Naging Agam-agam ng Babae Kung Balak Ba Siyang Pakasalan ng Kaniyang Live-in Partner; Paano Kaya Niya Malalaman ang Plano Nito?

Ilang beses nang pinanood ni Yumie ang pelikulang banyaga na ang tema ay tungkol sa babaeng nagnanais na mapakasalan ng kaniyang live-in partner, na hindi naniniwala sa konsepto ng kasal. Ang ending, binali nito ang prinsipyo dahil sa pagmamahal nito sa kaniya. Nakalagay ito sa kaniyang laptop at kapag libre ang oras niya, binabalik-balikan niya ito kahit alam na alam na niya ang takbo ng kuwento.

sad businesswoman looking at laptop while sitting by desk against blue background - asain woman crying stock pictures, royalty-free photos & images

Nakailang tissue paper na naman siya para pahirin ang luhang hindi niya mapigilan sa pagbalisbis. I know the feeling ‘ika nga. Ang sakit, bes! Relate na relate siya.

Apat na taon na silang nagsasama ng live-in partner na si Joel, pero parang wala pa itong balak pakasalan siya. Ni walang paramdam sa wedding proposal. Wala pa rin silang anak.

Pangarap ng mga babaeng gaya ni Yumie na maiharap sa dambana. Iyong maglalakad siya suot ang puting trahe de boda sa pasilyo ng simbahan. Ihahatid ng kaniyang Tatay sa altar. Sa dulo, naroon si Joel, nakangiti, nakaabang sa kaniya.

Pagkatapos ng seremonya, pormal na siyang ipakikilala bilang Mrs. Yuminda Castro.

Subalit hanggang pangarap na lamang ba ang lahat? Nahihiya siyang magtanong. Gustong-gusto na niyang magtanong. Anong plano mo sa akin? Pakakasalan mo ba ‘ko? Nakikita mo ba ‘kong magiging maybahay mo, o pangkama lang ang tingin mo sa ‘kin?

Mga agam-agam na umuukilkil sa kaniyang isip.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang matalik na kaibigang si Mylene na masaya na rin sa buhay-misis at may mga anak na. Siya pa nga ang ninang.

Advertisement

“Mugto na naman ang mga mata mo, girl. Nanood ka na naman ng favorite movie mo of all time no?” untag ni Mylene sa kaniya. Tumango lang si Yumie. Nagpahid ng mga natitirang muta. 

“Kasi naman eh… yung mga kaklase ko noong high school, nagsisipag-asawa na. Ang gaganda ng mga wedding nila. Yung mga katropa ko naman sa sorority noong college, panay post ng prenuptial photoshoot nila. Alam no ‘yun girl… ang tagal na namin… pero wala pa siyang inaabot na singsing sa akin! Wala man lang sinasabi tungkol sa paglagay sa tahimik.”

“Maghintay ka lang girl! Ang kulit mo. Gusto mo ikaw na lang ang mag-propose sa kaniya? Atat na atat eh. Ang isipin mo girl, magkasama kayo ngayon at nagmamahalan kayo. Huwag mo munang i-pressure yung tao!” sagot ni Mylene.

Natahimik si Yumie.

“Oh, natahimik ka… okay ka na?” untag ni Mylene.

“Hindi… naisip ko yung sinabi mo.”

“Alin do’n? Na maghintay ka lang at huwag mong i-pressure yung tao?”

“Hindi. Basta. Babalitaan kita. Salamat, girl. Sige na, salamat, magluluto pa ako ng dinner,” at ibinaba na nga ni Yumie ang kaniyang cellphone.

Advertisement

Linggo. Walang pasok si Joel kaya nasa bahay lamang siya. Pagkakataon na ito ni Yumie para ayain ang live-in partner sa Tagaytay na madalas nilang pasyalan noon.

“Tagaytay tayo? Inip na ako eh,” aya ni Yumie.

“Sige. Ikaw magda-drive?”

“Oo. Ako’ng magda-drive.”

Matapos gumayak, nagmaneho na nga si Yumie patungo sa paborito nilang hotel na madalas nilang pinupuntahan para sa staycation. Nagulat si Joel na may reservation sila.

“Wow ha, at talagang nakaplano?” pabirong saad ni Joel. “Paano pala kung ‘di ako pumayag, eh ‘di sayang ‘to?”

“Lagot ka sa ‘kin kapag ‘di ka pumayag, sira…” ganting biro ni Yumie.

