Inday TrendingInday Trending
Ginamit ng Lalaki ang Pagiging Abogado Niya Para Mangaliwa, Pero Mas Matalino Pa rin si Misis

Ginamit ng Lalaki ang Pagiging Abogado Niya Para Mangaliwa, Pero Mas Matalino Pa rin si Misis

Nasa pangalawang taon na noon si Alvin sa pag-aaral ng abogasiya at talaga namang napakagaling ng lalaki. Bukod sa matataas na marka nito sa eskwela ay nagtratrabaho na rin ito sa isang law firm office bilang isang asscociate. Hindi rin matatawaran ang pagiging isang mabuting anak ng lalaki.

Ngunit sa kabila ng lahat ay mayroon siyang malaking kapintasan, ubod siya ng babaero. High school si Alvin noong unang naka-nobya at sa taong 13 anyos ay natikman na agad niya ang sarap ng pakikipagtalik.

“Alvin anak, ayos lang maging babaero pero wag kang mangbubuntis kung ayaw mong matali at tumanda agad,” pahayag ng lolo ni Alvin.

Si lolo Sammy ang nag-alaga at nagpalaki sa binata, naninirahan kasi sila sa probinsya at nasa Maynila naman ang mga magulang ng binata.

Halos yata lahat ng magagandang babae sa kanilang nayon ay naging nobya ni Alvin. Maging ang mga bagong lipat at ang mga dalaga sa pistahan na dumarayo.

“Oo naman lolo, gumagamit ako lagi ng condom at saka alam niyo naman hong idol ko kayo,” sagot ni Alvin sa matanda. Wala pang inuuwing babae ang binata at ipinakilala sa lolo, ang mga nagiging nobya kasi nito ay nagtatagal lamang ng tatlong buwan at pag natikman na niya ang babae ay agad na niya itong papalitan. Nagawa na rin niyang pagsabayin ang tatlong babae.

Ngunit nagbago ang lahat ng pumasok siya sa pagaa-abogasiya at nakilala niya si Grasya. Maganda, malakas ang dating at ang pinakamasakit na katotohan ay mas matalino ito sa kanya. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa, magka-partner sa mga kaso at pagpupuyat sa mga exam.

“Grasya ano to? Ganito lang tayo palagi? Hanggang ganito na lang ba?” tanong niya sa babae nang matapos silang magsiping.

“Alam ko namang yan lang din talaga ang gusto mo kaya nga binibigay ko na sayo kahit hindi naman talaga tayo,” saad ng dalaga sabay nagbihis at umalis.

“Natatapakan ang pagkalalaki ko ha. Mababaliw ka rin sa akin,” saad ni Albert sa sarili. Kahit pa ilang beses nang may nangyayari sa dalawa ay hindi parin mapasagot ni Alvin ang dalaga at alam niyang hindi ito baliw na baliw sa kanya. Kaya naman isang gabi nang sila’y magsiping hindi siya gumamit ng proteksyon at sinigurado niyang mabubuntis niya ang dalaga.

“Kailangan natin magpakasal Alvin. Tang*na mo buntis ako,” saad ni Grasya sabay sampal sa binata Nasa ikaapat na taon na sila noon sa kanilang paga-abogasiya at hindi na nakapagtapos pa si Grasya dahil sa pagbubuntis at kailangan niyang alagaan ang anak dahil isinilang ito ng mas maaga sa inaasahan.

Nagpakasal ang dalawa sa huwes ngunit hindi ni-rehistro ni Alvin ang kanilang kasal nang sa gayon ay wala itong bisa. Ginamit niya ang kaniyang mga napag-aralan para hindi siya matali sa babae.

Naging abogado si Alvin at isang maybahay naman si Grasya. Maayos naman ang naging pagsasama nilang dalawa at mabait si Alvin kanyang mag-ina.

“Apo, mukhang seryoso kana talaga kay Grasya ha. E nagparami ka kaagad ng lahi,” biro ni Mang Sammy sa apo.

“Naku lolo, ngayong abogado na ako e kailangan ko nang mag-ayos sa buhay,” saad ni Alvin sa matanda.

Narinig iyon ni Grasya na siyang ikinasaya naman niya dahil kahit papaano ay nagbago na ang dating babaerong nakilala niya.

Nagtrabaho si Alvin sa Maynila at naiwan ang mag-ina niya sa probinsya. Doon ay nagbuhay binata ang lalaki, pakilala niya sa mga kaibigan ay wala siyang asawa at nakisama sa ibat-ibang babae.

“Sabi mo sa akin walang kang asawa! Manloloko ka! Sino yung Grasya!?” sabay sampal ni Pamela kay Alvin. Isa sa mga ibinahay ng lalaki.

“Hindi kami kasal Pam! Naanakan ko lang yun at ikaw lang ang mahal ko. Kahit magtanong ka pa at kumuha ng cenomar mapapatunayan ko sayong hindi kami kasal at wala lang talaga akong magawa noong nabuntis ko siya,” paliwanag ng lalaki.

Naniwala naman agad si Pam. Hindi nagtagal ay nabuntis rin niya ang dalaga at ang matindi pa, nanghihingi ng kasal.

Isang araw ay tahimik na nagpapahinga si Pamela sa sofa, medyo maselan ang pagbubuntis niya nang makarinig siya ng ilang katok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto at isang babae ang bumungad sa kanya.

“Ikaw ba yung bagong naanakan ni Alvin? By the way, I am Grasya, legal wife ni Atty. Alvin Ormon yung lalaking binulag at pinaasa ka,” wika ng babae. Sakto naman dumating si Alvin sa kanilang bahay.

“Hindi totoo yan, hindi legal ang kasal natin Grasya. Niloko lang kita noon dahil hindi naman talaga kita mahal. Si Pamela ang mahal ko at papakasalan ko,” saad ng lalaki sa kanyang misis.

“O tigilan mo ako sa drama Alvin. Diyos ko naman, nasa law school pa lang tayo e alam mo namang mas matalino ako sayo. Bobo ba ako kung hindi ko sisiguraduhin na kasal ka sakin? Of course hindi! Wag kang tanga! titulo lang nilamang mo sa akin pero hindi ako inutil,” sabay hagis ni Grasya ng mga papeles sa kanilang dalawa.

“But don’t worry Pamela. Hindi ako nagpunta dito para makipag-agawan ng asawa sayo. Iyong -iyo na yang walang kwentang lalaking yan na walang alam kundi ang magpalaki ng ari niya! O nga pala Alvin, inform lang kita. Magsasampa ako ng kaso para mawalan ka ng lisensya. Hindi ka naman siguro ulyanin, alam mo parin naman siguro na labag sa batas ang ginagawa mo at isa yan sa mga pwedeng dahilan para mawalan ka ng lisensya,” dagdag muli ni Grasya na tumatawa pa.

At lumipas ang ilang buwan at taon ay nawalan na nga ng trabaho si Alvin at kasunod pa nito ay ang pagkawala ng lisensya na kanyang pinaghirapan. Wala na ngayong ipinagmamalaki ang lalaki. Iniwan rin siya na Pamela at ngayon ay nagdudusa at nagsisimula muli sa pagiging assistant at taga-basa na lang muli ng mga kasong hindi naman niya maipaglalaban kahit kailan.

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement