Inday Trending

Inday Trending

Akala ng Dalagang Ito ay Normal Lamang ang Matinding Pagsakit ng Kaniyang Puson sa Kaniyang Buwanang Dalaw, Yun Pala Isang Halimaw na Kaniyang Dinadala

Akala ng Dalagang Ito ay Normal Lamang ang Matinding Pagsakit ng Kaniyang Puson sa Kaniyang  Buwanang Dalaw, Yun Pala Isang Halimaw na Kaniyang Dinadala
FamilyMiracleStories

Bata pa lang si Rica ay lumaki na siya sa kaniyang tiyahin na si Aling Berta, nasawi ang mga magulang ng bata sa ibang bansa noong minsang nakaroon ng sunog sa pinagtratrabahuhan kaya naman walang nagawa ang ale kundi kupkopin ang bata.

“Wag niyo ngang pinagkakausap ‘yang si Rica at may dalaw na naman iyan kaya’t masungit,” wika ng ale sa mga anak.

Image courtesy of www.google.com

Sobra kasi kung magsungit ang babae sa tuwing nagkakaroon at sobra rin ang sakit ng puson nito na halos hindi na makatayo o makagalaw. Halos lumaklak na ito ng gamot pampawala ng sakit ngunit hindi umuubra.

“Tita, ganito po ba talaga ang magregla?” tanong ni Rica sa tiyahin habang namimilipit ito sa sakit.

Image courtesy of www.google.com

“Oo anak, ganyan talaga sa lahi natin. Yung iba nga nilalagnat pa at hindi na nakakatayo kaya masanay ka na. Mawawala din naman iyan kapag nanganak ka na. Tignan mo ako ngayon hindi na nahihirapan pa,” saad naman ng ale sa kaniya.

“Mukhang kailangan ko na yatang manganak,” nagbiro pa ang dalaga sabay batok naman sa kaniya ng tita.

“Pinagsasabi mong bata ka! Huwag na huwag kang uuwi ditong may laman iyang sinapupunan mo dahil hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka! Kung gusto mo nang magpamilya, hala sige hindi kita pipigilan ngunit kailangang tumayo ka na sa sarili mong mga paa. Hindi lang sa’yo Rica, kundi sa inyong lahat!” sigaw pa ng ale sabay tingin niya sa tatlong anak na puro babae.

Masungit at madisiplina si Aling Berta, kaya kahit na laging napag-iinitan si Rica dahil siya ang laging nauutusan ay hindi ito dinadamdam ng dalaga dahil para sa kaniya ay maswerte pa rin siyang andyan ang ale na tumayong nanay para sa kaniya.

Miyerkules ng tanghali at inaapoy ng lagnat si Rica, ito ang pangalawang araw ng regla niya.

“Mama, si Ate Rica ho e inaapoy ng lagnat, tignan mo doon sa bahay,” saad ng bunsong anak ni Aling Berta na si Nicole. Agad namang iniwan ng ale ang pwesto sa pagtitinda ng halo-halo at pumalit muna ang anak na si Nicole.

Image courtesy of www.google.com

“Ang taas ng lagnat mo a! Nasa 39! Anong nararamdaman mo?” nag-aalalang tanong ng ale sa dalaga sabay pakita nito sa thermometer.

Image courtesy of www.google.com

“Nilalamig lang ho ako ng sobra, hindi naman ho masakit ang puson ko pero sobrang lamig lang ng pakiramdam ko,” sagot ng babae.

“Tara na at isusugod na kita sa ospital! Baka sinumpong ka na naman ng UTI mo!” sigaw ng ale.

“Wag na ho, tita! Kaya ko pa naman labanan ang lagnat ko, baka kailangan ko lang gumala. Baka kulang lang ito sa labas ng bahay,” saad ng dalaga at pinilit na tumayo at naligo para bumaba ang kaniyang lagnat.

Lumabas ito at nag-ayos saka pumunta sa court para manood sa mga poging lalaking naglalaro ng basketball dahil may paliga sa kanilang barangay. Katulad nga ng inaasahan ay nawala ang lagnat ng babae.

Ngunit noong gabi at nakauwi na siya ay agad na bumalik at tumaas na naman ang lagnat ni Rica.

“Mama, tignan mo si Ate Rica, oh. Noong nasa labas kanina walang lagnat pero ngayong nasa bahay na ay inaapoy na naman sa init,” biro ni Nicole at agad namang lumapit si Aling Berta sa dalaga.

“Hala, Rica! Hindi biro iyang lagnat mo tignan mo oh naninilaw ka na!” saad ng ale.

At hindi na sila nagpatumpik tumpik pa’t agad na isinugod sa emergency room ang dalaga.

Maraming ginawang test dito, UTI daw noong una pero dahil hindi pa rin bumababa ang lagnat at naninilaw pa ang dalaga ay kinuhanan rin ng test ito para sa Hepatitis, nakaconfine na rin ang babae.

“Tita, gagastos lang tayo dito e,” mahinang wika ni Rica sa ale.

“Huwag mong isipin ang gastos, ang isipin mo yung kalusugan mo dahil iyon ang mas importante,” sagot naman ni Aling Berta.

Lumapit ang doktor sa dalaga at kinapa nito ang kaniyang tiyan, doon may naramdamang bukol ang doktor ngunit walang nararamdamang sakit si Rica. Kapansin-pansin ang tila nagdadalang taong tiyan nito kaya naman agad na pinaultrasoundito kasabay ng kung ano-ano pang tests para matuklasan na sa wakas kung ano iyon.

“Kailangan po nating operahan ang pasyente dahil may bukol po sa kaniyang matres at kapag hindi po natin ito tinanggal ay maari po itong pumutok at mas lalong malalason ang katawan niya,” saad ng doktor na labis nilang ikinagulat kaya agad na pinaoperahan si Rica.

Paglipas ng ilang oras ay naging matagumpay naman ang operasyon at doon nila nakita ang malaking tila halimaw na bukol na nabuhay sa matres ng babae, may mata at buhok na ito.

Teratoma ang tawag sa nabuong bukol na iyon. Mabuti na lamang at naagapan ito dahil kung hindi ay maaring hindi na mabuntis pa ang dalaga at mas malalang komplikasyon ang kanilang pagdadaanan.

“Tita, patawarin niyo po ako at nagastusan na naman po kayo sa ’kin,” malungkot na pahayag ni Rica.

“Huwag mo nang isipin ang pera dahil mahahanap pa natin iyon. Ako ang patawarin mo dahil ipinagsawalang bahala natin ang labis na pagsakit ng iyong puson at itinulad ko pa ito sa aming magkakapatid. Dapat sa susunod kung may nararamdaman man tayong kakaiba ay huwag na tayong magdalawang isip pang magpatingin kaysa humantong ulit tayo sa ganito,” saad ng ale at niyakap ang dalaga.

Labis ang pasasalamat ni Rica sa Panginoon dahil sa buhay at pag-asang binigay sa kaniya. Ganoon na rin sa kaniyang tiyahin na labis pala siyang mahal, naging leksyon ito sa kanilang lahat lalo na’t puro babae pa naman ang kaniyang mga pinsan.

Kaya ngayon ay mas natutunan nilang alagaan pa ang sarili at huwag manghinayang sa kaunting magagastos kung ito naman ang makakapagsalba sa kanila sa mas malaking problema.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories