Inday TrendingInday Trending
Tinangkang Lasunin ng Anak ang Ina Upang Agad na Makuha ang Mana, Ito Tuloy ang Kanyang Sinapit Dahil sa Kasakiman

Tinangkang Lasunin ng Anak ang Ina Upang Agad na Makuha ang Mana, Ito Tuloy ang Kanyang Sinapit Dahil sa Kasakiman

Dalawang taon nang biyuda si Aling Carmen, mabuti na nga lamang at kasama niya sa bahay ang kanyang bunsong anak na si Donita kaya hindi siya naiiwang mag isa. Sa edad na 77 years old ay malakas pa naman siya kaya lang ay iba pa rin talaga iyong may kasama. Pumapasok sa opisina si Donita pero dahil malapit lang naman ang pinagtatrabahuhan nito ay maaga rin itong nakakauwi. Siguro ay nasa bahay na ito kapag alas singko ng hapon.

“Donnie anak, sabi ko naman sa iyo ay wag ka nang magtrabaho. Okay naman tayo kahit wag ka nang mag-work hindi ba? Nahihirapan ka lang dyan anak eh.” sabi niya rito isang umaga nag aalmusal silang dalawa, sinalinan niya ng kanin ang pinggan nito. Napangiti naman si Donita, kahit dalaga na siya ay parang ‘baby’ pa rin kung ituring siya ng kanyang ina.

“Hindi naman maganda yon ‘Ma.Ayaw ko sa lahat ay maging pabigat sayo- kahit pa sabihin mong hindi. Ikaw ang mayaman ma, hindi ako. Kaya ayos na itong matuto akong kumita.” sabi ng dalaga. Totoo naman iyon dahil mayaman naman talaga sila. Binilisan niya ang pagkain nang masulyapan ang orasan, 6:30 na ng umaga, alas siyete ang time niya sa trabaho at bawal siyang ma-late dahil may hinahabol pa siyang meeting ngayong araw.

Ang panganay na anak niya, si Danica ay kabaligtaran naman ni Donita. May asawa na ang babae pero wala pang anak. Parehong sakim ang mag-asawa at di pa man namamatay si Aling Carmen ay pinag-uusapan na nila ang mamanahin.

“Bakit kasi di nalang tayo sa bahay nyo tumira?” tanong si Rodney, ang asawa ni Danica.Nakataas pa ang kilay nito habang humihithit ng sigarilyo, tapos ay unti unting ibinuga iyon sa mukha mismo ng misis. Napaubo si Danica at napamura ng mahina sa ginawa ng asawa.

“Ayaw ko ngang makisama kay Donita. May magandang bahay naman tayo at nagagatasan ko pa rin naman ang mama, di ba nagpapadala pa sya sa atin monthly. Bakit ba atat na atat kang tumira doon?” asik ng babae sa kanyang mister.

“Tanga ka rin no Dannie? Kapag pinabayaan mo ang kapatid mong bait baitan doon, siya ang makakasipsip. Sige ka! Baka mamaya, mas malaki ang ipamana ng mama kaysa sa kanya.” Napaisip si Danica, may punto ang asawa niya.

Lalo na ngayon na may mga nararamdaman nang sakit ang kanyang mama, tiyak niyang hindi magtatagal at papanaw na ito. Iyon ang pinakahinihintay niya, ang ma-solo lahat ng yaman nito. Wala siyang pakialam sa kapatid, hindi ito makakapalag sa kanya dahil siya ang panganay. Pumayag siya sa nais ng asawa at agad na tinawagan ang kanyang mama upang sabihing doon na sila titira sa bahay nito, idinahilan niyang nais nilang ‘maalagaan’ ito lalo pa at may trabaho si Donita.

Wala namang pagtutol sa panig ng matanda. Sumapit ang araw ng Linggo, nakapaglipat na ng ilang gamit sina Danica at kaunti nalang ang natira. Napag usapan nilang mag asawa na lasunin nalang ang matanda para mas mabilis maisakatuparan ang kanilang mga plano. Binabaybay nila ang kahabaan ng highway, sobrang saya nilang dalawa maisip pa lang ang limpak-limpak na salaping mapapasakamay nila.

“Parang gusto kong bumili ng resort, alam mo na pag naisipan nating mag-vacation.” sabi ni Danica, tinungga ang beer na nasa lata.

“Ayos yan, ako gusto ko ng bagong model ng kotse. Aston Martin.. mga gano’n. Kakarag-karag na itong sasakyan natin. Painom nga,” sabi ni Rodney at uminom din ng alak.

Masyado silang abala sa pangangarap, dala na rin siguro ng kalasingan ay di nila napansin na bumibilis na ang takbo ng kanilang sasakyan. Nawalan sila ng preno at bumangga sa isang rumaragasang truck ng semento. Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Rodney, habang si Danica naman ay agaw buhay. Habol niya ang hininga habang isinusugod sa ospital, hawak hawak ni Aling Carmen ang isang kamay niya habang tangan siya ng mga nurse.

“Ma.. patawarin mo ko.” ang huling mga salitang nabanggit ni Danica.

Lumuha naman si Aling Carmen, gulung-gulo sa paghingi ng tawad ng anak. Walang kaalam-alam na kanina lamang ay pinlano siya nitong lasunin at bawian ng buhay.

Natagpuan sa pinangyarihan ng aksidente ang isang bote ng lason, walang makapagpaliwanag kung para saan iyon. Iyak nang iyak si Aling Carmen sa libing ng kanyang anak at ng asawa nito, yakap-yakap naman siya ni Donita. Nagpatuloy ang buhay nilang mag ina nang matiwasay, makalipas ang ilang taon ay pumanaw na masaya si Aling Carmen dahil puro pag-aalaga at pagmamahal ang dinanas niya sa piling ni Donita. Nakapag-asawa na rin ang dalaga at tulad nito ay mabait ang napangasawa, kay Donita na nakapangalan ang lahat ng yaman ng kanyang ina. Ginamit niya ang halos kalahati noon sa pagdo-donate sa charity at pagtulong sa mga nangangailangan.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page. na ng

Advertisement