
Tiniis ng Babaeng Ito ang Lahat ng Ginagawa ng Kaniyang Asawa; Ngunit Tama pa ba Iyon Kahit na Halos Maubos na ang Kaniyang Sarili?
Simple lang naman ang pangarap ni Myrna… na sana’y manatiling buo ang kaniyang pamilya kahit na ano’ng mangyari. Si Myrna ay may tatlong anak. Sobra ang binibigay niyang atensyon o pag-aalaga sa kaniyang anak. Si Lito naman ang asawa ni Myrna. Nagtratrabaho ito sa barangay bilang isang tanod. Halos araw-araw na umuuwi si Lito nang lasing ngunit kahit ganoon ang ginagawa niya ay iniintindi pa rin siya ni Myrna. Inaasikaso ang damit pampasok, siya rin ang naglilinis ng pinagsukahan ng asawa sa tuwing nakakainom ito. Tinitiis iyon ni Myrna para manatiling buo ang kaniyang pamilya.
“Huwag ka naman sanang umuwi nang lasing mamaya, Lito,” pakiusap ni Myrna sa asawa.
“Bakit ba? Ano’ng masama sa pag-iinom ko? Naibibigay ko naman sa inyo ang pangangailangan n’yo, a!” pasigaw na sabi ni Lito kay Myrna.
“Ang akin lang naman kasi, hindi mo naman kinakaya! Sumusuka ka na lang palagi ’pag nakakainom ka. Sino ba’ng naglilinis? Hindi naman ikaw!” Mahinahong pagpapaliwanag ni Myrna kay Lito.
“Gawain mo naman na asikasuhin ako, ’di ba?” sagot ni Lito. Tumahimik na lamang si Myrna upang hindi na tumagal at lumalala ang pagtatalo nila ng kaniyang asawa. Si Lito naman ay umalis na lamang agad dahil sa inis na naramdaman niya.
“Inay, may babayaran po kami sa iskul,” anang panganay na anak ni Myrna. Tinignan muna ni Myrna ang wallet. Mayroon lamang siyang isandaang piso rito. Kailangan niya pa iyong pagkasiyahin para sa maghapong pang-ulam at pambaon ng iba pa niyang anak.
“Magkano ba ang kailangan mo?” tanong ni Myrna sa anak.
“Fifty pesos po, ’Nay,” tugon naman ng kaniyang panganay.
“Heto, pabaryahan mo muna. ’Tapos, kunin mo ’yong kailangan mo. Iyong natirang pera, ibalik mo sa akin.” Sinunod naman iyon ng kaniyang anak. Nag-iisip si Myrna kung paano niya maipagkakasiya ang singkwenta pesos para sa maghapong ulam.
Pinuntahan ni Myrna ang kaibigan niyang si Sheryl sa kanilang bahay. May ilang paninda kasi ito na pwedeng mailako. Binigyan naman siya ni Sheryl ng ilan sa mga ’yon.
Nilibot ni Myrna nag buong baranggay. Marami-rami rin siyang napagbentahan at may sapat na kita siya para sa kanilang pang-ulam ngayong gabi. Nang siya’y pauwi na ay napadaan siya sa isang bilyaran. Hindi akalain ni Sheryl na makikita niya rito ang kaniyang asawa, at may nakaupong babae pa sa kandungan nito!
Dahil sa galit na naramdaman ni Myrna ay agad niyang nilapitan si Lito at ang kasama nitong babae at katulad ng madalas na mangyari sa ganitong eksena ay nagkasakitan sila ng kabit ni Lito!
“Tama na, Myrna!” pagpigil ni Lito kay Myrna.
Tumigil naman si Myrna dahil napagtanto niyang nakakahiya pala ang kaniyang ginawa. Dahil doon ay agad siyang umuwi. Sa kaniyang pag-uwi, ibinuhos niya ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Umiyak siya nang umiyak nang biglang dumating ang asawa niyang si Lito na siya pang galit na galit sa kaniya. Pagkakita pa lang ni Lito kay Myrna ay pinagbuhatan niya agad ito ng kamay.
“Nakakahiya ka, napaka-eskandalosa mong babae ka!” Patuloy pa rin na sinasaktan ni Lito si Myrna hangang sa dumating ang kaniyang mga anak. Doon lamang tinigilan ni Lito si Myrna.
Halos mawalan ng malay si Myrna dahil sa sinapit niya mula sa kaniyang asawa. Galit ang naramdaman ng mga anak ni Myrna dahil sa nagawa ng kanilang tatay. Umalis si Lito sa kanilang bahay upang makapag-inom.
“Inay, iwan na natin si tatay. Umuwi na lang po tayo ng probinsya,” galit na anang panganay na anak ni Myrna sa kaniya.
“Nag-aaral kayo rito, anak. Intindihin n’yo na lang anng tatay n’yo,” sagot ni Myrna sa anak.
“Inay, halos mawalan ka na ng malay dahil sa ginawa ni tatay sa ’yo. Umuwi na lang tayo ng probinsya. Magkakasama pa rin naman tayo roon, e… wala nga lang si tatay. Wala ang taong nananakit sa atin,” dahil sa sinabing iyon ng kaniyang anak ay nakapagppasiya si Myrna na iwanan si Lito.
Hindi naman naging mag-isa si Myrna sa pagpapalaki sa kaniyang mga anak, dahil nariyan ang matalik niyang kaibigang si Sheryl na handang magbigay sa kaniya ng tulong palagi. Ito ang naging katuwang niya sa pagpapalaki sa kanila hanggang sa magbinata na ang kaniyang panganay at nakatulong na rin ito sa kanila.
Matapos iwan ni Myrna si Lito ay nawalan na rin sila ng koneksyon dito. Ang huling balita nila sa lalaki ay nasangkot ito sa ilang kaguluhan, dahilan para makulong ito. Ganoon pa man, itinuro pa rin ni Myrna sa kaniyang mga anak na huwag magtanim ng galit sa kanilang ama, lalo na’t ngayon ay inaani na nito ang mga itinanim nito noon.

Gagawin ng Dalaga ang Lahat para Mabigyan ng Magandang Buhay ang Inang May Kapansanan; Isang Pagsubok ang Kaniyang Pagdaraanan
