Napakahilig ng Babaeng Ito na I-post ang mga Litrato ng Kaniyang Anak as Social Media; Iyon pa pala ang Ikapapahamak ng Bata

Napakahilig ng Babaeng Ito na I-post ang mga Litrato ng Kaniyang Anak as Social Media; Iyon pa pala ang Ikapapahamak ng Bata

FamilyHeartbreakingStories

Marami ang natutuwa sa sobrang ka-cute-an ng dalawang taong gulang na anak ni Shiela na si Milo. Kaya naman halos maya’t maya rin ito kung kuhanan ng litrato ng babae pagkatapos ay ipino-post niya iyon sa social media upang humakot ng sangkatutak na likes

Umaabot na nga sa libo-libo ang nakukuhang reactions, comments, shares at followers ng mga litrato ni Milo sa social media na bagama’t hindi napagkakakitaan ni Shiela ay labis niya pa ring ikinatutuwa.

Sa totoo lang ay mayaman ang napangasawa ni Shiela, ang ama ni Milo. Isa itong business man na patuloy na umaangat sa industriya ng paggawa ng mga appliances na maging sa ibang bansa ay kinikilala bilang isa sa pinakamatibay at magagandang mga kagamitan. Dahil doon ay maganda naman ang kanilang buhay at masagana.

“Ang cute talaga ng anak mong ’yan, ma’am. Kaya napakarami pong natutuwa sa kaniya, e. Napakaguwapong bata at napakabibo pa!” nakangiting anang yaya ng kaniyang anak na si Milo habang nakikisilip ito sa pag-a-upload niya ng picture ng bata sa kaniyang computer.

“Naku, salamat. Talaga ngang napakaraming nagsasabi niyan sa anak ko, kaya nga natutuwa ako. Kaya lagi rin akong nagpo-post ng pictures niya,” nakangiti namang sagot niya nang hindi inaalis ang paningin sa ginagawa.

“Pero, ma’am, ito po’y suhestiyon ko lamang, ano po? Wala pong masama sa pagpo-post ng litrato ng anak n’yo, kaya lang po ay mag-iingat po kayo, ma’am, ha? May mga nabasa po kasi akong post tungkol sa isang grupo ng mga masasamang loob na nagbebenta ng litrato ng mga batang katulad ni Milo, para gamitin sa kamunduhan nila,” sabi naman ng kaniyang yaya. Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha nito ngunit lakas-loob pa rin nitong isinatinig ang kaniyang naiisip para sa kapakanan ng kaniyang alaga.

“Salamat sa concern, yaya, pero alam ko kung ano ang makakabuti sa anak ko. Lalaki naman si Milo kaya sa tingin ko ay safe lang na i-post ang pictures niya dahil wala namang mawawala sa kaniya,” may himig naman ng inis na ani Shiela sa katulong na ngayon ay napapahiyang napatango na lang sa sinabi niya.

Nagpatuloy nga siya sa pag-upload ng mga litrato ng kaniyang anak sa social media. Kada lugar na pupuntahan nila ay ina-update niya ang kaniyang mga followers kung tungkol sa mga kaganapan kay Milo. Picture dito, picture doon. Post dito, post doon.

Isang araw ay nagplano ang mag-anak nina Shiela na sila ay magbakasyon sa isang resort.  Katulad ng palaging ginagawa ni Shiela ay kinuhanan niya ng sandamakmak na litrato ang kaniyang anak upang i-post iyon sa social media.

Lingid sa kaniyang kaalaman, matagal nang may nagbabantay sa kaniyang mga kilos. Ito ay isang grupo ng masasamang taong binayaran ng isa sa mga kalaban ng kaniyang asawa sa negosyo upang gawan ng masama ang kaniyang anak, bilang ganti dahil sa pagkatalo nila pagdating sa pag-angat. Naghahanap lamang sila ng tamang tiyempo upang maisakatuparan ang masamang balak na iyon… at ngayon na ang tamang panahon.

Isang litrato ni Milo na kuha mula sa entrance ng resort kung nasaan sila ngayon ang i-p-in-ost ni Shiela sa kaniyang page. Agad iyong humakot ng napakaraming magagandang komento katulad noon… ngunit ang hindi inaasahan ni Shiela, ay nang maya-maya ay bigla na lang nagkaroon ng gulo sa naturang lugar dahil may nagpakalat ng balita na mayroon daw bomba roon!

Nahiwalay si Shiela sa kaniyang asawa, habang karga niya ang anak na si Milo. Halos hindi siya magkandaugaga sa pag-iwas sa mga taong nagtatakbuhan para lang maprotektahan ang kaniyang anak.

Pagkatapos ay isang lalaki ang lumapit sa kanila. Bigla na lamang nitong hinablot ang bata sa kaniyang mga bisig! Nakatakip ang mukha ng lalaki, kaya hindi niya ito makilala, kaya naman nagsisigaw si Shiela upang humingi ng saklolo.

Dahil doon ay tila kinabahan ang lalaki. Bigla nitong binitawan ang bata at agad itong lumayo sa kanilang mag-ina! Takot na takot si Shiela nang mga sandaling iyon.

Ayon sa imbestigasyon ay lumalabas na ang mga masasamang loob ngang iyon ay matagal nang nakamanman sa kanila. At dahil sa pagpo-post niya sa litrato ng bata kung nasaan sila ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kawatan na sila ay puntahan!

Labis ang naging pagsisisi ni Shiela sa nangyari. Alam niyang kasalanan niya kung bakit muntik nang mapahamak ang kaniyang anak. Isang malaking leksyon ang kaniyang natutunan dahil sa nangyari! Mula noon ay siniguro na niyang kung magpo-post man siya ng larawan ng kaniyang anak ay nakapribado na ito upang ang mga pinakamalalapit lamang niyang kamag-anak at kaibigan ang makakakita.

More Stories