Hindi Magkasundo sa Kanilang mga Desisyon ang Magkasintahan; May Matamis na Wakas Pa Kayang Naghihintay sa Kanila?

Hindi Magkasundo sa Kanilang mga Desisyon ang Magkasintahan; May Matamis na Wakas Pa Kayang Naghihintay sa Kanila?

FamilyHeartbreakingStories

Sino ba namang mga magulang ang hindi naghangad ng marangyang binyagan para sa kaniyang magiging anak? Iyan ang pinagtatalunan ng magka-live in partner na sina Ara at Lino. 

“Lino, makinig ka kasi sa akin. Mas mainam ang mungkahi ko na matapos ang binyagan, magpunta na lang tayo sa isang restaurant kasama ang mga Ninong at Ninang, tapos sina Mama at Papa. Mas makakatipid tayo sa ganoon. Mas praktikal iyon. Kaysa naman sa gagastos pa tayo nang pagkamahal-mahal,” giit ni Ara sa kay Lino. 

i can't take this anymore - asian couple arguing stock pictures, royalty-free photos & images

“Ayoko. Gusto ko magarbo ang magiging binyagan ni Baby. Ano na lang ang sasabihin ng mga kumpare ko? Sa resort na lang tayo, nang sa ganoon, matapos ang binyagan eh makalangoy pa sa swimming pool ang mga bisita natin. Tapos siyempre, mas masaya kung may inuman pa kami ng mga kaibigan ko. Mas maganda ‘yon,” sabi naman ni Lino. 

“Hay naku, Lino! Saan naman tayo kukuha ng budget? Hindi na kakayanin ng budget natin,” sabi naman ni Ara. Maganda naman sana ang ideya ni Lino subalit ang iniisip ni Ara, ang magiging budget. 

“Ako na ang bahalang dumiskarte. Huwag mo nang alalahanin ang bagay na iyan.”

Hinayaan na lamang ni Ara si Lino sa diskarte nito. Dumulog siya sa kaniyang inang si Aling Melba, upang humingi ng payo sa kaniyang problema. 

“Ganyan talaga ang buhay mag-asawa, Ara. May mga pagkakataon talagang hindi kayo magkakasundo sa maraming mga bagay. Pero napag-uusapan naman iyan. Mabuti nga at hindi pa kayo kasal. Wala rin namang masama kung mag-iisip-isip ka, kung dapat mo ba talagang pakasalan iyang si Lino. Kasi kung ngayon pa lang na magkasama na kayo sa iisang bahay eh hindi kayo magkasundo, sa tingin mo ba, may pagkakaiba kapag kasal na kayo?” payo ni Aling Melba. 

“Tinatakot mo naman ako ‘Nay eh…” naiiyak na sabi ni Ara sa kaniyang ina. 

“Anak, hindi kita tinatakot. Nagiging realistiko lamang ako. Tingnan mo ang nangyari sa amin ng Tatay mo. Madalas kaming magbangayan noon. Kaunting pagkakamali, nakakibot kaagad kami sa isa’t isa. Eh ‘di nauwi rin kami sa hiwalayan?”

Talagang pinag-isipan ni Ara ang mga sinabi sa kaniya ng ina. May punto naman ito. 

Hanggang sa natuloy na nga ang marangyang binyagan ng kanilang anak na si Eli sa isang resort. Masaya ang lahat. Kumuha pa si Lino ng entertainer na clown. May catering. Maaaring gumamit ng pasilidad ng resort matapos ang seremonya. May photoshoot area pa para sa mga nagnanais ng souvenir. 

Nagulat si Ara nang makita ang dating nobya ni Lino na si Cheska. Hindi naman niya ito inimbitahan. Palihim niyang kinompronta si Lino. 

“Bakit narito si Cheska, ang ex mo? Bakit mo siya inimbitahan dito?” untag ni Ara kay Lino. 

“K-Kuwan kasi, siya kasi ang gumastos nito. Siya yung nag-pledge,” sabi naman ni Lino. 

Nanlaki ang mga mata ni Ara. 

“Nasisiraan ka na ba ng bait? So ang sumagot ng binyagan ng anak natin, ex-girlfriend mo? Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko?!” galit na galit na sabi ni Ara kay Lino. 

“Eh wala namang masama eh. Wala naman sigurong isyu roon? Si Cheska naman ang nagboluntaryo.” sabi ni Lino. 

portrait of smiling mature woman at family dinner party in backyard - classy asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

Iyan ang problema kay Lino. Masyadong mababaw ang mga pang-unawa nito sa mga bagay-bagay. Kulang sa pagsusuri sa mga bagay-bagay. 

Halos magpuyos ang damdamin ni Ara lalo na nang makita niyang magkausap sina Lino at Cheska, na para bang sweet na sweet sa isa’t isa. Hinahawakan ni Cheska sa mukha si Lino. Si Lino naman, parang walang pakialam kung may makakita sa kanilang dalawa, gayong alam naman niyang naroon din sa resort ang mga kaanak ni Ara, gayundin ang kanilang mga kaibigan. 

“Walang paggalang sa pagkakabae mo ang kinakasama mo, anak. Tingnan mo naman. Nakikipagharutan sa ibang babae, kahit na alam niyang narito ka? Kung ngayon pa lang na hindi pa kayo kasal eh nagagawa niya iyan sa iyo, huwag ka nang umasa pang magbabago pa iyan,” paalala sa kaniya ni Aling Melba. 

Matapos ang binyagan, isang desisyon na ang ginawa ni Ara. Tutal, sa kaniya naman nakapangalan ang kanilang anak, hiniwalayan na ni Ara si Lino, lalo na nang malaman niyang may ugnayan pa pala ito kay Cheska. 

Hindi naman tumutuol si Lino. Sinabi nito na mahal na mahal pa rin nito si Cheska. Sa tantiya ni Ara, mas mayaman kasi si Cheska sa kaniya kaya ipinagpapalit siya ni Lino rito. 

Hinayaan niyang sumama si Lino kay Cheska, basta’t sa kaniya mapupunta ang bata. Hindi naman sila kasal, siya ang ina ng bata, at sa kaniya naka-apelyido ito.

close up of mixed race newborn baby in christening gown - christening of an asian baby stock pictures, royalty-free photos & images

Napagdesisyunan ni Ara na ilalaan na lamang niya ang kaniyang oras at panahon sa pagtatrabaho at pag-aalaga sa kaniyang anak nang mag-isa lamang. Mas mainam na ito kaysa naman sa may kasama nga siya, sakit naman ng ulo at puso ang dulot sa kaniya. 

More Stories