Nagpanggap na Kostumer ang Pulis Upang Malaman Kung Ano ang Kakaibang Promo sa Isang Bagong Tayong Massage House; Ano nga Kaya ang Matutuklasan Niya?

Pinatawag ng kaniyang boss si PO1 Reymart Adulante upang bigyan siya ng isang natatanging trabaho. Iniabot sa kaniya ng boss ang isang folder na naglalaman ng isang ng mga kuhang larawan ng isang bagong tayong massage house sa Quezon City: ang “Hiyas with ES.”

“Gusto kong mag-under cover ka para malaman natin kung ano ang ES na tinutukoy nila,” utos sa kaniya ng boss.

“Hindi po ba ang ibig sabihin ng ES ay extra service? Ibig sabihin, hindi sila natatakot na ilagay sa mismong pangalan ng establisyimiento nila na gumagawa sila ng kabalbalan?” tanong ni Reymart sa kaniyang boss.

“Oo nga eh. Kaya nga gusto kong malaman kung ano ang ES na iyan na ayon sa aking mga napagtanungan ay masarap daw. Isa pa, puro mga babae ang masahista riyan, kaya mas nakakatakot. Ganito ang gawin mo: bago natin lusubin sa pamamagitan ng raid ang massage house na iyan, alamin mo muna nang personal ang mga nangyayari sa loob. Ayokong makuryente tayo sa maling impormasyon at nakakahiya na ang imahe natin sa publiko,” sabi ng boss ni Reymart.

“Ano po ba ang mainam gawin para mapasok ang loob nila? Kunwari kaya ay iinspeksyunin ko?” mungkahi ni Reymart.

“Sira ka ba, eh di nakapaghanda na kaagad sila. Saka ayoko nang ganoon. Gusto ko, pumasok ka sa loob bilang customer. Ikaw mismo ang sumubok ng ES nila. Nang sa gayon, matibay ang ebidensiya natin dahil ikaw mismo ang saksi,” saad ng boss. 

“Naku, lagot sir, baka outside de kulambo ako nito kapag nagkataon kay misis,” napapakamot na sabi ni Reymart. “Sa totoo lang po hindi pa ako nakakapasok sa mga massage house. Si misis lang po ang nakakapagmasahe sa akin. Saka… wala ho akong budget para diyan…”

Napabuntung-hininga na lamang ang kaniyang boss. Humugot ito ng isang libong piso at iniabot sa kaniya.

Advertisement

“Oo nga pala, ang sabi sa report sa akin, kapag yung premium ang kinuha mo, saka ka bibigyan ng ES. Banggitin mo na premium ang package mo para malaman mo kung ano yung ES ‘na yan. Galingan mo ha.”

Kinabukasan, nagsadya na nga si Reymart sa naturang massage house. Napansin niyang puro magagandang babae nga ang mga masahista at maging receptionist. Karamihan sa mga nagpupunta ay mga lalaki, na matapos ang sesyon ay nakangiting lumalabas, na tila sarap-sarap sa “ES” na idinudulot nila, maliban sa aktuwal na pagmamasahe.

empty massage room in a beauty spa - massage house stock pictures, royalty-free photos & images

“Sir, ano pong gusto nila?” malambing na tanong ng receptionist.

“Premium…” bulong ni Reymart. Ngumiti naman ang receptionist.

“Isang oras at kalahati po iyon, may ES din po…”

“Ano pala yung ES?” untag ni Reymart.

“Sikreto po, sir… saka sir, may pipirmahan po kayo rito na kasunduan, na hindi po ninyo sasabihin kahit kanino kung ano ang ES namin. Bibigyan po namin kayo ng loyalty card, at kapag nagawa po ninyong hindi ipagsabi kahit kanino ang tungkol sa ES namin, libre na po ang massage ninyo sa susunod.”

Kaya pala maraming bumabalik-balik sa massage house na iyon dahil sa kakaibang gimik nila. Pumirma naman si Reymart, at nagawa niyang kuhanan ng larawan sa pamamagitan ng camera ng kaniyang cellphone ang nilalaman ng kasunduan.

Advertisement

Maya-maya, tinawag na siya ng masahista, na isang seksi at magandang babae. Pinahiga na siya nito at pinagtanggal na ng damit. Salawal na lamang ang natira sa kaniya. Nagsimula na ang masahe. Sa totoo lang, nasarapan si Reymart sa hagod ng masahista, kaya muntik na niyang makalimutang naparoon siya upang alamin ang totoo sa likod ng “ES.”

Maya-maya, bumulong na ang masahista. “ES sir..?”

“Sige. Masarap ba ‘yan?” sagot ni Reymart.

“Oo naman po, sir. Masarap na masarap po. Tiyak na titirik po ang mga mata ninyo sa sobrang sarap. Ako po ba ang gusto ninyong gumawa, o iba pang mga kasama ko?” malambing na tanong ng masahista. 

“Puwede pa mamili? Sino-sino ang mga pamimilian?”

Hindi sumagot ang masahista. Tinawag nito ang tatlong magagandang kasamahan at tila mga sasali sa pageant na kaniya-kaniyang posing.

“Paano kung lahat kayo?” saad naman ni Reymart.

“Ay hindi po puwede, sir. Isa lang po sa amin ang magbibigay ng masarap na ES sa inyo…” nakangiting sabi ng masahista niya. 

Advertisement

“Sige, ikaw na lang…” sagot ni Reymart. Nakaramdam siya ng kakaibang kislot ng kaniyang alaga sa katawan dahil unang beses niyang maranasan ang ganito, subalit pinagalitan niya ang kaniyang sarili dahil naparito nga siya para sa kaniyang misyon. 

Saglit na umalis ang masahista, at sa pagbabalik nito, may dala na itong tray na kinalalagyan ng tatlong tea pot at isang tasa.

“Sir pili na lang po kayo ng extra salabat na gusto ninyo: may tatlo po tayong variant: chamomile, green tea, at lavender,” nakangiting sabi ng masahista.

Napamaang ang pulis sa kaniyang nalaman.

“Ang ibig sabihin ng ES ay extra salabat?” gusto niyang humagalpak ng tawa subalit pinigilan niya ang sarili.

“Opo, sir. Kami lang po ang may ganitong extra salabat, na talaga namang napakasarap! May kasama pa pong galyetas.”

cup of black tea served with biscuits - tea pot stock pictures, royalty-free photos & images

Tawang-tawa ang boss ni Reymart nang i-ulat na niya rito ang tungkol sa kaniyang natuklasan. Isa lamang pala itong promotional technique upang makahikayat ng mga customers. Walang dapat i-raid dahil maayos naman pala ang “Hiyas with ES Massage House.”