Inday TrendingInday Trending
Hininging Kapalit ng Doktor ang Magandang Misis Upang Maisalba ang Anak na may Malubhang Karamdaman; Wala Mang Pinag-aralan ay Naisahan pa rin Ito ng Mister

Hininging Kapalit ng Doktor ang Magandang Misis Upang Maisalba ang Anak na may Malubhang Karamdaman; Wala Mang Pinag-aralan ay Naisahan pa rin Ito ng Mister

“Nanay, napakasakit na ng ulo ko. Hindi ko na po kaya. Dalhin niyo na ako sa ospital.” Saad ng kaisa-isang anak na si Nilo.

“Nak, nahihilo at nasusuka ako. Hintayin natin sandali si Papa mo para makapunta na tayo ng ospital.” Wika ng nag-aalalang si Glenda sa anak.Bigla siyang napatayo sa kinauupuan nang makitang nangingisay ang payat na payat na anak.

“Diyos ko, anak. Ano’ng nangyayari sa iyo? Panginoon ko, sana makabalik na si Joven mula sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ka madadala sa ospital.” At dahil hilong-hilo ay tuluyan nang nawalan ng malay si Glenda.Maya-maya’y dumating na si Joven at nadatnan ang mag-inang parehong walang malay.

“Tulong! Tulungan niyo ako! Ang mag-ina ko!”Agad namang sumaklolo ang mga kapitbahay at pinagtulungang buhatin ang mag-ina.

Halos paliparin ng traysikel drayber ang traysikel na minamaneho. Tila humihina na ang pulso ni Nilo.

Bigla namang nagkamalay si Glenda at agad itong bumangon at nag-iiiyak.”Buntis po ang asawa ninyo. Hindi ho ba kayo nagtataka na tatlong buwan na siyang hindi dinadatnan?”

Hindi naman makapaniwala si Joven ngunit imbes na matuwa ay lalo pa itong nag-alala. Siguro’y sa pagaalala ni Glenda’y hindi na nito sinabi sa kanyang nagdadalang tao ito. Palibhasa’y ultimo pangkain sa araw-araw ay pinuproblema nila.

“Kamusta na kaya si Nilo ko?” Saad niya sa sarili.

Agad namang ipinaliwanag ng isa pang doktor ang kalagayan ni Nilo. May malubha na pala itong karamdaman at kinakailangang agad maoperahan.Hindi na malaman ni Joven ang gagawin, maliit lamang ang kinikita niya sa pagiging tubero at hindi niya alam kung saan kukuha ng malaking halaga upang mapaoperahan ang anak.

Tila batid ng isang matandang doktor ang nasa isip ng pobreng ama.Inanyayahan siya nitong kumain sa maliit na kantina ng ospital.”Joven, alam kong litong-lito ka sa iyong sitwasyon. Kaya nakaisip ako ng solusyon.” Saad ng may edad nang si Dr. Policarpio.

“Ipaubaya mo na sa akin ang misis at magiging anak ninyo. Ako ang sasagot sa lahat ng gastusin ng mag-ina mo dito sa ospital. Tandaan mo, kailangang maoperahan ni Nilo sa lalong madaling panahon. Huwag ka na lamang magpapakita sa asawa mo pagkatapos ng operasyon ni Nilo. Aakuin ko ang responsibilidad mo kay Glenda, ituturing ko siyang asawa at magpapaka-ama ako sa magiging anak namin.”

Halos masiraan ng ulo si Joven sa narinig. Tila may sakit yata sa pag-iisip ang doktor na ito.

“Hindi maaari. Nasisiraan ka yata ng bait! Mahal na mahal ko ang asawa ko lalo pa’t magkakaroon kami ng isa pang supling.” Galit na saad ni Joven.Agad namang ngumisi ang doktor. “Sige, tignan lang natin kung hanggang saan ang galing mo. Kapag hindi pa naoperahan ang anak mo ngayong araw ay mataas ang posibilidad na mawalan ka ng anak.”

