Inday TrendingInday Trending
Duda ang Babae sa Mithiin ng Guwapong Manliligaw, Nang Bigyan Niya Ito ng Pagkakataon ay Nakita Niya ang Tunay Nitong Ugali

Duda ang Babae sa Mithiin ng Guwapong Manliligaw, Nang Bigyan Niya Ito ng Pagkakataon ay Nakita Niya ang Tunay Nitong Ugali

Lumaki sa marangyang buhay at magandang pamilya si Gelo. Maliban rito’y sikat rin siyang mag-aaral ng isang malaking unibersidad dahil sa galing niya sa larong basketball. Kaya naman hindi na bago sa kaniya ang mga babaeng halos magkandarapa sa atensyon niya. Ngunit wala ni isa sa mga babaeng ito ang gusto niya.

“Bro! Ang daming babae diyan bakit ba kasi si Claire pa ang natipuhan mo? napakasimple lang nun tsaka boring yun!” Tukso ng isa niyang barkada.

“Wala akong pake, si Claire matalino, mabait, may delikadesa, at matataas ang grado. Isa lang talaga ang problema ko, hindi niya ako gusto.” Sagot niya.

Kaklase niya si Claire sa ilang subject sa kursong Business Management, madalas siyang magpapansin rito ngunit tila hindi nito interesado sa kaniya.

“Hi Claire, binilan kita ng mango shake.” Sabay abot sa babae.

“Salamat Gelo pero hindi na dapat, busog pa naman ako eh.” Sagot nito.

“Nga pala, may laro kami ng basketball mamaya, nood ka naman, para may inspirasyon ako.” Biro niya dito.

“Ah eh kailangan ko kasing umuwi kaagad, marami pa akong proyektong tatapusin.”

Hindi na siya kinulit ni Gelo at nagsimula na ang kanilang klase. Sa bawat pagkakataong nakikita niya ay palagi niya itong niyayayang kumain sa labas ngunit ni minsan ay hindi siya nito pinagbigyan.

“Hi Claire, may bago raw bukas na kainan sa labas ng paaralan, tara kain tayo, libre ko.” Sabay kindat sa dalaga.

“Sorry Gelo, may klase na kasi ako, naghahabol na nga ako eh, sa susunod nalang.” Sabay lakad papalayo.

Batid ni Claire ang pagtingin sa kaniya ng binata, ngunit alam rin niyang maraming babae ang nagkakagusto dito. Wala rin siyang plano na magnobyo habang nag-aaral.

“Ikaw lang yata ang nagiisang babae na walang gusto kay Gelo, napakagwapo noon at ang yaman pa, bakit kasi di mo payagang manligaw.” Tanong ng kaibigang si Nancy.

“Sakit lang sa ulo ‘yan, tsaka sa dami ng nagkakagusto doon hindi malabong pinagtitripan lang ako nun.” Sagot niya rito.

Hindi man maamin ni Claire ay isa rin siya sa mga babaeng may gusto sa binata, sadyang hindi lang siya naniniwala na malinis ang hangarin nito sa kaniya. Kontento na siya na nakakausap at nakikita ito sa klase.

Kinabukasan ay maaga siyang pumasok para sa unang klase, pagdating niya ay naroon na si Gelo at agad siyang kinawayan nito.

“Claire! Yes ang aga mo ngayon ah, may oras pa para makapag usap tayo.”

“Magandang umaga Gelo, ano namang paguusapan natin?

“Paguusapan natin kung saan tayo sabay na manananghalian mamaya.” Sabay ngiti.

Halos matunaw si Claire sa matatamis nitong titig pero hindi niya ipinahalata.

“A-YAW-KO.” Sagot niya.

“Oh bakit naman? Pagbigyan mo na ako, kahit ngayon lang, kung ayaw mo talaga akong maging kaibigan hindi na ulit kita kukulitin, tsaka libre ko naman eh.” Pangungulit nito.

Sa sobrang kulit nito ay napapayag na si Claire. Sabay silang nananghalian. Sa pagkakataong iyon ay nakita ni Claire ang tunay na ugali ni Gelo, napakabait nito at talaga namang maginoo. Masaya itong kausap at hindi mahangin manalita, nahalata niya rito ang magandang asal.

Mula noon ay palagi na silang magkasama kung may pagkakataon, labis na kinilala ni Claire ang binata, at sa loob ng isang taon ay naging mabuti silang magkaibigan.

“Kelan mo ba ako sasagutin? Isang taon na akong nanliligaw sayo ah.” Tanong nito.

“Ano? nanliligaw ka ba?”

“Hoy grabe naman yan, nililibre kita ng pagkain, binibigyan kita ng mga regalo, sabay tayong pumapasok at umuuwi, OO nanliligaw kaya ako.”

Natatawa si Claire sa itsura ni Gelo dahil lalo itong nagiging gwapo sa tuwing nagtatampo. Batid naman niyang nanliligaw ito pero ngayon lang ito nagtanong kung kailan niya sasagutin, na ni minsan ay hindi niya pa napagisipan.

Sa pagsapit ng Valentines ay kadalasang may mga aktibidad sa kanilang paaralan. Nariyan ang mga pekeng kasalan, kissing booths at kung ano ano pang pakulo ng mga estudyante. Naisip ni Claire na sa araw na ito sagutin ang masugid na manliligaw

“May sasabihin ako.” bulong niya kay Gelo

“Ano yun?”

“Pwede bang tayo na?” At binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

“Totoo Claire? seryoso? Sinasagot mo na ako?” Tuwang-tuwa si Gelo sa narinig at agad na hinila si Claire sa wedding booth.

Nahihiya man ang dalaga ay pinagbigyan niya na ang nobyo at inikot nila lahat ng booth na naroon.

Lalo silang naging inspirado na pumasok sa paaralan at mag-aral. Tinutulungan rin ni Claire ang nobyo sa mga takdang aralin hanggang sa sabay silang nakapagtapos sa kolehiyo.

Lumipas ang mga taon at niyaya na siya nitong magpakasal, sa pagkakataong ito ay sa totoong simbahan na.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement