, totoo palang kapag puso na ang umibig ay hindi na natin ito mapipigil pa.

More Stories