Sasagot pa sana si Joven ngunit narinig niya sa speaker phone na tinatawag na ang kaniyang pangalan.

“Sir, lalong humihina ang tibok ng puso ng anak ninyo. Kailangang maoperahan na siya ngayon din.”

Wala nang nagawa si Joven nang makita niyang nangingitim na ang labi ng anak. Sising-sisi siya na sa pangpribadong ospital ipinasok ang anak ngunit kung lumayo pa sila’y baka hindi na ito umabot ng buhay.

Kinabukasan ay natapos na ang operasyon at ibinalitang nasa maayos na kundisyon na si Nilo.

“Oh, paano ba ‘yan? Inayos ko na ang mga bayarin mo dito sa ospital. Pagkatapos ng isang linggo ay puwede na kayong umuwi ni Nilo. Ito ang 50,000 panggastos niyo. Ayusin mo ang buhay mo.” Saad ni Dr. Policarpio.

Naiwan namang nakatulala si Joven sa isang sulok hawak ang 50,000.

“Iniwan ka na ng asawa mo. Inabandona ka nang malamang buntis ka.” Saad ng matandang doktor.

Hindi naman makapaniwala si Glenda sa narinig.

“Ho??? Ang hirap namang paniwalaan ng sinasabi ninyo. Hindi iyan magagawa sa akin ng asawa ko!” Lumuluhang tugon ni Glenda.

“Bahala ka. Maghintay ka sa wala.” Giit ng doktor.

Halos dalawang lingo nang nakahilata lamang si Glenda sa ospital ngunit ni anino ng asawa’y hindi niya nasilayan.

“Huwag kang mag-alala. Nandito naman ako. Ako na ang aako diyan sa dinadala mo.” Saad ng doktor sabay ngiti sa napakagandang si Glenda.

Hinihimas pa nito ang ulo ng buntis.

Maya-maya’y nanlaki ang mga mata ng doktor sa nakita.

Naroon sa ospital si Joven kasama ang masigla nang si Nilo.

Agad niya itong sinalubong upang hindi ito makita ni Glenda.

“Hindi ka marunong tumupad sa usapan!” Bulong niya kay Joven.”Gusto mo bang ipatumba kita? Sampung libo lang, may alam akong puwedeng mag-abang sa yo diyan sa kanto! Di ba sinabi ko na sa ‘yong huwag ka nang magpapakita sa asawa mo?! Tandaan mo, utang mo sa akin ang buhay niyang anak mo!”

Imbes matakot sa pagbabanta ng doktor ay nakangiti pa si Joven.May nakakabit na pala ditong rekorder mula sa mga pulis.

Maya-maya’y may lumapit na mga unipormadong kalalakihan sa matandang doktor at pinosasan Ito.

“Inaaresto ka namin sa salang medical malpractice at panunuhol. Patong-patong na ang kaso mo!”

Agad namang niyakap ni Joven ang buntis na misis. Tuwang-tuwa si Glenda nang masilayan ang malusog nang si Nilo.

At dahil naawa ang mga staff ng ospital sa pamilya ni Joven ay nag-ambagan ang mga ito upang makapagsimula ang mag-asawa ng maliit na negosyo.

Nagbukas sila ng maliit na bigasan at agad naman iyong pumatok sa mga kapitbahay.

Unti-unti silang naka-ipon at sa ngayo’y nagtitinda na din ng mga gulay at prutas ang mag-asawa. Marami din ang nag-presintang pag-aralin si Nilo.Hindi naman napahiya si Joven sa pagtanggap ng tulong. Nang makatapos ng elementarya si Nilo ay may highest honor ito.

Mula noon ay nabuhay sila ng masaya at mapayapa habang nabubulok sa bilangguan ang matandang doktor.

Madalas silang dumalaw sa ospital upang magdala ng mga pagkain sa mga nars at doktor na tumulong sa kanila.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement