Masyadong Nagtiwala ang Mag-Asawa sa Bagong Yaya, Di Nila Alam ang Ginagawa Nito Pag Nakatalikod Sila
Bilang mga magulang ay walang ibang hangad si Anne at Marlo kundi ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang apat na taong gulang na anak na si Analou. Kaya naman kahit masakit sa loob ng ina ay hindi niya magawang magbitiw sa kaniyang trabaho bilang isang accountant. Habang ang asawa naman niya ay bank manager ng isang kompanya.
Masasabing sagana ang kanilang buhay at natutustusan nila ang lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit isang desisyon ang bumago sa lahat.
“Love, may nahanap na akong bagong yaya ni Analou, bukas ay pupunta na siya rito para maging stay-in.” wika ni Anne.
“Mabuti naman love, tiwala naman akong nakilatis mo siyang mabuti kaya ikaw na ang bahala.” Sagot ni Marlo.
Sa pagdating ni Marie sa kanilang tahanan ay nagpakita ito agad ng kabutihan sa kanilang anak. Sa isang linggong pamamalagi nito sa bahay ay wala rin silang naging problema sa bagong yaya.
“Aalis na si mommy Ana, magpakabait ka kay yaya Marie, wag pasaway.” Bilin niya sa anak.
“Ingat ka po mommy, I love you.” Sagot ng kaniya ng malambing na bata.
Pinagbilinan ni Anne si Marie ng tamang oras para sa pagtulog at pagkain ni Ana, agad naman itong naintindihan ng yaya kaya’t panatag ang loob niya na pumasok sa trabaho.
Palaging nami- miss ni Anne ang anak sa buong maghapon, paminsan ay tinatawagan niya ito upang kamustahin.
Isang gabi bago matulog ay napansin niyang may galos ang anak sa braso, nang tanungin niya ito ay hindi sumagot ang bata.
“Anak, napano ang braso mo? Bakit may sugat?” tanong niya. Tinitigan lamang siya ni Ana.
“Naku sa sobrang likot niya po kanina kaya ayan nagalusan.” Sagot naman ni Marie.
Alam niyang may taglay ding kalikutan ang anak lalo na kapag nawiwili ito sa paglalaro kaya’t pinagsabihan niya lang ito at pinagsawalangbahala na ang galos nito.
Isang buwan nang namamasukan sa kanila si Marie bilang yaya at naging maayos naman ang pakikisama nila rito. Mabait din naman ang yaya sa tuwing ito’y kanilang kinakausap. Ngunit nagtataka na si Anne sa pasulpot sulpot na galos at mga pasa ng kaniyang anak.
“Love, nag- aalala na talaga ako, ayoko namang pag isipan ng masama si Marie kaya lang ay napapadalas na ang pagkakaroon ni Ana ng sugat.” Wika niya sa asawa.
“Sige huwag kang magalala, bukas ay maglalagay ako ng camera sa ilallim ng TV upang malaman natin kung ano bang ginagawa nila dito pag wala tayo.” Sagot naman ni Marlo.
Ganun na nga ang ginawa ng mag- asawa, hindi nila ito ipinaalam sa anak at yaya. Nais nilang makasiguro na hindi sila magbibintang ng walang katuturan. Pag uwi ng mag- asawa ay agad nilang kinuha ang camera, sobrang galit ni Anne nang makita ang kalupitang ginagawa ni Marie sa kaniyang anak.
“Sinabi ko sa iyo Ana matulog ka!” sigaw nito sa bata habang hinihila ito sa braso.
“Masakit na yaya, please wag mo ko palo.” Sagot ni Ana.
“Pag nagsumbong ka sa Mommy mo hindi lang yang gagawin ko sayo.” Sagot pa nito.
Napanood ni Anne at Marlo kung paanong pinapalo, sinisipa at minamaltrato ni Marie ang kanilang anak. Agad nilang ipinadampot ang yaya at ipinatingin si Ana sa doktor.
Sinampahan nila si Marie ng kaso at dahil sa ebidensyang nakalap pati na rin ang mga medical records ng bata ay tuluyan itong nakulong.
“Mommy, di na po ba babalik si yaya?” tanong ni Ana.
“Hindi na anak kaya wag ka ng magaalala, hindi ka na niya sasaktan ulit.” Pangako ni Anne.
“Salbahe sya mommy.” Sagot ng bata.
Naluha si Anne sa sinabi ng anak, sa isip niya ay maaga nilang binigo ang munting paslit. Nagpasya siyang magbitiw sa kaniyang pinapasukan at naghanap ng trabaho kung saan maari siyang manatili lamang sa kanilang bahay.
Hindi na nila ipinagkatiwala sa ibang tao ang anak dahil sa takot na maaring danasin muli nito ang kalupitan ng ibang tao.
Ang mga anak ay yaman ng mapagmahal na magulang, kaya naman oras na may manakit rito ay hindi natitiis ng isang ama o ina ang magsawalang kibo na lamang.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.