Inday TrendingInday Trending
Nadismaya ang OFW nang Bawiin ng Among Arabo ang Kanyang Day Off, Ito Pala ang Magliligtas sa Kanyang Buhay

Nadismaya ang OFW nang Bawiin ng Among Arabo ang Kanyang Day Off, Ito Pala ang Magliligtas sa Kanyang Buhay

Masayang naglakad si Lydia palabas ng bahay ng kanyang amo, narito siya ngayon sa Dubai at naninilbihan bilang isang Domestic Helper sa mag asawang Arabo. Swerte siya dahil mabait ang mga ito at dahil may edad na, parang anak na rin ang turing sa kanya. Palaging magalang ang utos ng mga ito sa kanya, kahit na kailan ay hindi ipinaramdam na isa siyang kasambahay. Pinapayagan siyang magday off ng mga ito tuwing Sabado at heto na nga siya, papunta sa mga Pilipinong kaibigan na kapwa niya Domestic Helper din, kasasahod lang at napagkasunduan nilang kumain sa labas. Lapit n ako Edna, text message niya sa isa sa mga kaibigan. Cge, d2 n kami. Wait ka namin d2 , sa loob kmi pwesto pra aircon, lamo na baka maunahan ng upuan kasi dami tao, byernes p nmn reply naman nito sa kanya. Hay, sobrang excited siya, ano kaya ang kakainin niya? Isang sakay na lang ay nasa restaurant na siya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. “Hello, hello Lydia? Sorry, can you just take your day off tomorrow, my back is bugging me again. I forgot to buy my back pain ointment, can you buy me one? And then please go home, I badly need someone to help me with chores. I promise you can rest tomorrow.” sabi ng kanyang among babae. “Y-yes madam.” dismayado man ay sinabihan na ng dalaga ang taxi driver na iliko na ang sasakyan. Minsan lang humiling ito sa kanya kaya hindi niya matanggihan, bukod doon, ito naman talaga ang trabaho niya. Napakabigat ng kanyang loob nang bumaba siya ng taxi. “Madam, I’m here, here is your ointment.” sabi niya pagkaabot sa amo ng gamot. Lumipas ang araw na malungkot ang dalaga, siguro ay nagkakasayahan na ang mga kaibigan niya, nakalimutan na nga siyang i-text. Nagliligpit siya ng pinagkainan ng hapunan nang marinig ang balita sa telebisyon, hindi siya makapaniwala sa narinig. “5 were dead at 3 were badly injured due to a fire..” parang nabingi na siya sa susunod na sinabi ng tagapagbalita, kasunod noon ay ipinakita ang litrato ng kanyang mga kaibigan na sinundan ng litrato ng ilan pang Arabong kumakain din daw nang mga oras na iyon. Ang alam niya lang, nagkaroon ng sunog sa restaurant at nahirapang makalabas ang mga ito dahil siksikan at sa loob pumwesto. Hindi siya nakakibo, halos magmaktol pa siya na hindi siya natuloy sa lakad, iyon pala ay inililigtas lang siya ng Diyos sa tiyak na kapahamakan. Bigla niyang nayakap ang among babae na nagulat sa kanya. “Madam, thank you, you saved my life.” sabi niya rito. “Huh? You’re welcome.” sabi nalang nito kahit halata namang hindi naintindihan kung ano ang tinutukoy niya. Simula noon ay lumawak na ang pag iisip ni Lydia, kung ang mga pangyayari ay hindi naganap tulad ng inaasahan, maluwag niya iyong tinatanggap sa kanyang dibdib at hindi na nag iimbot pa o nagtatanong sa Diyos kung bakit dahil magmula nang mailigtas siya sa kapahamakan, alam niya na.. Masaya man o masakit, mahirap man sa dibdib na tanggapin, lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng tao ay palaging may dahilan. Kung hindi siya tinawagan ng amo, malamang ay nailibing na siya sa mga oras na ito, malamang ay huminto na sa pag aaral ang mga kapatid niya, bumalik sa pangingisda ang kanyang may edad at nagpakahirap muling maglabada ang kanyang nanay na pasmado na ang mga kamay. Hindi nga siya nakakain at nakapagsaya sa restaurant nang araw na iyon pero heto naman siya, buhay at nakakatulong sa pamilya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement