Inday TrendingInday Trending
Masyado Daw Matigas ang Puso ng Mister na Ito Dahil Mas Pinili Pa Nitong Ipakulong ang Kaniyang Misis Kaysa sa Mabuo ang Pamilya nila. Ano Nga Ba ang Kanilang Istorya?

Masyado Daw Matigas ang Puso ng Mister na Ito Dahil Mas Pinili Pa Nitong Ipakulong ang Kaniyang Misis Kaysa sa Mabuo ang Pamilya nila. Ano Nga Ba ang Kanilang Istorya?

“Mahal, gusto mo bang mag-anak naman tayo ng babae?” tanong ni Alyssa sa kaniyang mister.

“Sige mahal, pag-uwi ko ay gagawa tayo ng babaeng anak!” magiliw na sagot ni David habang nag-uusap ang dalawa sa Skype.

Maglilimang taon nang nasa ibang bansa ang lalaking si David, driver ito sa Kuwait at ngayon ay malapit nang umuwi. Hindi naging madali ang kanilang pagsasama dahil marami itong naging hinanaing sa kaniyang asawa ngunit ngayon ay mas pinanghahawakan niya ang kaniyang pamilya.

“Kuya, bakit ba hindi mo pa rin hinihiwalayan si Alyssa? Hindi pa ba sapat sa iyo na kami ang nakakita sa kaniya na may iba siyang lalaki?” tanong ni Sandra, ang babaeng kapatid ni David.

“Alam ko namang ayaw niyo sa asawa ko pero tigilan niyo na ang paninira niyo sa kanya. Kung may naging problema man kami e hayaan niyo nang kami ang mag-ayos noon,” baling naman ni David.

“Kuya hindi ito tungkol sa’yo, tungkol ito sa kaniya at sa magiging pagsasama niyo. Ano na lang ang iisipin ng mga pamangkin ko?” saad muli ni Sandra.

“Sige na Sandra, aayusin ko ang lahat kapag nakauwi na ako diyan sa susunod na buwan, saka na natin pag-usapan ang ganitong bagay,” pahayag naman ni David sabay baba ng telepono.

Hindi lamang si Sandra ang nagsasabing maraming lalaki ang kaniyang asawa kundi ang buo nitong pamilya na nakatira malapit sa kanilang bahay. Pero mas pinaniniwalaan niya si Alyssa dahil asawa niya ito at wala naman silang pruwebang naibibigay kaya nananatili ang kaniyang tiwala at idinadaan na lang niya sa dasal ang lahat.

“Oh pre bakit ka umiiyak?” tanong niya sa katrabahong si Joshua na nag-iimpake na rin ng gamit.

“Hayup pre, may kabit daw ang misis ko sa Pinas kaya uuwi na ako. Kailangan kong ayusin ang pamilya namin,” pahayag ng lalaki habang bumabagsak ang mga luha nito.

“Kung sa akin nangyari iyan, naku pare hindi ko alam. Sa hirap ng buhay natin dito sa ibang bansa tapos bubukaka lang pala yung misis natin sa ibang lalake, makakapanakit ka talaga ng tao!” saad naman ni David saka tinapik ang likod ng kaibigan.

Umuwi na siya ng bansa at tinignan niya ang asawa, pinakiramdaman at wala naman itong napansing kakaiba. Ganoon pa rin ang Alyssa na iniwan niya noon, tila walang pinagbago.

Habang namimili si David sa SM ay biglang tumunog ang kaniyang messenger, may mensahe mula sa isang lalaking hindi niya kilala.

“Pare, alam kong mali ang ginawa ko. Pero naging kabit ako ng asawa mo at kung naghahanap ka ng pruweba pwede kitang tulungan. Magalit ka na kung magalit sa akin pero may sakit na yata ang asawa mo, dahil akala ko ako lang ang kabit niya, marami pala kami,” mensahe ng lalaking nagpakilalang si Balong.

At sunod-sunod na ipinasa ni Balong ang kanilang mga litrato na kuha pati na rin ang ibang lalaki ni Alyssa bukod sa kaniya.

Halos matumba si David sa kaniyang nabasa, nanginginig ang kaniyang tuhod at biglang uminit ang kaniyang mukha. Galit ang nadarama niya at napasandal ito sa pader, “Bakit?” bulong niya sa sarili.

Umuwi si David sa kanilang bahay na walang nabili at tila wala ring natuklasan, tinitigan niya si Alyssa na noon ay nag-aayos ng mukha.

“San lakad mo mahal?” tanong nito sa kaniyang misis.

“May lakad lang kami ni Carla mamaya, kakain sa labas with high school friends,” baling ng babae.

