May Kumalat na Eskandalosong Video ang Dalaga sa Kanilang Opisina, Bagay na Pinabulaanan Naman Niya; Malaman Kaya Niya Kung Sino ang May Kagagawan Nito?

Kung sikat na empleyado rin lamang ang pag-uusapan, nangunguna sa listahan si Celine. Beauty and brains ‘ika nga. Maganda na, matalino pa. Naungusan na ni Celine ang iba pang mga matatagal na sa kanilang kompanya. Dalawang taon pa lamang siya sa naturang kompanya, napromote na kaagad siya sa pagka-team leader, bagay na palihim na pinagngingitngit ng mga naiinggit sa kaniya.

portrait of young business woman in modenr co-working space - pretty asian woman in office stock pictures, royalty-free photos & images

Subalit nasira ang imahe ni Celine nang isang araw ay bigla na lamang siyang pag-usapan dahil sa isang malisyoso at sensuwal na videong kumakalat sa social media at ipinadadala sa email ng lahat ng empleyado: kitang-kita sa video ang kaniya’y pakikipagtalik sa isang lalaking hindi ipinakita ang mukha.

“Hindi ako iyan. Kitang-kita naman na ipinatong lang ang mukha ko sa katawan ng babae. Uso iyan ngayon, photoshop. Halatang edited lang. Gusto akong siraan,” pagkibit-balikat ni Celine.

“Sino naman sa palagay mo ang magtatangkang manira sa magandang pangalan mo?” tanong sa kaniya ni Pamela, ang kaniyang katrabaho na naging kaibigan na rin niya.

“Well, isang desperadong nilalang na malamang ay naiinggit sa akin. Isang taong gustong sirain ang pangalan at imahe ko, puwes nagkakamali siya,” saad ni Celine.

“Sinasabi mo bang narito lang sa kompanya ang gumawa niyan?” muling tanong ni Pamela.

“Malamang. Wala naman akong kakilalang may galit sa akin, o naiinggit sa akin, kundi ang malditang kasamahan natin si Lucilla. Makikita ng babaeng iyan ang hinahanap niya,” nanggagalaiti na sabi ni Celine.

“Celine, kailangan mo munang humanap ng ebidensiya. Alam mo namang palaban din si Lucilla. Kapag kinanti mo iyan, tiyak na hindi ka niyan uurungan. Mahirap na at baka kapag pinagbintangan mo siya na walang matibay na ebidensiya, ikaw pa ang pagbalingan niya. Ikaw na nga ang naagrabyado, baka ikaw pa makasuhan ng paninirang-puri,” paalala naman ni Thomas, isang beki nilang kasamahan.

Advertisement

“Ah hindi, hindi ako bababa sa level niya. Ipaliliwanag ko sa mga boss mamaya na hindi ako iyang babae sa malaswang video na iyan. Taas-noo kong sasabihin na hindi ako iyan,” saad ni Celine.

Ramdam ni Celine na siya ang pinag-uusapan ng lahat. Ang mga pailalim na tingin ng kaniyang mga kasamahan ay tila siya hinuhubaran, lalo na ang mga lalaki. Sa isip-isip ni Celine, wala siyang pakialam, alam niya sa kaniyang sarili ang totoo. Nakarating na rin sa kanilang mga boss ang tungkol sa kumakalat na sc@ndal video kaya ipinatawag siya ng mga ito.

“Celine, you have to understand na kaya namin ginagawa ito ay para rin sa pangalan mo at sa pangalan ng kompanya. We suggest na kausapin mo ang mga subordinates mo. Mahirap makuha ang tiwala ng mga tao kapag nagkaroon ng batik ang ating pangalan. As company leaders, kailangang morally upright tayo para wala silang mapupulaan sa atin,” paalala ng kanilang boss.

“Ipapangako ko po sa inyo, sir, na aayusin ko po ito. Magtiwala po kayo sa akin na hindi po ako iyan. Patutunayan ko po sa inyo. Mag-iimbestiga po ako para malaman kung sino ang gumagawa nito sa akin,” pangako ni Celine. 

Paglabas ni Celine, nakasalubong niya si Lucilla na talaga namang nagtaas ng kilay nang makasalubong siya. Ngumiti itong tila nang-uuyam.

“Hi Celine! How are you? I heard about that… ohhh… that video…” kunwari ay malungkot na sabi ni Lucilla.

“Ah oo nga eh. Thanks, Lucilla, sa concern. Hindi naman ako titigil hanggang hindi ko nalalaman at natutuklasan kung sino iyan. At kapag nalaman ko kung sino ang may pakana niyan, alam mo kung ano ang gagawin ko?” mataray na sabi ni Celine. Nakipagtitigan siya ng matatalim na titig kay Lucilla. 

“Ano…” palaban talaga si Lucilla at nakipagtagisan ng titig kay Celine, mga tipong parang napapanood sa teleserye.

Advertisement

“Mata lang niya ang walang latay… ipapanalangin kong magsara ang kemerut niya!” pagkatapos ay umalis na si Celine.

Makalipas ang tatlong araw, may kinakailangang dokumento si Celine, kaya nagtungo siya sa cubicle ng kaibigang si Pamela. Wala ito, ngunit hindi na siya makapaghihintay pa. Minabuti niyang pakialaman na ang laptop nito upang hanapin sa mga files nito ang dokumentong kailangan niya. Subalit isang folder ang aksidente niyang nabuksan. Nangunot ang kaniyang noo nang makita ang napakarami niyang larawan sa folder na iyon.

hands of african american woman typing on laptop - a hand using a laptop stock pictures, royalty-free photos & images

“Nasaan ang laptop ko?” pagbalik ni Pamela sa kaniyang cubicle.

“Pam, dinala ni Celine eh. Tapos bilin niya, diretso ka raw sa board room…” sabi ng isa sa kanilang mga kasamahan.

Pagdating sa board room, isang mag-asawang sampal kaagad ang napatikim ni Celine sa magkabilang pisngi ni Pamela. Inawat naman siya ng mga boss na naroon sa board room. Nakita ni Pamela na naroon ang laptop niya.

“Hayop ka, Pamela… itinuring kitang kaibigan pero ikaw lang pala ang gumawa ng scandal video na sumira ng imahe ko rito. Bakit mo nagawa sa akin ito? Ipaliwanag mo!” 

Hindi na nakawala pa si Pamela. Humingi siya ng tawad sa mga boss lalo na kay Celine. Nagawa raw niya iyon dahil sa lihim na pagkainggit kay Celine. Lagi na lang daw kasi ito ang napapansin ng mga boss.

“Magaling si Celine, Pamela. Walang halong personalan. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa mo,” sabi ng boss.

Advertisement

Pinatawad ni Celine si Pamela subalit kinailangan nitong magbitiw sa kaniyang trabaho at lisanin na ang naturang kompanya. Mali pala ang akala niya noong una na si Lucilla ang gumawa ng lahat. Hindi siya makapaniwala na tatraydurin siya ni Pamela. Napagtanto niya na hindi lahat ng mga taong may pakitang-giliw ay totoo o tapat.