Ipinagkasundo ng Tatay ang Anak na Babae sa Isang Kasal; Napakalaking Rebelasyon ang Kanilang Nalaman Nang Magkaharapharap ang Kanilang mga Pamilya
Sa pagbagsak ng negosyo ng pamilya ni Juaqin ay napilitan siyang ipagkasundo ang babaeng anak sa anak ng kaniyang business partner na si Fredo. Labag man ito sa kalooban niya ay wala na siyang makitang ibang solusyon.
“Ayoko Dad! Hindi ko naman iyon kilala, paano niyo nagagawang ipagkasundo ako sa lalaking hindi mo rin naman kilala?” pagtutol ni Rose, ang kaniyang anak na babae.
“Rose, tapos na ang lahat, nagkasundo na kami kaya’t ikakasal ka sa ayaw o sa gusto mo!” sigaw ni Juaqin.
Alam niyang walang plano magpakasal ang kaniyang anak dahil nais nitong mamasyal pa sa iba’t-ibang bansa, ngunit kung hindi ito papayag sa kanilang napagkasunduan ay mawawala ang kanilang mga kayamanan.
Samantala ang anak naman ni Fredo na si Kael ay tutol din sa kasal na gaganapin, mayroon na siyang napupusuang babae kaya’t wala siyang balak na sundin ang nais ng ama.
“Pa, bagong henerasyon na ngayon, hindi na uso ang arranged marriage kaya tigilan niyo ako.” wika niya.
“Kael, maraming koneksyon ang pamilya nila, oras na ikasal kayo ay lalawak pang lalo ang koneksyon ng ating pamilya sa mga malalaking tao.” paliwanag ni Fredo.
Napagkasunduan ni Juaqin at Fredo na oras na para pagharapin ang mga anak. Isang simpleng hapunan ang kanilang inihanda para sa pagkikita ng dalawang pamilya.
“Kumpadre! Halika pasok kayo.” wika ni Juaqin.
“Magandang gabi, eto nga pala ang anak kong si Kael, kita mo naman manang mana sa akin.” biro ni Fredo.
Napilitang sumama si Kael sa ama dahil na rin sa pakiusap ng kaniyang ina. Habang si Rose naman ay pinagbihis ng kaniyang ina ng magarbong kasuotan.
Nagharap harap na nga ang dalawang pamilya sa mesa. Huling dumating si Rose at laking gulat ni Kael na makitang si Rose at ang babaeng kaniyang napupusuan ay iisa.
“Rose?” tanong niya.
“Kael?” sagot naman ni Rose.
Ilang ulit na silang nagkasama sa isang retreat kung saan ay boluntaryo silang tumutulong sa mga kabataang hindi naabot ng edukasyon sa mga sulok na parte ng kabundukan.
“O magkakilala na pala kayo, mabuti naman kung ganoon.” wika ni Juaqin.
Matapos ang hapunan ay sinundan ni Kael si Rose sa pagpunta nito sa sala.
“Kung alam ko lang na ikaw pala tong ipapakasal sakin ng papa ko eh di na sana ako tumutol.” nakangiting wika niya.
“Tigilan mo ako Kael, magkaibigan tayo pero ayoko pang magpakasal.” sagot ng babae.
Sa kabila ng pagtutol ni Rose ay hindi nawalan ng pag-asa si Kael, ibinalita niya sa ama ang hangarin na ituloy ang kasal sa kondisyong liligawan muna niya ang babae.
“O Kael, pasok ka, nasa taas pa si Rose teka at tatawagin ko.” wika ni Juaqin.
“Salamat po.”
Sa sala muling naghintay si Kael at tuwang tuwa siya nang makitang bumaba na si Rose para siya ay harapin.
“Di ba sabi ko sayo ayoko?”
“Kahit ilang ulit mo pa sabihin yan Rose, hindi ako titigil, liligawan kita araw-araw kung kailangan.” sagot ni Kael.
Tinupad niya nga ang kaniyang pangako at araw-araw na dumaraan sa bahay ni Rose upang dalhan ito ng mga regalo. Sa kanilang madalas na pag-uusap ay di nga napigilan ni Rose ang sarili at nahulog na ang loob niya sa lalaki.
“Kael, may sasabihin sana ako.” wika niya.
“Kung sasabihin mo sa akin na tumigil sa panliligaw ay huwag na Rose, kasi di ako makikinig.”
“Sinasagot na kita.” nakangiting wika ng babae.
Halos magtatalon si Kael sa sobrang saya. Ang kaniyang hangarin na makuha ang matamis na oo ni Rose ay natupad rin. Masaya nila itong ibinalita sa kanilang mga magulang at agad naman nilang ipinaayos ang napagkasunduang kasal.
“Pangako Rose, kahit saang bansa mo gustong pumunta ay dadalhin kita.” wika ni Kael.
“Alam mo kahit papaano ay magaan ang pakiramdam ko na sa iyo pala ako ipinagkasundo ng aking ama, salamat Kael.”
Makalipas lang ang anim na buwan ay naganap na ang engrandeng pag-iisang dibdib ng dalawa. Pagkatapos ng kasal ay agad silang nagtungo sa Europe kung saan sila naghoneymoon.
Naisalba ng pamilya ni Rose ang kanilang negosyo sa tulong ni Fredo. Masaya rin ang naging pamumuhay nila ni Kael bilang mag-asawa, di nga nagtagal ay nabiyayaan din sila ng dalawang supling.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!