“Gagabihin nga pala ako,” dagdag pa nito. Hindi nagsalita ang lalaki at tumango lang sa sinabi ng kaniyang misis. Pagka-alis nito ay doon siya nagwala sa kwarto dahil tinitigan niya ang ibang litrato ng misis na kasama ang ibang lalaki at sa bahay pa nila ginagawa ang kababuyan.

“Ano, kuya? May pruweba ka na ba?” bulong ni Sandra na narinig pala ang pagwawala niya.

“Napakasakit, nagtrabaho ako para sa pamilya namin pero ito lang ang igaganti niya sa akin!” galit na saad ni David.

“Hiwalayan mo na kuya, sabi ko naman sa’yo e. Mapapalagpas ko pa sana kasi kung isa lang, pero madami kuya e. Halos anim o pito ang iba pa niyang lalaki kaya alam kong hindi madadaan sa usapan iyon dahil sobrang sakit nun para sa akin na kapatid mo at para na rin sayo,” baling naman ni Sandra at napaluha na rin.

“Hindi ko siya basta iiwan! Ipapakulong ko siya!” galit na wika ni David sabay suntok sa pader.

Malakas ang kutob niyang hindi makikipagkita si Alyssa sa kaniyang mga kaklase kaya naman hinanap niya ang babae at ayon sa post nito ay nasa isang malapit lang itong kapehan sa kanilang lugar.

Binantayan niya kung babae ba ang kakatagpuin ng asawa ngunit hindi nga nagkamali ang kaniyang kutob dahil lalaki ang dumating at kaagad na naghalikan ang mag-asawa.

“Masarap ba?” wika ni David habang nakatayo at tinititigan ang dalawa na naghahalikan.

“Mahal?” nanginginig ang boses ni Alyssa ngunit mabilis ang pangyayari at kaagad na nasuntok ni David ng lalaki sa mukha.

“Magpakasaya ka na ngayon, dahil mabubulok ka sa kulungan!” baling naman ni David sa kaniyang misis.

Hinabol siya si Alyssa at lumuhod ito sa daan, “Isa pang chance David, please magbabago na ako!” sigaw ng babae ngunit hindi siya pinansin ng lalaki.

Umuwi siya at doon sila nag-usap ng kaniyang asawa, “Makikipaghiwalay na ako sayo at ipapakulong kita,” saad ni David.

“Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon David, parang-awa mo na. Para sa pamilya natin, para hindi magkaroon ng broken family ang anak natin,” baling ni Alyssa na nakaluhod.

“Naisip mo ba yan bago ka bumukaka sa iba? Bago ka nakipaghalikan sa hindi mo asawa?! Napakababoy mo, Alyssa! Ikaw ang hindi naawa sa akin, ako nagkandakuba sa ibang bansa at araw-araw kitang namimiss pero ikaw, ito pala ang pinagkaka-abalahan mo!” wika ni David sabay hagis sa mga papel, pinaprint niya ang mga litrato ng babae at ibang mga chat nito.

“Ginawa mo na ito sa akin dati at sabi mo magbabago ka, pero ngayon inulit mo pa rin, hindi ko na kaya!” dagdag pa nito.

“Sige na, makipaghiwalay ka na lang sa akin pero wag mo na akong ipakulong pa, please!” wika naman ni Alyssa.

Hindi na nagbago pa ang loob ni David at talagang kinasuhan ang kaniyang asawa ng adultery. Doon din lumabas ang katotohanan na buntis na pala ngayon si Alyssa sa ibang lalaki at balak pa pala nitong palabasin na anak iyon ni David.

“Talaga ho bang sigurado na kayong sasampahan niyo ng kaso si misis?” tanong ng abogado kay David.

“Oho attorney, kailangan ho niyang maturuan ng leksyon at hindi lang ito para sa akin kundi para sa lahat ng lalaki at lalong lalo na sa mga OFW. Hindi kami nagtrabaho sa ibang bansa para lokohin lang at baliin ang ipinangako namin sa altar, may puso rin kami at gusto rin namin ng tunay na pag-ibig,” sagot ni David sa abogado.

Halos isang taon ang tinagal ng kaso dahil pinipilit pa rin na magkabalikan ng dalawa ngunit talagang nawala na ang pagmamahal ni David sa lalaki at maging respeto ay naglaho na rin. May mga lalaking kayang magpatawad at may mga lalaki rin na mas pipiliing bigyan ng leksyon ang mga ganitong klase ng babae. Ano’t-ano pa man, walang mabuting naidudulot ang pangangalunya. Ngayon ay nakakulong na ang babae.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement