Inday TrendingInday Trending
Inakit ng Babae ang College Crush Kahit Alam Niyang Pamilyado na Ito; Napakalaking Kahihiyan ang Inabot Niya Dahil Dito

Inakit ng Babae ang College Crush Kahit Alam Niyang Pamilyado na Ito; Napakalaking Kahihiyan ang Inabot Niya Dahil Dito

Nagtatrabaho si Jenny bilang manager sa isang kilalang call center. Astigin ang pananamit nito at todo kung pumorma. Kaya naman, hangang hanga sa kaniya ang mga kaibigan at dating kaklase. Palibhasa’y mahiyain at pinagtatawanan lamang ito noong siya’y nasa kolehiyo pa. Hindi kasi ito kagandahan at sadyang napakapayat pa.

Ang panganay na kapatid nitong si Jelyn ay nakapangasawa ng mayamang Amerikano kaya’t tuwing siya ay nakakapag-leave ay pinapupunta siya nito sa Amerika upang madalaw ang mga pamangkin. May isang pagkakataon na humingi si Jelyn ng tulong upang maalagaan niya ang mga anak nito. May importante daw itong lalakarin. Agad namang pumayag si Jenny sapagkat isang sabi niya lang sa kapatid ng gustong mga gadgets o pangpa-byuti ay agad na ibinibigay nito. Napilitan si Jenny na mag-resign sa trabaho upang tulungan muna ang kapatid.

Nanatili sa Amerika si Jenny ng tatlong buwan at nang umuwi ay lalong nag-iba ang ugali nito. Napansin ng mga kaibigang naging maarte itong magsalita at lalong naging seksi manamit.

Nang nagkaroon ng reunion ang kanilang college friends ay nagkitang muli si Jenny at ang negosyante nitong kaklase na si Phillip kasama ang asawang si Trish. Natuwa si Phillip sa mga kuwento ni Jenny. Bidang-bida nito ang trabaho sa call center. Siya daw ay mahusay na manager at ang kaniyang mga hawak na tao ang pinakamagagaling sa lahat.

Bilang isang negosyante ay inanyayahan ni Phillip si Jenny na maging business partner. Lingid sa kaalaman ni Phillip, college pa lamang ay malaki na ang paghanga sa kaniya ni Jenny. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog kay Phillip. Napakaguwapo na, napakamaginoo pa. Dagdag mo pa na lagi itong pinakamataas ang grado sa klase.

Sinasaway ni Jenny ang sarili sapagkat alam naman niyang pamilyado na si Phillip. Dalawa na ang anak nito at mukha namang masaya ito sa piling ng asawang si Trish. Napakalayo ng itsura ni Trish kay Jenny. Kahit hindi bongga kung mag-ayos, lumulutang palagi ang simpleng ganda ni Trish. Si Jenny naman ay pinagtitinginan lamang dahil sa napakaikli nitong palda at halos nakaluwa nang dibdib.

Nagkitang muli si Phillip at Jenny sa isang coffee shop upang mapag-usapan ang nasabing negosyo nito. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil wala na ang asungot na asawa nitong palagi na lamang bitbit ni Phillip saan man magpunta.

Habang pinag-uusapan ang negosyo’y hindi mapakali si Jenny. Paano ba nama’y iyon pa din ang gamit na pabango ni Phillip. Ang pabangong usap-usapan ng kaniyang mga kaklase noong college. Amoy na makalaglag panty ang tawag nila rito.

Hindi nakatiis si Jenny at nagpakita na ito ng kapangahasan kay Phillip.

“You’re unbelievable, bro! Iyon pa rin ang gamit mong perfume? May factory ka ba niyan sa bahay?” Nanlalanding saad ng dalaga.

“Uy, hindi. May supply lang talaga. Si Trish e. Sobrang maasikaso. Paggising ko nakahanda na lahat. Pati mga damit ko, siya na bumibili.” Paliwanag ni Phillip. Tila hindi na ito kumportable sa ginagawa ni Jenny.

“Ah, ok. Hindi ka ba nabobore? Para kasing ang tahimik ni Trish. Yeah, maganda siya and all. Parang wala lang fun.” Pataray na saad ni Jenny.

“Hahaha! Maling mali ka diyan. Sa aming dalawa ako yung boring. I-stalk mo siya sa Facebook pag-uwi mo.” Pagbibida ni Phillip sa asawa.

Hindi maipaliwanag ni Jenny ang matinding selos na nadarama, medyo naiinis na rin siya dahil bukambibig nito ang plain at walang kalatuy-latoy na misis nito.

Nang makauwi ng bahay ay agad nitong in-add si Trish sa Facebook. Naroon na ito’y nag scuba diving. Grabe pala ang kurba ng katawan nito, akala mo’y hindi pa ito nanganak. Sadyang hindi lang ito mahilig magpakita ng balat. Siguro’y ayaw din ni Phillip. May litrato din itong nagtuturo ng piano at painting sa mga anak. Magaling din pala itong mag make up, ang gaganda ng mga ikinasal na kaniyang minake-upan.

Maya-maya’y nakita niya ang litrato ng mag-asawa. Nakahalik pa si Phillip sa pisngi ni Trish. Ika niya, ano kaya ang pakiramdam na mahalin at pakasalan ng isang kagaya ni Phillip.