Tenderloin steak. Puttanesca. Salad. Mga paboritong pagkain ni Joel ang inorder ni Yumie. Nagpadagdag din siya ng champagne.

Advertisement

“Bakit champagne? May ipagdiriwang ba tayo?” tanong ni Joel.

Hindi sumagot si Yumie. Sa halip, may inilabas itong isang pulang kahita.

“Natatandaan mo noong una tayong magkita? We don’t like each other. Sabi mo ang arte-arte ko, tapos ako naman nayayabangan ako sa ‘yo. Pero dahil sa team building natin dito sa Tagaytay, nakilala natin ang isa’t isa. Nagkagustuhan. Niligawan mo ‘ko at sinagot kita. We decided to live in together. Apat na taon na tayo,” litanya ni Yumie.

Shocks! Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya. Hindi niya magagawa ang gagawin niya. Lumaklak siya ng sandamakmak na kapal ng mukha para maisakatuparan ito.

Nakakunot naman ang noo ni Joel. Nawe-weirduhan siguro sa mga sinasabi ng partner.

Inilabas ni Yumie ang laman ng pulang kahita. Isang singsing.

“Joel, mahal… will you marry me?”

Woman Holding A Diamond Ring Woman showing a diamond ring. hand of a woman holding a ring stock pictures, royalty-free photos & images

Napamaang si Joel. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang segundo…

Advertisement

Napabunghalit ito ng tawa.

“Seryoso ka? Ano ‘to? Ikaw ang nagpo-propose?” tanong ni Joel.

Tila binuhusan naman ng malamig na tubig si Yumie. Parang hindi yata gagana ang teknik niya. Nilunok niya ang pride niya bilang babae sa naisip niyang gawin. Nakuha niya ang ideya sa sinabi ni Mylene. What if kung ako ang mag-propose? Bakit, wala namang batas na nagsasabing lalaki lang ang puwedeng mag-propose ng kasal, ‘di ba?

“Ayaw mo ba akong pakasalan? Joel, gusto ko nang magpakasal at ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama habambuhay. Hindi ko alam kung gusto mo ba o may balak ka pang pakasalan ako. Kaya ako na lang ang gagawa nito, para matapos na ang mga agam-agam ko, Will you marry me?” tanong ni Joel.

Kinuha ni Joel ang singsing. Isinuot sa kaniyang palasingsingan.

“Yes! Probably, yes!” sagot nito.

Tuwang-tuwa naman si Yumie. Hindi man ito ang tipikal na wedding proposal, masayang-masaya siya. Ipinaliwag naman ni Joel ang kaniyang side tungkol dito. Kinuha niya ang mga palad ni Yumie at hinalikan.

“Mahal, pasensiya ka na kung hindi ka na makahintay sa proposal ko. Ang totoo niyan, inuuna ko kasi ang mga dapat unahin, ang mga paghahanda para sa kasal natin. Hindi pagbili ng singsing ang inuna ko,” sabi ni Joel. Kinuha nito ang kaniyang cellphone, at ipinakita ang mga larawan ng ipinapatayong malaking bahay. 

Advertisement

“A-atin ba itong bahay na ‘to?”

“Oo. Gusto ko, bago ka alukin ng kasal, may sarili na tayong bahay. Para kapag nagpakasal na tayo, may matutuluyan na tayo. Mahal na mahal kita Yumie. Ikaw ang buhay ko.”

Portrait young confident smart Asian businessman look at camera and smile Portrait young confident smart Asian businessman look at camera and smile handsome asian man stock pictures, royalty-free photos & images

Umaapaw ang puso ni Yumie sa kaligayahan. Wala siyang pinagsisihan kahit na siya ang nag-propose kay Joel; higit pa sa proposal ang ibinigay nito sa kaniya dahil paghahanda para sa kanilang kasal at magiging buhay-magpamilya ang inaasikaso nito.

Naging marangya ang kasalan nina Joel at Yumie. Imbitado ang lahat ng kanilang mga kaanak at kaibigan. Matapos ang ilang buwan, house blessing naman ang kanilang inasikaso para makalipat na sila sa kanilang dream house. Nagbunga ang mahabang panahon ng pag-iimpok ni Joel, na mas mahalaga pa kaysa sa pinakabonggang wedding proposal.

Hindi na panonoorin ni Yumie ang pelikulang banyaga kapag gusto niyang umiyak dahil sa kalungkutan; sa ngayon, umiiyak siya dahil sa labis na kaligayahan.