‘Prank’ lang Sana ang Kunwaring Panghuhuli Niya sa Relasyon ng Kaniyang Nobyo at Kapatid; May Katotohanan Pala Siyang Matutuklasan

‘Prank’ lang Sana ang Kunwaring Panghuhuli Niya sa Relasyon ng Kaniyang Nobyo at Kapatid; May Katotohanan Pala Siyang Matutuklasan

FamilyHeartbreakingStories

Maagang nagising si Angel nang araw na iyon upang maghanda ng isusuot niyang damit para sa kaarawan ng kaniyang nakababatang kapatid na si Bea na maglalabing siyam na taong gulang na ngayon. Habang siya ay naghahanda, tinawagan niya ang kaniyang nobyo at sinabing dumaan ito sa isang malapit na mall para bumili ng ireregalo sa kapatid niya, ngunit tumanggi ang kanyang nobyo dahil may iba pa raw itong dadaanan, kaya naman mag-isa na lang pumunta si Angel sa mall upang bumili ng maireregalo sa kapatid.

Habang naglalakad-lakad si Angel ay nag-iisip siya kung ano’ng maireregalo sa kapatid. Halos lahat naman ay na kay Bea na dahil galing sila sa mayamang pamilya. Hanggang sa napatigil siya sa isang tindahan ng mga kwintas. Naisipan naman niyang pumili ng kwintas na magkaparehas para sa kanilang dalawa ng kapatid.

Habang nagmamaneho si Angel papunta sa birthday party ng kapatid niya ay naisipan niyang i-prank si Bea. Naalala niya kasi na mahilig manuod ng mga gano’n si Bea sa internet. Kunwari ay nalaman niyang may relasyon ito at ang boyfriend niyang si Aaron. Habang nagmamaneho sya ay natatawa siya sa naiisip niya.

Nang makarating na si Angel sa bahay ng kapatid niya ay agad siyang nakipagbeso sa mga kaibigan at bisita. Nang makita niya ang kanyang ina ay agad niya itong niyakap at tinanong kung nasaan si Bea. Sinabi naman nitong nasa kuwarto lang ang kaniyang kapatid.

Habang naglalakad si Angel ay nakasalubong niya ang kaniyang nobyong si Aaron. Nagtaka naman si Angel kung bakit naroon na agad si Aaron gayong kasasabi lamang nitong may iba pa itong pupuntahan. Pilit na lamang siyang ngumiti at kinausap ang nobyo.

“Hon, bakit nandito ka na agad? Akala ko ba mala-late ka?” tanong ni Angel dito.

“Na-cancel ’yong meeting ko, Akala ko nandito ka na kaya dito na ako dumiretso,” sagot naman sa kaniya ni Aaron bago ito nagpaalam na pupunta lamang sa banyo. Hindi na inintindi ni Angel ang nararamdamang pagtataka, at nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.

Nang marating niya ang kuwarto ng kapatid ay huminga muna siya nang malalim. Isasagawa na niya ang kaniyang planong pangpa-prank dito kaya naman pinigilan niyang matawa nang buksan na niya ang pintuan.

“Bea, kailan nyo pa ako niloloko ni Aaron? Anong klase kang kapatid?!” Pinipigilan ni Angel ang matawa nang makitang gulat na gulat ang reaksyon nito.

“I’m really sorry, Ate. Sasabihin ko naman talaga dapat sa ’yo ang tungkol sa amin ni Aaron, e!” naiiyak na sagot naman ni Bea sa kaniya.

“Hindi ko inaasahang mangyayari ito, Bea. Prank lang dapat ito, e! Papaanong totoo na pala?!” Naiiyak na sabi ni Angel sabay abot ng regalo niya para sa kapatid. “Happy Birthday, Bea. Alam mong mahal na mahal ka ni ate, ’di ba? Lahat, gagawin ko mapasaya ka lang.”

Humahagulhol si Angel nang lumabas siya sa kwarto ng kapatid. Dumiretso siya sa salas at akma na sanang lalabas nang makasalubong niya si Aaron doon. Lalo siyang nahabag sa kaniyang sarili. Gusto niyang magalit ngunit mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa mga ito.

Dahil doon, imbes na sumbatan ay binigyan niya si Aaron ng isang mahigpit at huling yakap. “Thank you sa 3 years, Aaron. Alagaan mo si Bea ha? Alam n’yo kung gaano ko kayo kamahal.”

Hindi na hinayaan pa ni Angel na makapagsalita si Aaron at iniwan niya ito. Simula noon ay nilayuan niya sila, maging ang sariling pamilya at hindi na siya nagpakita pa sa mga ito.

Makalipas ang limang taon ay bumalik si Angel sa Pilipinas upang doon na ulit manirahan. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang.

Ang hindi niya alam ay naroon din si Bea at ang asawa na nito ngayong si Aaron. Simula nang malaman niyang may relasyon ang kapatid niya at kanyang nobyo noon agad syang umalis at lumipad patungong America. Alam niyang nagpakasal na ang kapatid niya at ang dati niyang nobyo ngunit hindi na siya dumalo roon upang hindi siya makagulo. Ngayon ay mayroon na silang mga anak. Isang babae at isang lalaki.

Humingi ng tawad si Bea sa kaniyang ate at ganoon din si Aaron. Labis silang nagsisisi sa ginawa nilang panloloko sa kaniya noon, ngunit para kay Angel ay tapos na ’yon. Mas mahalaga pa rin para sa kaniya ang pagmamahal niya para sa kapatid. Kinailangan lamang talaga niyang magpahilom ng sugat sa kaniyang puso at ngayon ay handa na ulit siyang mabuo silang pamilya.

More Stories