Pinalayas ang Mag-Inang Ito ng Kanyang Bayaw Matapos Pumanaw ang Asawa, Hindi Niya Inaasahan ang mga Taong Tumulong sa Kanya
Unang beses pa lamang nang makita ni Ben si Myrna at nahulog na agad ang loob niya rito. Hindi rin nag tagal ay sila’y naging mag kasintahan. Para kay Myrna ay napaka-swerte niya sa lalaki dahil napakabuti ng puso ng taong ito at buong puso siyang tinanggap kahit na siya’y isang ulila.
Kaya naman, wala pang isang taon ay nag-pasya na rin silang magpakasal.
Galing sa may kayang pamilya si Ben kaya nagdesisyon siyang sa bahay ng kanyang pamilya sila manirahan. Malaking bahay ito na may maraming mga silid na pinaparentahan sa maliliit ding pamilya para maging dagdag kita.
Sa unang taon ng kanilang buhay mag-asawa ay nagbunga agad ito ng isang napaka-cute na sanggol.
Ang pagmamahalan ng mag-asawang Ben at Myrna ay umaapaw kaya naman si Mikel, ang kanilang anak, ay napaka-swerte.
Ngunit, simula rin ng kapanganakaan ni Mikel ay unti-unting nanghina ang kanyang ama.
Ang mga simpleng ubo at sakit ng ulo nya ay hindi mawala-wala at palala pa ng palala.
“Mahal, sige na, magpatingin na tayo sa doktor. Mamaya ay baka kung ano na iyan,” pag pupumilit ni Myrna sa asawa.
“Ano ka ba naman, ayos lang ang pakiramdam k-“ hindi pa natapos ang kanyang sasabihin ay umubo nanaman ito na para bang matatanggal na ang kanyang lalamunan sa sakit.
“’Yan na nga bang sinasabi ko e! Dadalhin kita sa ospital para magpatingin sa ayaw at sa gusto mo,” sagot ng kanyang misis.
Hindi na lumaban pa si Ben sa kanyang asawa. Nasa isip niya na lamang ang pag-aalala na sana’y hindi malubha ang kanyang kalagayan.
Ngunit, nang marinig nila sa doktor ang tunay na lagay ni Ben ay nag simula na silang mag paalamanan. Kahit labag sa kanilang kalooban ay ilang buwan na lamang pala nila itong makakasama.
Sa kasamaang palad, ang inaakala nilang buwan ay tumagal lamang ng ilang araw. Talagang hindi na kinaya ni Ben ang pagkalat ng kanyang sakit sa buong katawan at tuluyan na itong pumanaw.
Ilang araw lamang matapos ang libing ni Ben ay kinausap si Myrna ng kanyang bayaw.
“Pasensya ka na pero hindi na kayo pwedeng magtagal ni Mikel dito. Malaki ang nagastos sa pagpapagamot at pagpapalibing sa kapatid ko kaya ipaparenta na ulit namin ‘tong kwarto ninyo,” walang pusong pagkakasabi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Myrna at hindi makapaniwalang pinapaalis siya ng kanyang bayaw gayong alam naman niyang sanggol pa lamang si Mikel.
“Eh saan kami lilipat? Maawa ka naman sa amin, wala kaming tutuluyan,” sagot nito.
“Pasensya ka na talaga, wala akong magagawa,” at sinarado na lamang niya ang pinto.
Nakahanap ng maliit na kwartong rerentahan si Myrna ngunit hindi ito ang lugar kung saan niya pinangarap palakihin ang anak nila ni Ben na si Mikel.
Lagi na lamang niyang binibisita ang asawa para humingi ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay.
“Mahal, nahihirapan na ako, pero dahil kay Mikel hindi ako susuko,” naluluhang sabi nito habang inaayos ang mga dalang bulaklak sa puntod ng asawa.
“Sana nandito ka para sabihin sa akin kung ano ba ang dapat kong gawin,” patuloy niyang sambit.
“Da-da,” mahinang sabi ni Mikel na buhat ng kanyang nanay.
Mag-isang tinaguyod ni Myrna si Mikel. Minsan ay nadadala niya ang anak sa opisina, ngunit kung minsan nama’y napakiki-usapan niya ang ibang kamag-anak na tingnan muna ang bata.
Nalulungkot lamang siya dahil hindi man lang sila binibisita o kinu-kumusta ng mga kamag-anak ng kanyang asawa.
Para bang tinalikuran na lamang sila ng pamilya ni Ben – ngunit kahit kailan ay ‘di ito nag tanim ng sama ng loob sa kanila.
Isang maaraw na linggo nang binisita ni Myrna at ng apat na taong anak na si Mikel ang puntod ni Ben. Nang sila’y paalis na ay may dalawang lalaking naglalakad papalapit sa kanilang kinatatayuan.
