Inday TrendingInday Trending
Nang Siya’y Maging Ina

Nang Siya’y Maging Ina

Kinse anyos pa lamang si Maria nang siya’y mabuntis. Strikto ang kanyang mga magulang kaya naging palaisipan sa kanila kung paanong may nabuong sanggol sa tiyan ng dalaga.

“Hindi ko po talaga pwede sabihin kung sino yung tatay nito, ma. Sorry po talaga,” naiiyak na sabi ng dalaga habang kausap ang dismayadong magulang.

“Paano mo bubuhayin ang anak mo?! Tayo nga na tatlo lamang sa bahay ay hirap ng makakain, apat pa kaya?” galit na tanong ng ama nito habang pinipigilan ang sarili na saktan ang anak.

“Wag mo na siyang pagalitan, Dennis. Nandyan na yung bata. Wala na tayong magagawa. Ang mabuti pa ay mag-isip na lang tayo ng paraan kung paano bubuhayin ang nasa sinapupunan ni Maria,” mahinahon na sabi ng ina kahit na namamaga na ang mata pagkatapos umiyak.

“Sabi po ng tatay nito, magbibigay daw po siya ng sapat na pera para sa anak ko tsaka para daw po sa inyo. Pero pag nalaman daw ninyo na siya ang ama nito, ‘di daw niya susuportahan ang panganganak ko,” nahihiyang sagot naman ni Maria. Dahil dito ay wala ng nagawa ang magulang nito kundi ang tanggapin ang nakatadhana para kay Maria.

Nang sumapit ang kaarawan ni Maria ay nagdatingan ang dati nitong mga kaklase at ilang mga kaanak sa kanilang tahanan. Naging masaya ang kaarawan ni Maria dahil dito ay napatawad na siya ng kanyang mga magulang.

“Happy Birthday, anak!” masayang bati ng magulang nito habang inaalalayan ang dalaga sa paglalakad dahil walong buwan na itong nagdadalang tao.

“Salamat po mama at papa. Ito na ata ang pinakamasayang kaarawan ko kasi lalo tayong naging matatag bilang pamilya,” naiiyak naman na sagot nito sa magulang.

“Oh, masaya ka pero umiiyak ka? Tahan na, anak. Nakakasama ‘yan kay baby at isa pa, nakakapangit ‘yan,” biro naman ng ina nito habang inihahanda ang makakain ng anak. Ang ama naman nito ay binuksan ang kanilang pintuan palabas at dito tumambad sa kanila ang mga kaklase at kaanak ni Maria para surpresahin siya.

“HAPPY BIRTHDAY, MARIA!” sabay-sabay na binigkas ng mga bisita dahilan ng labis na kasiyahan ng dalaga.

“Hala! Grabe. Thank you sa inyong lahat. Sobrang hindi ko inasahan na pupunta kayo,” masayang sinabi ni Maria na sinabayan pa ng pagyakap sa mga kaibigan.

Kinagabihan ay natapos ang selebrasyon ng kaarawan ni Maria kaya nagsi-uwian na ang mga bisita nito at ilang kamag-anak. Ang mga naiwan na lamang sa kanilang tahanan ay ang mga magulang nito at ang kanyang Tita Tess kasama ang asawa na si Tito Bill.

“Maria, tanggapin mo ito. Sana makatulong ‘to para sa panganganak mo,” sabi ni Tess habang iniaabot ang pera sa pamangkin.

“Tita, salamat po. Malaking tulong po ito hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa magulang ko,” sagot naman nito sabay kuha ng perang inabot ng kanyang tiyahin.

“Sana naman makonsensya na ang nakabuntis sa iyo. Dapat magpakilala na siya para maikasal ka namin sa kanya,” sabi ulit ni Tess dahilan ng pagkahiya ni Maria.

Dahil doon ay nagtungo na lamang ito sa sala upang mapag-isa at hindi mapansin ng ibang tao.

Ilang minuto lang ang nagtagal ay nagpaalam na rin para umuwi ang Tito at Tita ni Maria kaya naman muli itong nagpasalamat at nagpaalam sa kanila. Pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto ang dalaga para magpahinga dahil napagod ito sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sa araw ng panganganak ni Maria ay agad siya dinala ng kanyang magulang sa pinakamalapit na paanakan dahil kinulang sila ng pera para sa ospital manganak ang dalaga.

“Pasok na po tayo, lalabas na po ang anak niyo,” sabi ng babae na siyang magpapaanak sa dalaga.

Ilang minuto lang ang nagtagal ay tuluyan nang isinilang ni Maria ang kanyang anak at pinangalanan niya itong Melody para maging kapangalan nito ang kanyang ina. Ito naman ay labis na ikinatuwa ng ina nito kaya siya ay kanyang pinasalamatan.

Pagkalipas ng tatlong araw ay nakauwi na ng bahay si Maria dala-dala ang kanyang anak na si Melody sa kanilang bahay.

“Welcome home, baby!” masayang sabi ni Maria habang kausap ang anak. Nagpaalam naman ang magulang nito na kailangan nilang umalis para bilan ng ilang gamit si Melody. Agad naman itong pumayag dahil halos iisa lamang ang damit ng kanyang anak.

Pagkalipas ng isang oras ay aalis na sana ang mag-asawa ngunit napansin nila na nakatulog na pala ang kanilang anak sa sala katabi ang kanilang apo. Nakita rin ng ina nito na naiwang bukas ni Maria ang kanyang telepono kaya hindi ito nag dalawang isip na pakialaman ang gamit ng anak. Dito, tumambad sa kanya ang pakikipagsalitan ni Maria ng mensahe sa isang lalaki na pinaghihinalaan nilang tatay ni Melody. Agad na ibinalik ng ina ang telepono sa tabi ni Maria at kinausap ang kanyang asawa.

“Nakita ko sa cellphone ni Maria na pupunta ang ama ni Melody pagkaalis natin. Mamaya pag labas natin ay mag intay tayo ng ilang minuto hanggang dumating ang tatay ng apo natin,” mahinang sabi ng ina sa kanyang asawa.

Sinang-ayunan naman ito ni Dennis kaya ginising nila si Maria para magpaalam na aalis na sila.

Pagkatapos ng halos kalahating oras ng paghihintay sa labas ng mag-asawa para abangan kung sino ang lalaking pinapupunta ni Maria, halos magluwaan ang mga mata nito ng makita ang isang lalaking naglalakad papunta sa bahay nila. Mabilis nila itong sinundan ng palihim at hinintay na pagbuksan ni Maria ng pinto ang lalaki.

Hindi pa nagtagal ay sinugod na ng mag-asawa ang dalawa para komprontahin.

“BILL, ANONG GINAGAWA MO RITO?!” nakasigaw na tanong ni Dennis na siyang ikinagulat ng dalawa.

“Ma! Pa! Anong ginagawa niyo rito? ‘Di ba bibili kayo ng gamit ni Melody?” sagot naman ng dalaga na halatang may tinatago sa magulang.

“Sagutin mo ang tanong ko! Ikaw ba ang ama ng apo ko?!” muling sigaw ng ama ni Maria.

“Kuya, ‘wag mong itong sasabihin kay Tess. Parang awa mo na. Aksidente lang ‘yong nangyari. Lasing ako nun,” naiiyak na sabi ni Bill habang unti-unting lumuluhod sa magulang ni Maria.

Maya-maya pa’y sabay nang umamin ang mag-tiyuhin. Ayon kay Maria, matagal na siyang may lihim na pagtingin sa kaniyang Tito Bill. Kung kaya’t nang makita niyang lasing ito isang gabi, doon niya na sinamantala ang pagkakataon. Ngunit imbes na umalma si Bill, inudyukan pa niya ang kagustuhan ng dalaga. Doon na nagsimula ang kanilang regular na pagkakasala.

Kahit na ganoon ay ibinalita pa rin nila Dennis ang lahat-lahat, kaya naman napilitan si Tess na iwan ang asawa. Kahit ano kasing isip niya’y hindi niya matanggap na magagawa siyang pagtaksilan ng mister niya, at sa sariling pamangkin pa niya!

Napagkasunduan naman ng mag-asawa na lumipat na lamang ng bahay kasama ng anak at apo upang makapagsimula nang muli ng panibagong buhay. Habang si Bill naman ay nangakong magbibigay na lamang ng pinansiyal na tulong sa bata upang magkaroon pa rin ito ng disenteng pamumuhay.

Hindi man naging maganda ang wakas, nagsilbing napakalaking aral nito para kay Maria na hindi dapat padadala sa init ng katawan. Ngayo’y inilaan niya na lamang ang kanyang buhay at pagkatao na maging isang mabuting ina, upang hindi nito pagdaanan ang mga pagkakamaling kanyang nagawa noong edad ng kapusukan niya.

Advertisement