Sumasakit ang Maselang Parte ng Bata; Mabubunyag Pala ang Isang Madilim na Sikreto
“Charlie! Nasaan ka bang bata ka?!” sigaw ni Vicky.
Pagod na pagod si Vicky galing sa palengke at hinahanap niya ang anak na si Charlie, ngunit hindi niya mahagilap ang bata. Nang puntahan nito ang kuwarto ng anak…
“Narito ka lang pala! Kanina pa kita tinatawag ah!”
Nakita niya ang hinahanap na nakatalukbong ng kumot at namamaluktot sa kama.
“Charlie, tinatanong kita! Ano’t nakasubsob ka diyan, hindi ka pa ba babangon? Tanghali na!” inis niyang sabi.
”Ma, sakit puwet ko!” anito.
“Ano?”
“Ma, masakit po ang puwet ko!”
Gustong matawa ni Vicky sa sinabi ng anak ngunit pinigilan niya ang sarili.
“Baka naman kasi pinipilit mong dumumi kahit wala namang lumalabas! Ito talagang batang ‘to, hala pahiran mo ng mansanilya iyang puwet mo nang mawala ang sakit,” utos niya.
Agad namang bumangon ang bata sa kama at kinuha ang maliit na bote ng mansanilya sa cabinet. Kumuha ito ng bulak at pinatakan ng kaunting patak ng mansanilya at ipinahid sa masakit na parte.
Maya-maya ay tinawag na ito ni Vicky para kumain ng tanghalian ngunit kahit sa hapag-kainan ay matamlay ang anak.
“Bakit, hindi mo ba gusto ang ulam?”
Hindi kumikibo si Charlie. Nilalaro-laro lang nito ang pagkain sa plato.
Nilapitan niya ang anak at hinipo sa leeg.
“Wala ka namang lagnat, e! Bakit ang tamlay mong kumain?”
Dahil sa hindi makausap ang bata ay pinapasok na lang niya ito sa kuwarto.
Habang nasa sala ay kausap ni Vicky ang asawang si Romnick sa cell phone. Ikinuwento niya ang tungkol sa ikinikilos ng anak.
“Hon, nag-aalala ako kay Charlie. Walang ganang kumain at sinasabing may masakit daw sa kanya.”
“Ano naman daw ang masakit?” tanong ng kausap.
“Masakit daw ang puwet niya!”
“Ano kamo? Masakit ang puwet? Haha!” natatawang wika ng lalaki.
“Ano’t natatawa ka, hon? E, iyon daw ang nararamdaman ng anak mo ‘no!”
“Baka naman kasi may naupuan lang na matigas na bagay tapos nagkasugat! Binilhan mo na ba ng gamot?”
“Pinahiran na raw niya ng mansanilya kanina. Pero parang hindi umepekto kasi tahimik at wala pa ring gana ang bata.”
Napabuntong-hininga na lang si Romnick sa kabilang linya.
“O s’ya, hintayin niyo akong dumating at ipapacheck-up natin siya sa doktor,” anito.
“Sige, mabuti pa nga!” aniya.
Nakahiga na sa kama si Vicky nang biglang kumatok ng ubod lakas sa pinto ang anak. Napabalikwas tuloy siya ng bangon.
“O, anong problema, anak?”
“Ma, may dugo po ang puwet ko!”
Ipinakita sa kanya ni Charlie ang brief nitong may bahid ng dugo.
“Saan nanggaling ‘to?” nag-aalala niyang tanong.
Hindi sumagot ang bata, halatang takot ito at kinakabahan.
“Magsabi ka nga sa aking bata ka! Ano ba talagang nararamdaman mo sa may kuwan mo?”
“Masakit po!”
Nakaramdam na rin ng kaba si Vicky kaya nagdesisyon siyang samahan na ito sa ospital kahit hindi pa bumabalik galing sa trabaho ang kanyang asawa.
Pagbaba nila sa tricycle ay nagmamadali siyang nagtanong sa nurse station kung saan maaaring ipatingin ang anak. Dahil may pambayad ay agad silang inasikaso ng nurse at iniskedyul sa doktor na titingin sa bata. Di nagtagal ay tinawag na sila ng doktor para sa konsultasyon.
“Ano po ba ang nararamdaman ng anak niyo?” tanong ng doktor.
“Masakit daw po ang puwet niya, dok. Tapos may dugo po ang salawal niya.”
Napakunot ang noo ng doktor sa sinabi ni Vicky. Agad nitong sinuri ang parteng iniinda ng bata.
Mayamaya ay seryoso siya nitong kinausap.
“Base sa aking pagsusuri, may sugat ang parteng iyon ng anak mo dahil ito ay naimpeksyon.”
“Impeksyon? Pero paano pong nangyari iyon?”
Huminga muna ng malalim ang lalaking doktor saka muling nagsalita.
“May kung anong malaki at matigas na bagay na pilit na ipinasok sa puwet ng anak mo, misis. Hindi ko lang mawari kung ano,” paliwanag pa nito.
“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo? Anong nangyari sa ano mo at nagkaroon ng sugat?” seryosong tanong sa anak.
“Ma, may ipinasok po kasi sakin si Kuya Didoy…”
“A-anong ipinasok niya sa iyo?”
Kinapa ni Charlie ang kanyang harapan at sinabi kung ano ang ipinasok sa kanya.
“Ito po!”
Hindi makapaniwala si Vicky sa rebelasyon ng anak. Agad siyang tumawag sa pulisya at ipinadakip si Didoy na dati nilang houseboy. Napag-alaman niyang pinagsamantalahan ng lalaki ang kanyang anak kaya nagkaroon ng impeksyon sa maselang parte ng katawan nito.
Umamin si Didoy na ginagalaw niya ang bata tuwing wala silang mag-asawa. Halos madurog ang puso ni Vicky sa nalaman. Naging biktima na pala ng karahasan ang anak ay wala pa silang kaalam-alam.
“Pasensyahan tayo, Didoy, dahil sa ginawa mo sa anak ko ay pagdusahan mo ang kahayupang ginawa mo sa loob ng kulungan!” aniya.
Nagmakaawa ang lalaki ngunit desidido siyang sampahan ito ng kaso para mabigyan ng katarungan ang pambababoy nito sa pitong taong gulang niyang anak na si Charlie. Dahil sa pag-amin ni Didoy ay napatunayan itong nagkasala sa batas at nakulong.
Samantala, nadala naman sa gamot ang impeksyong dulot ng kawalanghiyaan ni Didoy kaya nanumbalik ang dating sigla ni Charlie, pero ang madilim na karanasan na pinagdaanan ng bata ay mananatiling nakatatak hanggang sa paglaki nito ngunit nakahanda naman ang mag-asawang Vicky at Romnick na gabayan at alalayan ang anak para muling bumangon at ipagpatuloy ang buhay.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!