Inday TrendingInday Trending
Nagrebelde ang Binata Nang Malamang Mag-a-asawa na ng Hapon ang Nanay Niyang OFW, Natauhan Siya nang Makilala Nang Lubusan ang Amain

Nagrebelde ang Binata Nang Malamang Mag-a-asawa na ng Hapon ang Nanay Niyang OFW, Natauhan Siya nang Makilala Nang Lubusan ang Amain

Mula nang iwan sila ng kanyang ama ay napilitang mangibang bansa ang ina ni Jb, tatlong taon lamang siya ng iwanan siya nito sa kanyang lolo at lola. Makalipas ang labingtatlong taon na pagpapabalik- balik ng kanyang ina sa Japan ay nakakilala ito ng bagong mapapangasawa.

“Mag-aasawa ka nanaman? Tapos ano? Iiwan mo na ako dito ng tuluyan?” Galit na wika ni Jb.

“Anak hindi totoo iyan, pagkatapos mo sa pagaaral ay pwede ka ng sumunod doon sa akin.” Paliwanag ni Precy, ang kaniyang ina.

“Susunod ako sa iyo tapos may bago ka nang pamilya? Huwag na lang, dito na lang ako.”

Umalis na ang ina ni Jb na malungkot. Bagaman tutol ang anak ay itinuloy niya ang pagpapakasal sa hapon na kasintahan. Bagay na lalong nagpaalab ng galit sa puso ng binate.

“Jb apo, nababalitaan namin na hindi ka raw pumapasok sa eskwela, may problema ka ba?” Tanong ng kaniyang lola.

“Pumapasok naman po ako lola wag kayong maniwala diyan.”

Dahil sa katandaan ng kaniyang lolo’t lola ay hindi na magawa ng mga ito na bantayan siya sa lahat ng oras, maliban doon ay nagbibinata na si Jb at gumagawa na siya ng sarili niyang mga desisyon.

“Tol! Nagpadala yung nanay ko kahapon, sagot ko na pulutan natin mamaya, tara na sa bilyaran. Yayain mo na ang barkada.” Wika ni Jb sa kaibigan.

“Yan naman ang gusto ko sayo tol, sige itetext ko sila na doon na tayo magkita.”

Hindi na halos nakakapasok si Jb dahil sa pagbubulakbol, pakiramdam niya ay wala naman na siyang kinabukasan dahil iniwan na siya ng ina, wala rin siyang balak na sumunod pa rito sa Japan. Buo ang loob niyang sirain na lamang ang kaniyang buhay.

Samantala, pinipilit pa rin ni Precy ipaintindi sa anak ang kaniyang naging desisyon, nais sana niyang kilalanin nito ang napangasawa dahil mabait naman ito at nais din nitong makilala siya.

“Nay, nandiyan na po ba si Jb? Magaalas-dose na at nagaalala na ako.” Minsang wika niya sa inang kausap sa telepono.

“Anak ito kakarating lang niya at mukang lasing, sinubukan kong ibigay sa kaniya ang telepono pero ayaw ka daw niya makausap.” Sagot naman nito.

Sa pagdaan ng araw ay lalo pang naging bulakbol si Jb, natuto na siyang manigarilyo kasabay ng bisyong paginom ng alak, kung wala sa paaralan ay nasa bilyaran lamang siya kasama ang barkada.

Minsang naglalaro ay nakaaway ng kaniyang grupo ang isa pang grupo at nagsimula ang isang rambol. Suntok dito suntok doon, pinagtulungan si Jb ng dalawang lalaki at hindi siya makalaban. Duguan man ay hindi siya tinigilan ng mga ito hanggang sa mawalan siya ng malay.

“Jb, anak gumising ka na para mo ng awa. Patawarin mo na ako.” Bulong ng kaniyang ina na agarang umuwi nang mabalitaan ang nangyari sa kaniya.

“Ma, bakit nandito ka? Nasan tayo?” Tanong niya.

“Isinugod ka dito kahapon anak, isang araw ka nang walang malay.” Umiiyak na sagot nito.

Kasama ng kaniyang ina ang asawang hapon na labis ding nagaalala para sa kaniya. Dalawang araw pa ang lumipas at pinayagan na siya ng doktor na umuwi.

“Anak naman, tigilan mo na ang pagbibisyo mo, yan ang ikakapahamak mo.”

“Kaya ko sarili ko ma, tsaka ngayon lang naman nangyari ito.”

Dalawang linggong mananatili ang kaniyang ina at ang asawa nito sa kanilang bahay. Sa mga panahong ito ay nakilala niya ang tunay na ugali ng asawa ng ina. Nabatid ni Jb na mabuti itong tao at totoong nagaalala rin ito para sa kaniya.

“Your mother loves you Jb, and I care for you too. I hope we can forget the past.” Wika nito sa kaniya.

“Do you really love her?” Tanong niya

“I really do, I love her family too including you.”

Tila natauhan si Jb sa mga narinig, pinagisipan niyang mabuti ang mga pagrerebeldeng ginawa at natanto niyang wala naman itong naidudulot na mabuti para sa kaniya. Binago niya ang kaniyang pamumuhay at nagaral ng mabuti, nang magtagal ay sumunod na sa ina sa Japan, paminsan ay umuuwi sila upang dalawin ang naiwang lolo at lola.

Natutunan ni Jb na tanggapin ang asawa ng ina at paglaon ay itinuring niya itong pangalawang ama at naging masaya ang kanilang pamumuhay hanggang sa siya ay nagkaroon ng sariling pamilya.

Ang pamilya lamang ang ating maaring maging sandalan, anumang kamalian ang ating gawin ay patuloy nila tayong tatanggapin at iintindihin.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement