Nagbunga ang Pananamantala ng Isang Estranghero sa Dalaga; Panindigan Kaya Niya ang Pagdadalantao?

“Ayoko sa batang ito, Inay… hindi siya dapat mabuhay!”

Sinuntok-suntok ni Jen ang kaniyang sinapupunan habang humahagulhol; inaawat naman siya ng kaniyang inay na si Aling Rosanna, na umiiyak na rin. Nagbunga ang pagkakasala sa kaniya ng isang estrangherong lalaki, na hindi na nila nakilala kung sino.

Isang gabing pauwi mula sa trabaho, bigla na lamang may sumulpot na isang lalaki sa likuran ni Jen, tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang isang basang panyong may kung anong samyo, na naging dahilan upang mawalan siya ng ulirat. Paggising niya, nasa talahiban na siya, nakababa ang kaniyang pantalon at panloob, at masakit ang kaniyang pagkababae.

At ngayon, batay sa dalawang guhit ng pregnancy test, kumpirmadong nagbunga ang pagkakasala, ang kadem*nyohan, nang gabing iyon. 

“Anak… walang kasalanan ang bata… huwag mong isiping kasalanan niya. Ang isipin na lamang natin, isa siyang biyaya mula sa Maykapal. Huwag mong ipagkait sa kaniya ang karapatang mabuhay!” saad ni Aling Rosanna sa kaniyang kaisa-isang anak na babae. Ang kaniyang mister ay sumakabilang-buhay na.

“Paano ako makakalimot ‘Nay…. paano ko malilimot ang nangyari sa akin nang gabing iyon, na siyang sumira sa buhay ko ngayon? Kung araw-araw kong makikita ang mukha ng batang ito sa sinapupunan ko, hindi ako matatahimik! Kaya kailangan siyang mawala!”

“Anak… maghulos-dili ka, utang na loob! Hindi mo kasalanan, at hindi kasalanan ng magiging anak mo ang lahat. Isa pa, anak… hindi masosolusyunan ng isang kasalanan ang isa pang kasalanan. Isang malaking pagkakamali sa mata ng Diyos ang gagawin mo, anak…” pagmamakaawa ni Aling Rosanna sa kaniyang anak. 

“Diyos? Nasaan ba Siya? Wala naman Siya, ‘Nay! Ilang beses akong tumawag sa Kaniya noon para gumaling si Itay sa sakit niya. Hindi Siya nakinig. At ngayon… binigyan Niya ako nang ganitong problema. Hindi Siya totoo, Inay! Hindi!” naghihisteryang sumbat ni Jen. Niyakap at pinigilan naman siya ni Aling Rosanna.

Advertisement

“Minsan anak may mga bagay na hindi natin maintindihan, pero maniwala ka sa akin, na lahat ng bagay sa mundong ito ay may dahilan. Hindi lamang natin makita ang kalooban ng Diyos sa ngayon, pero tatandaan mo anak, pagsubok lamang ito, at tiyak na malalampasan natin. Narito lamang ako sa iyong tabi. Hindi kita iiwan.”

Simula noon ay naging malulungkutin na si Jen. Nawalan siya nang ganang kumain. Nawalan siya nang ganang magtrabaho. Nawalan siya nang ganang mabuhay. Alang-alang sa kaniyang Inay, hindi niya aalisin sa kaniyang sinapupunan ang batang ito. Tama. Palalakihin niya ang batang ito upang pasakitan. Lintik lang ang walang ganti.

Matuling lumipas ang siyam na buwan. Nagsilang si Jen nang isang malusog na sanggol. Lalaki. Kamukhang-kamukha ni Jen. Tuwang-tuwa si Aling Rosanna.

“Ang guwapo niya, anak… kamukha mo siya…” nakangiti at naluluhang saad ni Aling Rosanna. Ibinigay niya ang sanggol sa mga bisig ng anak. Umungot ang sanggol. Nang masilayan ni Jen ang mukha ng kaniyang anak, tila biglang nawala ang mga hinanakit niya sa nangyari sa kaniya. Bigla’y isinantabi niya ang planong pasakitan ang bata sa paglaki nito upang makaganti sa hayop na estrangherong ama nito, na nanamantala sa kaniya.

“Tama ka, Inay. Walang kasalanan ang anak ko sa nangyari sa akin. Isa siyang inosente. Mamahalin ko siya nang buong puso,” pangako ni Jen sa kaniyang ina.

close-up of sleeping baby hand in the mother's hand on the bed. new family and baby sleep concept - asian baby boy stock pictures, royalty-free photos & images

At matuling lumipas ang araw. Habang kalong ni Jen ang kaniyang sanggol sa kaniyang bisig at pinakakain sa kaniyang dibdib, marami na siyang naiisip na posibleng pangalan nito. Kailan ang binyag. Sino-sino ang mga ninong at ninang. Saan at kailan mag-aaral. At marami pang iba.

“Inay, babalik na ako sa trabaho. Magastos ang mga pangangailangan ni Baby,” saad ni Jen sa kaniyang ina nang magdalawang buwan ang kaniyang anak. Iniwan niya saglit ang kaniyang anak na natutulog sa kuwarto nilang yari sa pawid upang magtungo sa palikuran. Naabutan niya ang inang naghahanda ng tanghalian.

“Oo sige, anak. Aalagaan ko naman si Baby, huwag kang mag-alala. Susuportahan kita,” nakangiting sabi ni Aling Rosanna. 

Advertisement

Maya-maya, narinig nila ang pagpalahaw ng iyak ng sanggol. Agad na nagtungo si Jen dahil baka nagugutom ang anak. Subalit laking-gulat niya sa nasaksihan: isang malaking ahas ang nasa paanan nito, at malamang ay natuklaw na ang kaniyang anak. Nagsuot ang ahas sa dingding ng kanilang kuwarto. Nangingitim na ang sanggol, wala pang dalawang minuto.

venomous snake - snake stock pictures, royalty-free photos & images

Wala nang pakialam si Jen kung matuklaw rin siya ng ahas. Agad niyang binitbit ang sanggol, at tila nababaliw na humingi ng tulong sa mga kapitbahay upang maitakbo sa pinakamalapit na ospital ang anak. Subalit habang nasa traysikel pa lamang siya, itim na ang kulay nito at hindi na humihinga. 

Sising-sisi si Jen sa mga nangyari. Hindi siya makapaniwalang mabilis na kukunin ng Diyos ang kaniyang anak, kung kailan naman napamahal na ito sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya kinwestyon ang Diyos sa kalooban nito. Nagpapasalamat pa rin siya dahil naturuan siya nitong maging isang mabuting ina, at hinding-hindi niya kayang wakasan ang buhay ng isang inosente dahil sa pagkakamali ng iba.