Inday TrendingInday Trending
Feel na Feel ng Babae na Kinindatan Siya ng Gwapong Lalaki, Napahiya Siya sa Natuklasan

Feel na Feel ng Babae na Kinindatan Siya ng Gwapong Lalaki, Napahiya Siya sa Natuklasan

Simula pagkabata ay lagi nang muse sa eskwela si Jessa, dahil doon ay lumaki siyang mayabang at masyadong mataas ang tingin sa sarili. Pakiramdam niya, lahat ay may gusto sa kanya. Mapasulyap lang sa kanya ang isang lalaki ay iniisip na niyang nagpapapansin. Taas noo siya lagi kung maglakad, GGSS o Gandang Ganda sa Sarili.

Tisay naman kasi ang babae at matangkad. Mayroon siyang maamong mukha sa kabila ng kanyang magaspang na pag uugali. Pero kahit pa ganoon ay di siya iniiwan ng bestfriend niyang si Regina, parang kapatid na ang turing nito sa kanya. Marami ang nagsasabi kay Regina na lumayo na siya kay Jessa dahil baka mahawa pa siya sa masamang ugali nito pero tumututol ang babae dahil naniniwala pa rin siya na may itinatago pang kabutihan sa puso ang kanyang bestfriend.

Isang araw, masayang nagkukwentuhan sa restaurant ang magkaibigan, kasama ang iba pa nilang naging kaklase noong college.

“So eto na nga. Kilala nyo si Fernan? My God, nanligaw sa akin yun. Sunud ng sunod, parang aso! Hahaha, nakakatawa talaga pag naaalala ko. Akala niya naman talaga may chance siya, Diyos ko di ba sya aware sa itsura niya. I think sa Christmas dapat bigyan ko ng salamin para makita nya ang sarili nya.” umiiling iling pang pagyayabang ni Jessa.

“Mabait naman si Fernan, sana binigyan mo ng chance.” sagot ni Regina sa kaibigan.

“Ayoko nga, hindi naman siya ganun ka-gwapo girl. Tsaka, marami pang darating diyan. Ayokong mag-settle sa alam mo na, hindi the BEST.” diniinan pa ni Jessa ang salitang ‘best’, pinamumukha sa lahat ng kaharap na ang magandang tulad niya ay para rin lang sa gwapo at walang lugar ang mga ‘hindi masyadong pinalad’ sa panlabas na anyo.

“Sabagay, okay naman din yan na namimili ka ng para sa sarili mo. Basta sana ay makuha mo ang tama.” sagot naman ng isa pa.

“Oo naman! Tsaka alam ko pag may gusto sa’kin. Tignan nyo, yan, dyan sa kanan. Yang guy na naka-black, gusto nya ako.” nakangisi at taas noo si Jessa. Palihim niya pang itinuro ang lalaking tinutukoy.

“Ito? Sya? Paano mo naman nasabi girl?” tanong ng isa pa nilang kasama.

“Hello, kanina pa siya kindat ng kindat sa akin. Hi, Hi..” nagpapa-cute na sabi ng dalaga at sinabayan rin ng kindat ang lalaking nakaupo sa gilid nilang table.

“Iba talaga ang ganda ko, kayo ba, naranasan nyo na yan? Yung may nagpapa-cute bigla, ako lang sa barkada natin ang ganito. Ako naman kasi ang pinakamaganda!” malakas na sabi ni Jessa.Naglilingunan ang ibang kumakain at napapairap na lang sa sobrang lakas ng hangin sa utak ng dalaga.

Lumipas pa ang ilang sandali at nagkikindatan pa rin ang dalawa. Sa wakas ay tumayo na ang lalaki sa upuan nito.

“Ayan, look. Tumayo na siya. Sigurado ako na tatanungin niya na ang name at number ko,” pagyayabang ulit ng babae. Pero mali siya, dahil paglapit ng lalaki sa kanilang upuan..

“Mga miss, pasensya na kayo. Baka akala ninyo ay binabastos ko kayo, ganito lang talaga ako.. Kailangan ko nga ng therapy, sorry talaga.” sabi ng lalaki at kindat pa rin ng kindat. May sakit pala ito sa pagkindat at hindi mapigilan iyon!

Tila lumubog sa kinauupuan niya si Jessa, magalang naman na nagpaalam na si Regina sa mga kaibigan at iginiya niya ang bestfriend palayo sa lugar na iyon. Alam niya na natutunan ng kaibigan niya ang isang leksyon- huwag masyadong magyabang. Ang masama nga lang ay sa ganoong paraan pa, napahiya pa ito. Hinimas niya ang likod ng babae.

“Wag ka nang mahiya dyan, basta next time girl, alam mo na ha? Ang mababa ay itinataas, ang mataas ay ibinababa.”

Tumango si Jessa, itinatak sa isip ang mga sinabi ni Regina. Mula noon ay natuto na siyang magpakumbaba, kagulat-gulat ay dumami na ang mga kaibigan niya. Di nagtagal ay nakahanap rin siya ng lalaking mamahalin, hindi ganoon ka-gwapo ang napangasawa niya pero mabait ito at responsible.

At alam ni Jessa, mahal siya nito.Higit pa iyon sa kahit anong kagwapuhan na hinahanap niya noon.

Advertisement