Naisipan niyang magpunta ng salon upang magpaputol ng buhok at magpa byuti, alam niyang bukas ay nakatakda ulit silang magkita ni Phillip.

Kinabukasan, pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang napakagwapong mukha ni Phillip.

Pinapasok niya muna ito at agad naman siyang tumungo sa banyo upang magkunwaring maliligo. Paglabas nito ng banyo ng nakatapis lamang ay sadya niyang tinanggal sa pagkaka-ipit ang tuwalyang tanging saplot lamang niya at nagkunwaring nalaglag lamang ito.

“Oh, my God, Jenny! Bakit ba kasi lumalabas ka ng banyo ng ganyan lang ang suot mo! Sa labas na lang ako maghihintay!” Galit na galit si Phillip sa nakita sapagkat nahahalata na nito ang ginagawa ng babae.

Pahiyang-pahiya si Jenny sa sarili, maya-maya’y kinausap siya ni Phillip habang nakatayo sa tabi ng sasakyan nito.

“Jenny, alam mong pamilyado na akong tao. Magpasalamat ka at matino akong lalake kasi kung sa iba yan, papatulan ka talaga. Alam kong hindi iyan ang tunay na Jenny. Ang tunay na Jenny ay yung mabait, mapagkumbaba, simple lang at mabuting tao.”

Hindi naman nagpasaway si Jenny at dali-daling madiing hinalikan sa labi si Phillip. Sakto naman na dumating si Trish at nakita ang nangyari. Nagulat din si Jenny sapagkat hindi niya inaasahan na darating ito.

Napatakip na lamang ng bibig si Trish at biglang umalis.

Hindi alam ni Phillip ang gagawin sa inaktong iyon ni Jenny. Magkahalong galit at awa ang nararamdaman niya sa babae ngunit tila natutuwa pa ito sa nangyari.

“Nasarapan ka naman di ba? Ituloy na natin to. Pasok tayo sa kuwarto ko.” Mapangahas na paanyaya ni Jenny.

Sa sinabing iyon ni Jenny ay napalitan ng purong galit ang naramdaman ni Phillip at itinulak ang dalaga. Sinampal siya nito at akmang susuntukin pa ngunit unti-unti namang natauhan ito at huminto sa ginagawa.

“Jenny, sorry! Sorry! Sorry! Hindi mo kasi alam, may taning na ang buhay ni Trish. Naabutan niya pa tayo sa ganoong sitwasyon dahil sa kalokohan mo! Lahat ay ginagawa ko para mapasaya siya sa nalalabing oras niya sa mundo pero winasak mo yon! Kaya nga kita kinukuhang partner dahil gusto ko munang huminto sa ginagawa ko! Para matutukan ko si Trish! Pero anong ginagawa mo? Dahil sa yo nasaktan ko ang damdamin ng pinakamamahal kong asawa!” Galit na galit na pahayag ni Phillip.

Sukdulan hanggang langit ang pagkapahiya ni Jenny. Masyado siyang nagpadala sa nararamdaman niya para kay Phillip, may malalim na pala itong pinagdaraanan. Natauhan na ito sa wakas.

Agad naman nitong pinuntahan si Trish at nagulat ang dalaga sa sagot nito.

“Alam ko namang hindi ako lolokohin ng asawa ko, Jenny. Sana huwag mong gawin iyan sa sarili mo. Maraming lalaki sa mundo at hindi pa huli ang lahat. Pero may tinatago din akong sikreto. Hindi totoo na may taning na ang buhay ko, Jenny. Nitong mga nakaraang dalawang taon ay wala nang ibang inatupag si Phillip kung hindi ang magtrabaho. Halos wala na siyang oras para sa akin at sa mga anak namin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya’t nagpanggap na lamang akong may sakit.”

Gulantang si Jenny sa nalaman ngunit naunawaan niya naman si Trish.

Nagdesisyon si Jenny na tanggapin ang alok na partnership ng mag-asawa at kalimutan na lamang si Phillip. Ilang buwan ang nakalipas at nagamay na niya ang negosyo. Halos ipagtabuyan niya ang mag-asawa upang makapag-date at makapag-out of town. Nakilala rin niya si Lance, ang manager sa negosyong pag-aari ni Phillip. Nanligaw ito sa kaniya ng tatlong buwan at paglaon ay nahulog na rin ang loob niya dito.

“Salbahe kayo ni Trish. May nalaman ako… Grabe talaga kayong mga babae, punong-puno kayo ng kadramahan sa katawan!!! Paano ba naman ako magagalit e buntis na ulit? Sa susunod wag naman ganon katindi ang gawing pagpapanggap! Hindi ginagawang biro ang buhay ng tao!” Naiinis na pahiwatig ni Phillip habang nasa likod ni Trish.

Sumesenyas naman si Trish habang nasa likod ni Phillip na okay na ang lahat at nakapagtapat na siya dito.

Simula noon ay natuto nang mag-balanse si Phillip ng buhay sa trabaho at pamilya.

Naging masaya na rin si Jenny sa piling ni Lance. Ikinasal sila sa beach side at nagkaroon ng tatlong anak.

Naging lalong maganda ang takbo ng negosyo ng mga ito kaya naman kumuha na lamang sila ng mga magagaling na taong magpapatakbo dito. Hawak na nila ang kanilang mga oras at namuhay sila ng maligaya at masagana.

Advertisement