Mabilis na kinuha ni Myrna ang kanyang anak at nagpaplano na isip kung paano siya agad na makakalayo.
“Wag ho kayong matakot, wala kaming masamang balak,” biglang sambit ng lalaking nakasuot ng sumbrero.
“Kaibigan ho kami ni sir Ben, mam Myrna,” ang sabi naman ng isa.
“S-sir ben?” pagtatakang tanong nito sa dalawang lalaking nakatayo sa harap niya.
“Oho, si Sir Ben na asawa niyo,” mabilis na sagot ng isa sa mga lalaki. “Mahigit anim na taon na ho nang huli kaming nagkita ni Sir Ben. Mabuti ho ang asawa niyo kaya gusto naming maibalik ang kabutihan sa kanyang mag-ina,” sabay abot ng kanyang calling card.
“Sana ho ay makita namin kayo bukas ng umaga sa address na yan,” sambit ng lalaki habang tinuturo ang mga nakasulat sa card. “Yan ang aking pangalan at contact number. Sana ay makita ka naman bukas para mas masabi ko sa’yo lahat ng tungkol sa iyong asawa,” pahabol na sabi nito.
Hanggang sa pag-uwi ni Myrna ay panay parin ang pagtingin niya sa calling card. Imbis na tawagan ang lalaki ay nag desisyon siyang pumunta sa address na nakalagay dito.
Kinabukasan, sinama ni Myrna si Mikel sa lugar na nakasulat sa calling card. Nagtaka siya ng makitang isang malaking office building ang tumumbad sa kanyang harapan.
Pinag-tanong niya sa mga tao kung sino si Mr. Avilon na kausap niya kahapon nang biglang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya, “Mam Myrna, buti ho ay nakapunta kayo,” bati nito.
Pagtalikod ng babae ay nakita niya ang isang Mr. Avilon na naka-suot ng business attire, malayong-malayo sa suot niyang halos pambahay lamang kahapon nang una silang magkita.
“Sana ho ay masabi niyo na kung bakit talaga ako nandito at kung bakit mo kilala ang asawa ko,” sagot niya.
“Mam Myrna, anim na taon ng huli kong makita ang asawa niyo. Siya ang lalaking hinanap at pilit na kumontak sa akin nang mawala ang bag kong naglalaman ng libo-libong piso dolyar,” panimulang kwento nito. “Dahil sa kabaitan niya ay gusto ko siyang binigyan noon ng malaking halaga bilang pasasalamat, ngunit tinanggihan niya ako.”
Napangiti si Myrna habang nakikinig sa kabutihang ginawa ng kanyang asawa, ngunit naluha siya sa susunod na sinabi ng lalaki.
“Tinanggihan niya ang pera at sinabing ‘Salamat, pero hindi ko ito matatanggap, pero kung gugustuhin mo talaga akong pasalamatan, kung maaari sana ay sa aking mag-ina ko nalang. Kung darating ang pagkakataon na mawawala ako, ay sana sa kanila mo nalang ibalik ang kabutihan nagawa ko’”” patuloy niyang kwento.
“Kaya sana Mam Myrna, pumayag kang dito sa kumpanya ko mag-trabaho, ang sweldong makukuha mo rito ay sobra-sobra para sa inyo ng iyong anak, tutulungan kitang makahanap ng mas maayos na matitirahan,” nakangiting sabi ni Mr. Avilon.
Sa pag-iyak ni Myrna ay bigla niyang natanong, “Pero hindi ko maintindihan, pwede namang hindi niyo na kami tulungan, pero sobra-sobra parin ang tulong na handa niyong ibigay. Bakit ho?”
“Ang perang binalik ng asawa niyo Mam Myrna ay ang perang gagamitin ko noon sa pagpapagamot sa anak ko. Kung hindi isinauli ng inyong asawa ang malaking halaga na iyon ay baka hindi ko na kasama ang anak ko ngayon. Kaya sana tanggapin niyo ang aking alok,” nakangiting sagot ng lalaki.
Hindi na sumagot pa si Myrna, at tahimik siyang tumango habang nakangiti at lumuluha sa labis na ligaya.
Bumisitang muli ang mag-ina sa puntod ni Ben. Nagpapasalamat ito dahil ramdam pa rin niya ang pag-aalaga sa kanila ng kanyang asawa kahit hindi na nila ito kapiling.
Kinabukasan ay nag simula na agad ang pagta-trabaho ni Myrna sa isang maayos na kumpanya. Simula noon ay nakapagsimula na rin siyang makapag-ipon at matagumpay na naitaguyod mag-isa ang kaniyang pinakamamahal na anak.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!