Parehong Liberal ang Mag-asawa Kaya Naghanap Sila ng Bago sa Kanilang Relasyon; Pareho Nilang Napagkasunduang Humanap ng mga “Kalaro”

Tatlong taon nang kasal sina Vim at Jane, subalit wala pa rin silang anak. Ipinasya nilang manirahan sa Canada nang sila ay lumagay sa tahimik. Hindi dahil sa may problema ang isa sa kanila. Pinili nilang huwag munang magkaroon ng aalagaan. Pareho kasi silang outgoing at liberal mag-isip; para sa kanila, hindi porke’t nakatali na sila sa lisensiya ng kasal, mapipigilan na silang gawin ang mga gusto nila.

Dumating na rin sila sa puntong nagkakasawaan na sila, bagama’t masasabing mahal naman nila ang isa’t isa. Isang gabi, matapos nilang magsiping ay nag-usap sila nang masinsinan.

“Babe, nagsasawa na ako sa set-up natin. Parang kailangan natin ng something new? What do you think?” untag ni Jane sa mister. Saglit siyang tumayo at kumuha ng wine at dalawang kopita.

New drug for 'mild alcoholics' drinking two glasses of wine a ...

“Bakit, ayaw mo na ba sa akin? Hihiwalayan mo na ba ako?” nakangiting tanong ni Vim sa misis, bagay na alam niyang hindi nito gagawin. Tama nga siya. Sinapok siya nito sa mukha, subalit pabirong sapak lamang.

“G*go, hindi. Pinakasalan kita kasi gusto kong magsettle down sa iyo kahit alam kong fu** girl ako noong araw. Parang, gusto kong magspice up sa relasyon natin. Ewan. Kung papayag ka…” sabi ni Jane.

“You are free to suggest naman. Ano iyon?” Alam mo namang game lang ako, basta masaya ka. Ibang posisyon ba gusto mo?” sabay kindat ni Vim sa misis.

“What if magkaroon tayo ng ibang kapartner? Ako, maghahanap ako ng ibang lalaki. Ikaw, puwede ka ring maghanap ng ibang babae. At the end of the day tayo pa rin ang magkasama at legal na mag-asawa,” walang kagatol-gatol na mungkahi ni Jane.

Napatingin si Vim sa misis. Tinitigan ito nang diretso sa mga mata. Hinahagilap niya kung nagbibiro ito. Ngunit bigo siya. Seryoso ito.

Advertisement

“Sige na, Vim. Like, ayoko namang magkasala sa iyo. Of course mahal kita pero, gusto ko ring makatikim ng iba. Kaya gagawin ko na lang sa harap mo. In return, puwede ka ring tumikim ng iba. Para wala kang masabi. Para fair sa iyo.”

Bumalikwas ng bangon si Vim. Napaupo siya sa gilid ng kama. Hinarap niya ang misis na masyadong palaban.

“Sigurado ka ba? Ikaw… bahala ka.”

“Yehey! Sige, ganito. Hahanap ako ng lalaki, pero dito lang namin gagawin. Isasali natin. Tapos, hanap ka rin ng babae na papayag. Liberated naman mga tao rito eh. Apat tayo. Deal?”

“Deal,” tugon ni Vim.

Asian couple stretching on bed in bedroom: Royalty-free images ...

Walang nagawa si Vim kundi ibigay ang hilig ng asawa. Sa totoo lang, gusto rin naman niya. Subalit may kaunting bahagi sa kaniyang puso na nasaktan siya sa gusto ng misis. Pakiramdam niya kasi, hindi pa siya sapat upang mapasaya ito.

At nagsimula na nga ang kakaibang laro ng mag-asawa. Hinayaan ni Vim ang kaniyang asawa na humanap ng ibang “kalaro” nito, ngunit sa kondisyon na sa bahay lamang nila gagawin, at sa harap lamang niya. Gayundin, naghahanap din siya ng babaeng papayag sa set-up nila. At hindi naman sila nabibigo. Minsan ay banyaga, minsan ay kapwa Pilipino.

Hindi maatim ni Vim na makitang may ibang lalaking gumagalaw sa kaniyang asawa. Kaya kapag turno na niya, talagang ginagalingan niya upang mabaling sa kaniya ang atensyon ng asawa. Subalit naiinis si Vim dahil parang nakikita niyang mas nag-eenjoy si Jane sa mga lalaking dinadala nito. Kaya bilang ganti, talagang dinadala niya sa glorya ang babaeng dala-dala naman niya.

Advertisement

Isang gabi, muling nag-usap nang masinsinan sina Vim at Jane.

“Vim, ayoko na.”

Napabalikwas si Vim. Kinabahan siya. Hihiwalayan na ba siya ng misis?

“Ayaw mo na sa akin? Makikipaghiwalay ka na? Alin, sasama ka na kay George? Kay Jack? O kay Sam? Sino sa kanila?” tiim-bagang na tanong ni Vim sa asawa. Napaparanoid siya sa tuwing nakikita ang halinghing at sarap na nakabadha sa mukha ng misis kapag pinaliligaya ito ng ibang lalaki, sa mismong harapan niya.

“Agad? Bakit mo naman naisip iyan? Hiwalay kaagad? Baka naman mas maligaya ka na sa tahong ni Courtney, ni Stacy, o ni Suzette? Todo-bayo ka sa kanila eh. Mas matindi nga ang pagsisid mo sa kanila kaysa sa akin eh…” nagseselos na sumbat ni Jane.

Nagkatinginan silang dalawa. Katahimikan. Pagkatapos, nagsunggaban silang dalawa. Umaatikabong romansa ang naganap. Dinala nila sa ikapitong glorya ang isa’t isa. Mas mataas na glorya. Mas mataas na antas. Antas na hindi kayang arukin ng mga kalaro nila. Mahal nila ang isa’t isa.

Hands of Couple During Sex. Stock Footage Video (100% Royalty-free ...

Patang-pata at humihingal ang dalawa nang makatapos. Malamig ang aircon sa kanilang silid, ngunit pawisan sila.

“Itigil na natin ang paglalaro, Vim. Mahal kita. Mahal na mahal. Nagseselos ako kapag nasa piling ka ng iba. Kasal na tayo. Hindi na tayo dapat naglalaro pa. Ako ang humingi nito, pero bumalandra sa akin. Masakit. Akin ka lang, Vim,” anas ni Jane sa mister.

Advertisement

Hindi sumagot si Vim. Sa halip, bumaling siya sa asawa at siniil ito nang marahan, masuyong halik.

Itinigil nila ang kakaibang pakikipaglaro at itinuon ang kanilang atensyon sa kung paano mapapalawig ang kanilang relasyon, sa mas maayos at matinong paraan. Makaraan ang isang taon, nagkaroon na rin sila ng supling, dahil handa na sila sa responsibilidad ng pagiging magulang. Iyon lamang pala ang hinahanap-hanap nilang “spice” sa kanilang relasyon, na ipinagkaloob naman sa kanila.