Inday TrendingInday Trending
27-anyos na Lalaki, Batugan at Walang Respeto sa Ina, Laking Pagsisisi Niya nang Bawian Ito ng Buhay

27-anyos na Lalaki, Batugan at Walang Respeto sa Ina, Laking Pagsisisi Niya nang Bawian Ito ng Buhay

“Noy! Gising ka na, sabay na tayong mag almusal.” tawag ni Aling Pacing.

Pupungas pungas na bumangon mula sa higaan ang 27 anyos na lalaki at dumiretso sa lababo upang maghilamos. Sa edad niyang ito ay wala pa siyang sariling pamilya, wala rin siyang matinong trabaho. Sanay naman kasi siya na nariyan ang nanay niya, alam niyang hindi siya iiwan nito. Minsan siyang nakapasok sa isang pabrika at ang sinasahod ay sa kanya lang napupunta dahil hindi naman siya inoobliga ng matanda bagamat nahihirapan na rin ito, pagkatapos magsawa ay iniwan niya rin ang trabaho, muli, nariyan naman kasi ang nanay niya.

“Nay sabi ko sayo ayaw ko ng binateng itlog, tsaka masyadong maalat.” puna niya sa almusal na inihanda ng ina matapos matikman iyon.

“Sorry, gusto mo bumili na lang ako ulit?” tanong nito sa kanya.

“Di na, eto na eh.” sabi niya habang nakasimangot. Nakakainis naman kasi, nagsimula na syang kumain ay doon pa muling magluluto, sana kanina pa tinikman.

Ipinagpatuloy na ng mag ina ang almusal, pagkatapos kumain ay tumayo na si Nonoy, pumunta sa salas at nanood ng TV. Ang matanda naman ay nagligpit na ng pinagkainan at naghugas ng pinggan. Ganoon lang ang buhay nila araw araw, ang nanay niya ay hapung hapo sa gawaing bahay sanhi na rin siguro ng katandaan ay mahina na ang katawan nito, habang si Nonoy naman ay nanonood ng TV, kung hindi nagse-cellphone at nakahilata. Umaasa sila sa kakarampot na pensyong nakukuha ng matanda, na sana ay pang liwaliw nito dahil buong buhay naman ay ito ang nagtrabaho para buhayin si Nonoy, isa kasi itong single parent.

“Noy, anong araw ba ngayon?” tanong ni Aling Pacing, sa totoo lang ay alam niya kung ano, nagtatanong siya upang maalala ng anak na ngayon ay birthday niya.

“Martes ho.” tinatamad na sagot ng lalaki.

“Ano’ng petsa?” tanong niyang muli, ngayong araw ay 78 years old na siya, late na siyang nabuntis.

“Nay, ayan ang kalendaryo o dyan mo tignan. Nanonood ako.” panunupla ni Nonoy sa ina.

“Noy, July 1 ngayon.” sabi ulit ni Aling Pacing.

“O ano naman kung July 1? Ang nanay naman, 15 pa ang pensyon mo! nag uulyanin ka na.” iritableng sabi ng lalaki.

“Anak, birthday ko ngayon..” mahinang sabi ng matanda, na ayaw mang aminin ay nasasaktan na.

“O ano naman! Edi happy birthday, si Nanay nanonood ako kung anu anong kaartehan pa, lilipas din naman yan. Kuha mo nga akong tubig Nay.” pambabalewala ng lalaki. Wala namang imik na tumayo ang matanda, pinipigilan ang luha pero bago pa nito marating ang ref ay tumumba na.

“Nay oy, tumayo ka kaya dyan.” sabi rito ni Nonoy pero hindi tumatayo ang kanyang ina, pinabayaan niya lang ito at hinintay pang mag commercial bago niya nilapitan. Alam niyang nagtatampo lang ito sa kanya pero bakit ba kasi kailangang palakihin ang napakaliit namang bagay?

Laking gulat niya nang hindi gumigising ito at nang dalhin sa ospital ay dead on arrival, anong? Bakit? Paano? Inatake raw ito sa puso.

Makalipas ang ilang buwan ay nasira ang buhay ng lalaki, dahil sa hindi marunong dumiskarte sa buhay ay naisanla niya ang bahay na naipundar ng ina, walang kamag anak ang tumulong sa kanya at natuto rin siyang magbisyo. Kung kani kaninong kaibigan siya nakitira noong una na nang kalauan ay pinagsawaan rin siya.

Heto siya ngayon, marungis at malungkot ang mga mata, nasa harapan ng puntod ng kanyang ina.

“Nanay, miss na miss na kita. Patawarin mo ako dahil hindi ako ang anak na nararapat sayo, ,masyado kang mapagmahal para sa akin. Patawarin mo ako sa araw araw na paghihirap na dinanas mo, patawarin mo ako kung naging bulag ako at makasarili. Nanay, nagsisisi na ako, sana ako na lang ulit ang maliit na Nonoy na palagi sa tabi mo dahil ngayon ay naliligaw ako nanay, naliligaw ako nang wala ka. Patawarin mo ako, belated happy birthday nanay ko..”

Sambitin niya man ang mga salitang iyon, habang dala dala ang isang maliit na cupcake ay huli na, wala na ang kanyang ina.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement