Naghahanap ng Estrangherong Mapamamanahan ng Kaniyang mga Ari-Arian ang Don; Sino Kaya ang Mapalad na Mapagkakalooban Nito?

Matapos mahati-hati ng bilyonaryong si Don Ismael ang kaniyang kayamanan at ari-arian para sa kaniyang mga kaanak bilang pamana, may natitira pa sa kaniyang dalawampung milyong piso. Sinukuan na niya ang kaniyang sakit na c@ncer, at ayon sa kaniya, sa gulang na 70 taong gulang ay mas nanaisin na lamang niyang mag-enjoy at gugulin ang nalalabing oras sa pagtatamasa ng kaniyang mga pinaghirapan. Wala siyang anak at asawa. 

senior man eating nutritious porridge - asian old rich man stock pictures, royalty-free photos & images

Naisip niya, ang sampung milyon ay gagamitin niya sa kaniyang paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo, habang ang natitirang sampung milyon ay ipamamahagi niya sa sinomang estrangherong karapat-dapat na mabigyan nito.

“Gusting, humanap ka sa daan ng tatlong estranghero, mapa-lalaki man o babae, na sa iyong palagay ay nararapat pamanahan,” utos ni Don Ismael sa kaniyang katiwala, na naging tapat sa kaniya simula pa noon. Napamanahan na rin niya ito.

“Masusunod po, Don Ismael.”

Makalipas ang ilang araw na paghahanap ng karapat-dapat na mga estrangherong mapamamanahan ng milyong piso, iniharap na ito ni Gusting sa kaniyang amo. Isang babaeng palaboy, isang binatang may papaluging negosyo, at isang matandang lalaking magsasaka. Isa-isa silang kinapanayam ni Don Ismael.

Inuna niyang kapanayamin ang babaeng palaboy.

“Halimbawang magkaroon ka ng isang milyong piso, ano ang gagawin mo?”

Agad na sumagot ang babae.

Advertisement

“Aba, bibili kaagad ako ng mga damit ko, pagkain ko, at hahanap ng matutuluyan para naman hindi na ako pagala-gala sa daan!”

“Kapag nabili mo na ang mga gusto mo, ano na ang gagawin mo sa perang matitira?” dagdag na tanong ni Don Ismael.

Saglit na nag-isip ang babaeng palaboy.

“Iimbitahan ko ang mga kaibigan kong palaboy, ililibre ko silang lahat! Magpapakasawa kami sa pagkain. Mag-iinuman kami. Magpapakasaya kami!”

“Tapos?”

Saglit na nag-isip ang babae.

“Iyon lang muna. Bahala na. O kaya naman itataya ko sa lotto para dumami.”

Hindi naman kumibo si Don Ismael. Kinuha niya ang kaniyang bag at kumuha siya ng isang napakakapal na bungkos ng pera. Iniabot niya sa babaeng palaboy.

Advertisement empty two hands on white background. - poor woman stock pictures, royalty-free photos & images

“Narito ang isang milyon. Humayo ka at gamitin ito batay sa iyong pangangailangan.”

Tuwang-tuwa naman ang babaeng palaboy. Ni hindi na nito naipakilala nang maayos ang sarili. Matapos magpasalamat, agad na itong umalis ng mansyon bitbit ang isang milyon.

Sumunod naman ang binatang nalugi sa negosyo.

“Halimbawang magkaroon ka ng isang milyong piso, ano ang gagawin mo?”

Nakangising tumugon ang binata.

“Ayoko nang magnegosyo. Magpapasarap na lang ako sa buhay, tutal malulugi rin naman. Gagawin ko na lang ang mga gusto kong gawin sa buhay.”

“Hindi mo ba ibabangon ang negosyo mong nalugi? Palagay ko sapat naman ang isang milyon para maitaguyod nulit ito,” muling tanong ni Don Ismael.

Umiling-iling ang binata.

Advertisement

“Ang totoo niyan, pinamana lang sa akin ng Papa ko ang negosyong iyon, at hindi ko naman talaga gusto. Nalugi ang negosyo kasi nagumon ako sa bisyo, lalo na sa sugal. Kaya kung mabibigyan mo ako ng isang milyong piso, isusugal ko na lang, at baka dumoble pa.”

Kinuha ni Don Ismael ang kaniyang bag at naglabas ng napakakapal na bungkos ng pera.

“Narito ang kalahating milyong piso. Gamitin mo ayon sa pangangailangan mo. Ibibigay ko ang natitirang kalahati kapag naibangon mo na ang nalugi mong negosyo.”

Kakamot-kamot na umalis ang binatang negosyante. Mabuti na sa wala. Puwede nang ipansugal sa casino ang halagang iyon.

Panghuli naman ang matandang magsasaka.

“Halimbawang magkaroon ka ng isang milyong piso, ano ang gagawin mo?”

Nagningning ang mga mata ng magsasaka.

“Malaking halaga na po iyan para makabili ako ng karagdagang kalabaw, makabili ng mga pataba, at iba pang mga pangangailangan sa bukid.”

Advertisement

“Hindi mo ba nanaisin na bumili ng bahay, o kaya naman ay maghanda ng mga pagkain, o bilhin ang gusto ng mga anak mo?” muling tanong ni Don Ismael.

“Sir, hindi naman po kami sanay sa mga luhong ganyan. Kapag po inilaan ko iyan sa aking gawain sa bukid, gaganda ang ani namin, at mabibili na namin ang mga gusto naming pangangailangan sa buhay.”

Nabagbag ang kalooban ni Don Ismael sa sagot ng magsasaka. Palagay niya ay nakita na niya ang hinahanap niyang karapat-dapat na tao na maaari niyang pagkatiwalaan sa malaking halagang pera.

farmers are happy with the success. - asian old farmer stock pictures, royalty-free photos & images

Ibinigay niya ang buong sampung milyon sa naturang magsasaka dahil nalugod siya sa sagot nito. Bukod dito, pinagkalooban niya rin ito ng isa sa mga lupa niya, dahil alam niyang mahuhubog at mapagpapala pa niya itong mabuti.