Inday TrendingInday Trending
Hindi Nakasagot ang Babaeng Ito Nang Tanungin Siya ng Anak Tungkol sa Matandang Tinderang Binarat Niya

Hindi Nakasagot ang Babaeng Ito Nang Tanungin Siya ng Anak Tungkol sa Matandang Tinderang Binarat Niya

Hawak ni Herra ang kamay ng 6 taong gulang na anak na si Jc habang namamalengke sila. Kailangan niyang bilisan dahil maya maya lang ay magkikita sila ng kumareng si Letty para kumain ng tanghalian sa labas.Excited siyang makita ang matalik na kaibigan at kung hindi nga lang ubos na ang supplies sa bahay nila ay di siya ipagpapaliban niya ang pamimili. Nadaanan niya ang isang matandang nagtitinda ng isda, pwede iyong ulam ng mister niya mamayang gabi.Mahilig kasi ang lalaki sa seafoods. “Ale magkano ho sa tilapia?” tanong niya rito. ” 35 pesos ho ma’am, sariwa ang mga yan bagong huli ng asawa ko.” nakangiting sagot ng matanda, siguro ay nasa 70 years old na ito o higit pa. “hindi ba 25 na lang?” tanong ni Herra. “Ma’am masyado naman pong mababa, wala po akong tutubuin.” magalang na sagot ng matanda. “Edi wag. Sa iba nalang ako bibili.” sagot ni Herra at akmang maglalakad na palayo. “s-sige na ho! ilan ho bang kukunin nyo?” pigil sa kanila ng matanda. “Dalawang plastik,” ngiting tagumpay naman si Herra, samantalang ang batang hawak niya ay tahimik lang na nakamasid, tila kinukwenta kung magkano ang nabawas sa presyo. Natapos silang mamalengke ng maaga, nakauwi sila agad upang magbihis at narito na sila ngayon sa isang magandang restaurant kasama si Letty. Pagkatapos nilang kumain ay si Herra na ang nagkusang magbayad, kasama niya pa rin ang anak na nakaupo lang. Pagkaabot niya ng bayad ay nag-iwan pa siya ng sobra bilang tip sa waiter na nag asikaso sa kanila. “Mama, bakit ka nagbigay ng sobra po?” tanong ng bata. “Tip ang tawag don baby, syempre kailangan matuwa ang mga waiter para maganda ang service ng restaurant sa atin, para may makakainan pa rin tayo diba.” paliwanag niya sa anak. “Bakit yung lola kanina, walang tip? diba nagbawas pa tayo sa oresyo ng paninda niya?” tanong pa rin ng bata, naguguluhan talaga ito. “Dahil pwede namang tumawad doon anak, dito, hindi.” sabi ni Herra, sa totoo lang ay di niya alam ang isasagot sa bata.Minsan talaga ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip nito. “Dahil po ba mahirap siya mama at hindi siya makakapalag? pero diba po mas kaialngan niya ang pera kesa sa restaurant na ito, pero ang konting tubo niya po ay tinanggal pa natin tapos ibibigay mo ng pa-sobra, samantalang mayaman na naman po ang restaurant na ito.” Hindi nakaimik si Herra sa anak, ang mga bata talaga ang nagsasabi ng totoo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement