Tinalak-talakan ng Ginang ang Kahera sa Isang Convenience Store; Para siyang Binuhusan ng Malamig na Tubig Nang Sumagot Ito sa Kaniya

Tahimik na binibilang ni Rachelle, 27 taong gulang, ang magiging pondo sa araw na iyon na ipapasok niya sa cash register ng naturang convenience store, na nasa loob ng isang subdivision. Nasa counter siya ng mga sandaling iyon, umaasam na sana ay maraming customers sa araw na iyon. Sabagay, alas otso pa lamang naman ng umaga. Mga ganoong oras dumadagsa ang mga mamimili.

Hindi nga siya nagkamali. Dumating na ang mga suking karamihan ay kakilala niya dahil nakatira lamang sa subdivision na iyon. Ngiti ang sinasalubong niya sa lahat.

latin woman working at a grocery store - asian female cashier stock pictures, royalty-free photos & images

May mangilan-ngilan pang mga customers na karaniwang bumibili ng mga produktong kinakailangan sa almusal gaya ng kape, asukal, gatas, tinapay, at palaman sa tinapay. Naging abala sa counter si Rachelle.

Hindi niya napansin ang pagpasok ng isang ginang na senior citizen na ang edad, tila isang donya ang pagkakahawak sa shoulder bag, at taas-noong nagtungo sa bandang likuran ng convenience store, para bumili ng suklay. Puti na ang mga buhok nitong hanggang batok, at may makapal na salamin sa mata, kaya nagmumukha lalong masungit.

Nagkataong ang mga suklay at iba pang mga gamit-pampaganda ay nasa loob ng de-salaming eskaparate. Nakasusi ito kaya kinakailangang buksan.

“Miss, suklay nga,” sigaw nito sa kaniya.

“Ma’am, saglit lang po…” sagot naman ni Rachelle. Hindi niya maaaring iwanan ang kaha. Isa pa, may mga customers pang nagbabayad. Hindi pa siya tapos sa pagpa-punch.

Nagulat siya nang biglang dumukwang sa kaniya ang ginang. Dinuro-duro siya nito.

Advertisement

“Hoy! Bingi ka ba? Sabi ko, pabili ng suklay!” malditang sabi nito. Wala itong pakialam kung may iba pang mga taong makasasaksi sa pamamahiya niya sa kahera.

Nagulat man sa inasal ng ginang, nagpakahinahon si Rachelle. Huminga siya nang malalim. Saka siya nakangiti at magalang na sumagot.

“Ma’am, sorry po… tatapusin ko lang po ang mga naunang customers. Babalikan ko po kayo,” magalang na sagot ni Rachelle sa customer na gumagawa ng eksena.

Nameywang naman ito. Tila hindi papaawat.

“Aba’t sumasagot ka pa? Gusto mong ipatanggal kita sa trabaho mong pipitsuging kahera ka? Hindi mo ba kilala kung sino ako? Kaibigan ako ng may-ari ng convenience store na ito, at VIP ako! Gusto mo, ha? Gusto mo” halos lumuwa ang mga mata ng ginang.

Napatahimik naman ang ibang mga customers. Nakatingin lamang sila kay Rachelle. Nagdasal nang taimtim si Rachelle na sana ay bigyan siya ng Panginoon ng ibayong haba ng pisi upang estimahin ang mga ganitong uri ng customer.

Subalit hindi nagpatinag si Rachelle. Tinapos niya ang pagpa-punch, paglalagay sa supot, at pag-aabot ng resibong iniluluwa ng cash register, sa mga nakapilang customers. Tila masaya naman ang ginang sa pamamahiya niya kay Rachelle.

“Ang tigas talaga ng mukha mo ha! Nasaan ang manager ng convenience store na ‘to? Isusumbong kita sa friend kong may-ari ng convenience store na ito at sisiguraduhin kong masisipa ka rito! Bastos kang kahera ka ha? Hindi ka marunong mangilala!” galit na galit na sabi ng ginang. Muli siyang dinuro-duro nito.

Advertisement

Hindi na nakapagpigil si Rachelle. Away ang gusto ng babaeng ito. Mas mabuti na ring may mga makakasaksing ibang customers, para may saksi siya.

“Mawalang-galang na po, Ma’am. Unang-una po, ako lang po ang mag-isa ngayon dito sa convenience store na ito kasi mamaya-maya pa po ang dating ng ibang staff. Pangalawa, nakikita naman po ninyo na may pila. Sila po ang nauna kaysa sa inyo. Pangatlo, puwede ninyo po akong kausapin nang maayos,” mahinahong saad ni Rachelle.

Lalong nanggalaiti ang ginang.

“At talagang nangangatwiran ka pa ha? Hindi mo ba alam na customers are always right? Siguro hindi kasi boba ka. Kasi kahera ka lang! Wala kang pinag-aralan! Hindi bagay ang mga bobitang gaya mo sa convenience store na ito. Makikita mo, hindi ako matatahimik hangga’t hindi ka natatanggal dito!” galit na galit na sabi nito.

“Ganoon po ba Ma’am? Sorry po, wala po akong kaibigang gaya ninyo, at hindi ko po kayo kilala personally,” nakangiting sabi ni Rachelle.

Natigatig ang ginang.

“Anong ibig mong sabihin?”

Nang biglang dumating ang tatlong babaeng staff sa loob ng convenience store, na tila napatda sa mga nangyayari. Wala silang ideya. Bumati silang lahat kay Rachelle.

Advertisement

“Good morning po Ma’am Rachelle. May problema po ba?” tanong ng isang staff.

Ngumiti naman si Rachelle. “Ah wala naman. I can handle this. You may proceed to your work.”

Tumango naman ang tatlong babaeng staff at nagtungo na sa likod ng convenience store para magsuot ng kanilang uniporme.

Muling bumaling si Rachelle sa nagtatatalak na ginang.

“As what I’ve said, hindi ko po kayo kaibigan, at ngayon ko lang kayo nakita rito sa subdivision namin. I happen to know kung sino-sino ang mga nakatira dito, kasi po isa po ako sa mga opisyal ng homeowner’s association. So Ma’am, if you’ll excuse me, umalis na kayo sa convenience store ko bago pa ako tumawag ng security guards para itaboy kayo,” magalang pa rin subalit may diing banta ni Rachelle.

“And one more thing: walang masama sa pagiging kahera. Ang masama, maging mahadera. Mataas po ang paggalang ko sa mga senior citizens, please do me a favor, umalis na po kayo,” habol na banat ni Rachelle, Inilabas na niya ang mala-“Gretchen Barretto” look niya at nakipagtitigan sa ginang.

Pulang-pula naman ang mukha ng ginang. Pahiyang-pahiya siya. Hindi na siya nakapagsalita pa. Si Rachelle pala ang may-ari ng convenience store. Masyadong mababa ang kaniyang kalooban, at kahit kailan, hindi siya nagmayabang kaya mahal na mahal siya ng mga staff niya.

Minabuti nitong umalis na lang at huwag nang ituloy ang pagbili ng suklay. Palakpakan naman ang mga customers na nakasaksi sa lahat ng mga pangyayari.

Advertisement

“Kaya ka namin idol Ma’am eh!” papuri ng isa sa mga staff niya.

Portrait of confident employee checkout giving a flower at flower market Flower Shop asian staff of grocery stock pictures, royalty-free photos & images

Pinatunayan ni Rachelle na kapag pinukol ka ng bato, batuhin mo ng tinapay…. with class and elegance.