“Stage Mother” Kung Ituring ang Nanay ng Dalagita; Hanggang sa Siya Naman ang Naging “Step Daughter” Para sa Pansariling Laban Nito

“Stage Mother” Kung Ituring ang Nanay ng Dalagita; Hanggang sa Siya Naman ang Naging “Step Daughter” Para sa Pansariling Laban Nito

FamilyInspiringStories

Stage mother na kung stage mother ang tawag, subalit sa alinmang laban ng kaniyang kaisa-isang anak na babae, talagang naroon si Carol. Talagang lumiliban siya sa kaniyang trabaho para lamang mapuntahan at maipakita ang suporta sa kaniyang unica hija na si Chesca.

isn't that enough blusher already, mom? - stage mother stock pictures, royalty-free photos & images

Dahil sa charm at gandang taglay, laging nakukuhang kandidata ng Miss United Nations si Chesca. Lagi rin itong nananalo, kaya naman ipinagmamalaki niya ito sa kaniyang mga amiga.

“Ang ganda at ang galing-galing ni Chesca, mare!” pagbati ng kaniyang kumareng si Dessa, nang isama niya ito bilang photographer sa program sa paaralan. Ito na rin ang nagsisilbing katuwang ni Carol sa pagbibihis sa kaniyang anak. Noon ay nasa Junior High School na si Chesca at talaga namang namumukod-tangi ang ganda nito.

“Siyempre, kanino pa ba magmamana?” at nag-beautiful eyes pa si Carol. Nang lumabas ulit si Chesca sa entablado ay nagpalakpakan ang mga tao. Proud na proud naman si Carol. Para siyang nakalutang sa alapaap.

“Mare, balak mo bang ipasali ang inaanak ko sa Miss Universe o kahit na saang beaucon? Naku, may future ang batang iyan,” saad ni Dessa.

“Naku mare… sa totoo lang, hindi ko naman talaga pine-pressure ang batang iyan. Yung mga pagsali-sali niya sa contest, kusang-loob niya iyon. Sa totoo lang, hindi ako kampante, hindi naman kasi ako mahilig talaga sa mga pagandahan. Naniniwala kasi akong hindi naman sukatan ng kagandahan ang panlabas na anyo ng isang tao. Pero dahil gusto ni Chesca, ang paniniwala ko ay hindi niya paniniwala. Narito lang ako para sumuporta sa mga gusto niya,” sagot ni Carol.

Dahil pasok sa top 3, dumaan si Chesca sa Q&A portion. At dahil sa likas na talinong taglay, siya ang may pinakamagandang naisagot. Dumagundong ang palakpakan sa buong gymnasium ng paaralan, at napatayo pa sina Carol at Dessa upang ipakita ang pagsuporta at pagmamalaki.

Hindi naman nagkamali si Carol. Si Chesca nga ang itinanghal na panalo.

Holding the winner's crown at the awarding ceremony of the Miss Tatarstan 2019 beauty pageant in Kazan Yegor Aleyev/TASS

“Proud na proud si Mommy sa iyo! Hindi man ikaw ang nanalo, proud pa rin ako sa iyo!” tuwang-tuwang sabi ni Carol sa anak nang sila ay nakauwi na. Bago umuwi, nagdiwang muna sila sa isang restaurant kasama ang Ninang Dessa nito.

“Thanks Mommy. Kung nabubuhay lang po siguro si Daddy, for sure proud din siya sa akin… biglang lumamlam ang mapupungay na mga mata ni Chesca. Naalala niya ang kaniyang ama, na maagang nawala sa mundo dahil sa isang sakuna. Isa kasi itong rescuer ng isang emergency-response team.

“Oo naman. I’m sure he is so proud of you. And always remember na for sure ay ginagabayan ka niya, nasaan man siya ngayon,” saad ni Carol sa kaniyang anak.

Isang talent scout ang nakakita kay Chesca at inaya itong mag-training para sa prestihiyosong “Miss Teen Universe.”

“Okay lang ba, Mom?” pagpapaalam ni Chesca.

“Oo naman. Kailan ba ako hindi sumuporta sa iyo? Pero… hindi ba maaapektuhan ang studies mo?” untag ni Carol.

“Hindi ko po pababayaan, Mommy. Of course, my priority is on top.”

Sumabak na nga sa training si Chesca. Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Pagkatapos ng klase, diretso na ito sa training.

Ilang buwan nang nagsasanay si Chesca, nang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Habang nasa opisina si Carol ay hinimatay ito. Masakit na masakit ang dibdib. Napag-alaman niyang may bukol pala ang kaniyang dibdib at kailangan na itong maoperahan sa lalong madaling panahon.

Nang malaman ito ni Chesca ang kalagayan ng kaniyang ina, huminto na siya sa kaniyang training.

“Bakit ka huminto sa training? Paano na ang Miss Teen Universe?” tanong ni Carol.

“Hindi na muna siguro, Mom. Mas kailangan mo ako sa tabi mo ngayon,” tugon ni Chesca.

“Kaya ko ang sarili ko anak, ano ka ba. Tuparin mo ang mga pangarap mo. Hindi nga lang ako makakapunta lagi sa tabi mo ngayon, pero I’m always here for you,” sagot ni Carol.

“Mom.. exactly my point. Lagi kang nariyan for me, sa mga pageants, sa mga program sa school na may part ako, kapag may mga laban ako; hindi mo ako iniiwan. At ngayong may laban ka, ako naman ang nasa tabi mo. I will cheer you up!”

“Yes, stage mother daw kita… and that’s true. I’m proud of it. And this time, let me be your stage daughter. Hindi po kita iiwan sa labang ito, Mom,” naluluhang sagot ni Chesca. Bumalong ang mga luha sa mga mata ni Carol. Natatakot siya sa anomang maaaring mangyari, ngunit alam niyang nariyan ang kaniyang anak na si Chesca upang umagapay sa kaniya.

germany, freiburg, woman holding hand of man in hospital, close up - a hand comforting a sick person stock pictures, royalty-free photos & images

Sa araw ng operasyon, hindi lumayo si Chesca sa tabi ng kaniyang ina. Ito naman ang ichi-cheer niya. Ito naman ang palalakasin niya ang loob. Kaya mo iyan Mom!”

Makalipas ang ilang oras ng operasyon…

“Doc, how’s my Mom?” nag-aalalang tanong ni Chesca. Kasama niya ang ninang na si Dessa. Napatingin sa kaniya ang doktor.

“She’s fine now. Good thing na mga namuong mass lang iyon at hindi malignant,” nakangiting sabi ng doktor.

At masayang namuhay ang mag-ina. Wala man ang kaniyang ama, alam nilang ang pagmamahal at suporta nila sa isa’t isa ay sapat na.

More Stories