Inday TrendingInday Trending
Mahilig Daw Makipagrelasyon sa mas Bata ang Babaeng Ito; Naloka Siya nang Makilala ang Pagkatao ng Kaniyang Bagong Kinakasama

Mahilig Daw Makipagrelasyon sa mas Bata ang Babaeng Ito; Naloka Siya nang Makilala ang Pagkatao ng Kaniyang Bagong Kinakasama

Usap-usapan na naman sa kanilang barangay ang pagwawala ni Tessie kagabi dahil iniwan daw ito ng kaniyang kinakasama at sumama sa ibang babae na ‘di hamak ay mas bata sa kaniya. Dalawang buwan pa lamang ata nang iuwi niya ito sa kaniyang inuupahang bahay upang magsama. Subalit wala ni isang araw ang lumipas na hindi nagbangayan ang dalawa.

Balingkinitan at maliit ang pangangatawan ni Tessie. Kahit na tatlumpu’t siyam na taong gulang na ito, hindi halata dahil makinis ang kaniyang kutis at maputi. Maayos naman ang kaniyang trabaho at lahat ng mga kapatid ay nasa ibang bansa. May sabi sabing nabuntis na raw ito noon ngunit ipinaampon lang daw ang bata. Ngunit lahat ng iyon ay haka-haka lamang ng mga tsismosa sa kanilang barangay.

Pagkaraan lamang ng isang linggo, nagsimula na namang mag-uwi ng iba’t ibang lalaki si Tessie. Bilib na talaga sa kaniya ang mga kapitbahay dahil mas bata pa nga raw ang mga iyon kaysa sa nakaraang kinakasama niya! Ngunit si Tessie, pikit mata na lamang at takip tenga sa tuwing lalabas siya at bibili ng anuman sa tindahan. Sa tuwing pinagtitinginan siya, pilit niyang itinataas ang kaniyang noo upang ipakita na hindi siya nasasaktan sa anumang sasabihin ng iba.

Matapos lamang ang ilang linggo, kinasama na ni Tessie ang kaniyang bagong nobyo na si Mark. Binatang binata ito sa edad na labing walong taong gulang. Dahil dito, laman na naman sila ng kwentuhan at tsismis sa buong barangay!

Samu’t saring panlalait ang natamo ni Tessie mula sa mga tao doon dahil sa kaniyang bagong nobyo. Subalit tahimik ata ang pagsasama ng dalawa sa pagkakatong iyon. Walang away, walang gulo, at walang pagwawalang maririnig sa kanilang bahay. Aniya, wala namang masama sa pag-ibig kahit na sino at kahit na anong edad pa.

Makalipas ang isang buwang pagsasama, patuloy na naging maalaga si Mark sa kaniyang nobya. Pinagluluto, pinaglalaba, at pinaghahandaan nito si Tessie sa bawat araw. At sa tuwing pagod ito galing trabaho, minamasahe niya ito. Sa mga pagkakataong mainit ang ulo nito, hindi na niya sinasabayan pa. Naging susi ang malawak na pang-unawa ni Mark kahit na bata pa ito upang maging maayos at payapa ang kanilang pagsasama. Kusa na ring tumigil ang mga tsismosa sa paligid dahil wala namang gulo na nangyayari sa kanilang buhay. Maayos na sana ang lahat ngunit lingid sa kaalaman ng dalawa, isa palang impormasyon ang magpapaguho ng kanilang mundo.

Lumipas pa ang ilang mga araw, inakala ni Tessie na nagbabago na si Mark. Lagi itong matamlay at walang gana. Inaasahan na ata niya na mangyayari iyon kaya isang gabi, walang ano ano’t tinanong niya ng diretso ang nobyo kung mayroon itong kalaguyo, kung may nagugustuhan itong ibang babae. Agad iyong itinanggi ni Mark na siyang naging bukas at totoo sa kaniyang nobya.

“Nagkaroon ng malubhang sakit ang tatay ko, kailangan niya magpa-opera.. kaso wala akong trabaho, wala akong kakayahan makatulong…” nangingilid ang luha sa mga mata ni Mark habang inilalahad ang buong kwento kay Tessie.

Dito mas lalong minahal ni Tessie ang kaniyang nobyo. Hindi niya ito inasahan dahil nakilala lang naman niya si Mark sa isang inuman at hindi niya kailanman nakita o nakilala ang mga magulang at pamilya nito na nasa probinsya. Matapos marinig ang kwento, mabilis niyang binigyan ng atensiyon ang pagdaramdam ni Mark at nagpasya na tumulong sa pamamagitan ng naipon niyang pera sa bangko na sana ay pambili niya ng kaniyang sariling bahay.

Sa kaniyang pangako na ibinigay kay Mark, muling nabuhayan at sumigla ang binata. Malaking pasasalamat niya kay Tessie sa kabutihan nito sa kaniyang pamilya. Natapos ang araw na iyon na masaya ang dalawa at matatag sa kanilang relasyon.

Isang linggo ang lumipas, habang walang pasok si Tessie, lumuwas ang dalawa sa probinsya nila Mark. Kahit na sa sasakyan ay pinagkakamalan silang magkapatid o kaya naman ay mag-ina dahil halata ang pagiging mas bata ng binata. Subalit wala naman iyon sa kanila. Ilang oras pa, narating na nila ang munting baryo nila Mark.

Pagkarating ay agad na pumasok si Mark sa kwarto kung saan nakaratay ang kaniyang ama. Naiwan si Tessie sa sala na nagtitingin ng mga litrato ni Mark noong siya ay bata pa. Ngunit nagimbal siya nang makita ang pamilyar na mukha. Pumasok siya sa kwarto upang kumpirmahin. Totoo nga- ang ama ni Mark ang dati niyang nobyo na nagtakas ng kaniyang anak! Hindi napigilan ni Tessie ang lumuha sa labis na bigat na naramdaman. Dito niya napag-alaman na ang kaniyang kinakasama ay ang kaniyang anak! Mabilis na tumakbo si Tessie nang walang paalam kay Mark dahil sa labis na hiya nito sa kaniyang mag-ama.

Isnag buwan ang nakalipas, tuluyan nang hindi nagparamdam si Tessie kay Mark. Lumuwas ito sa kaniyang kapatid sa ibang bansa upang makapagbagong buhay. Nais man niyang maging ina sa kaniyang anak, ngunit hindi niya ito kayang harapin. Buwan buwan naman ay nagpapadala siya ng pera at mga kagamitan kay Mark at sa ama nitong may sakit. Itinigil niya ang kaniyang panlalalaki dahil nagkaroon siya ng panibagong dahilan upang kumayod at bumawi sa kaniyang anak.

Advertisement